Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 74 [Leeyah POV] Nagising siya ng makaramdam ng sobrang lamig. Oo nga pala, nakatulog pala siya sa bonggang kwarto. Humikhab ulit siya at bumangon. Kinuha niya ang remote ng air conditioner at in-adjust ang lamig. Grabeng air-con naman ito para siyang nasa freezer sa sobrang lamig. Dumungaw siya sa bintana. Sobrang ganda talaga ng city view! Kulang na lang kakain ng popcorn habang pinapanood ang mga building at mga sasakyan sa ibaba. Speaking of popcorn, nagugutom na siya. Natatandaan niya na magpapadala ng pagkain si Nicholas para sa kanya kaya pumunta siya sa kitchen. And tama nga siya dahil nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa. Hindi siya makapaniwala sa mga pagkaing nakahanda. Steak, salad, champagne at iba pang mga pagkain na

