Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 25 [Leeyah POV] Hindi pa rin siya makapaniwala. Makakasama niya sa iisang bahay ang CEO! Papaano nangyari iyon na ganoon-ganoon lang? Papaano napapayag ng kapatid niya na siya, na trabahante sa kompanya nito na papatirahin sa bahay nito? ‘Di ba? Is this a priviledge or a curse?! Ang taong iniiwasan niya, makakasama pa niya araw-araw! Ano ba ‘yan! Nakarating na sila sa exclusive subdivision kung saan nakatira si Nicholas. Huminto muna ang sasakyan at ni-scan ng security guard ang card key bago pumasok. Nag-fill up muna sila ng form dahil bisita sila tiyaka pinapasok na sila sa loob. Automatikong bumukas ang gate ng bahay at pinarada ng ate niya ang sasakyan. Nagtulungan sila dalhin ang kanyang mga maleta papasok sa loob ng bahay ha

