Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 76 [Leeyah POV] Tapos na siyang kumain. Sobrang nag-enjoy siya sa mga nakain niya. Hindi lang tiyan ang busog kundi mata niya. Kanina tinataw niya mula sa bintana ang buong city then, pumuwesto naman siya sa living room at nanood ng movie sa malaking smart television. Parang nasa isang private cinema siya sa sobrang laki at high definition ng television. Niligpit niya ang kanyang pinagkainan. Siyempre, nagtira din siya ng pagkain para kay Nicholas. Baka pagbalik noon, hindi pa iyong naghahapunan. Teka, saan na nga ba ang lalaking iyon? Alas nuebe na ng gabi at hindi pa rin bumabalik. May pinuntahan kaya itong importante? O kaya naman may trabaho. Pero, ang sabi naman nito, bukas pa magsisimula ang dadaluhan nilang conference. Ano ka

