(8) Curiosity

1027 Words
US2:TWLM by Runa lee Chapter 07 [LEEYAH POV] One hour before sa kanilang second interview, maaga silang bumalik sa building. Masaya siya sa mga kwento tungkol sa mga bago niyang nakilala habang kumain sila ng lunch. Halos parehas pala sila ng mga objectives sa buhay at kung bakit napili nila na ditto mag-apply ng trabaho. Panigurado magiging malapit silang magkaibigan kapag silang lahat ay pasado sa interview mamaya. Wala yatang oras na hindi nakakatawa at interesting ang kentuhan nilang apat. Pagbalik nila sa building, sila pa lang ang naroon kaya pumuwesto muna silang apat sa hallway na may mga nakahilerang mga bangko at umupo. “Ano na naman kaya ang itatanong sa atin mamaya?” Lily asked. “Pagn-quiz bee yata ang gagawin natin.” Biro ni Nico. “Ang importante matapos na ‘to. Nakakakaba kaya na pinaghihintay pa tayo ng ilang minutes o oras.” Sabi ni Jenny. “Mag-practice na lang kaya tayo?” suggest niya. “Total, mahaba pa naman ang time natin, mas okay na gamitin natin iyon para mag-ready.” “Good idea! Sige, gagawin natin iyan! Jen, Nics, Lee, tanong na kayo bilis!” “Mauna na muna kayo. Pupunta mun ako sa rest room.” paalam niya. Agad siyang pumunta sa rest room di kalayuan sa kanilang puwesto. Ilang sandali lumabas na siya at pabalik kina Lily. Ilang hakbang pa lang niya, may narinig siyang malakas na singhap at hiyaw. “Oh my gosh! It’s really you!” Paglingon niya, hindi na siya makapag-react pa ng bigla siya nitong nilapitan at binigyan ng mahigpit na yakap. Halos binuhat na siya dahil sa tangkad nito. Hindi niya maintindihan dahil ni minsan o isang beses hindi pa niya ito nakikilala. Alam niya na lalaki ito pero kabaliktaran sa tingin niya. “I’m so happy nagkita ulit tayo!” Mahaba, slightly kulot, at kulay blonde ang buhok nito. Para bang buhok ng mga Hollywood artist. Nakasuot ng sunglasses at modern style na white blazer at suarepants. Transvestite ba ‘to? “Kumusta ka na? Akala ko hindi na kita makikita ulit. Sila Tita at mamshie kumusta na?” Kita sa gesture nito ang excitement na makita siya pero, wala talaga siyang natatandaan na kakilala niya ang magandang lalaki na ‘to. “I, uh. Sorry, ma-magkakilala ba tayo? Hindi pa kasi kita…” “Oh, I’m sorry.” Tila kumalma ito sa sinabi niya pero may halong dismaya sa mukha nito. “I guess nagkamali lang ako. Naistorbo yata kita. Sorry, ah?” “Naku, hindi! Walang problema.” “Sorry talaga. I’m Luciana. And you’re?” “Leeyah.” Pakilala niya. “Ano pala ang ginagawa mo ditto, Leeyah?” “I’m here for my job interview.” Nagulat ito sa sinabi niya. “Wow! I can’t believe it! Dito pa talaga?!” “Huh? Bakit?” “Huh? Wa-wala! Nagulat lang ako. Anyway, kalimutan mo na reaction ko. Ganito talaga ako. Goodluck sa iyo. I’m sure a hundred percent na makakapasok ka rito.” “Thank you po! Dream ko din na makakuha agad ng trabaho. Kaka-graduate ko lang kasi at gusto ko na tumulong agad sa family ko.” “Don’t worry, girl. Hinding-hindi masasayang ang effort mo para makapasok ditto.” “Thank you. Ikaw din ba galing sa interview or nagtatrabaho ka na ditto?” tanong niya. “Ako? Um, nandito ako kasi may meeting---“ “Luccas!” Napatigil sila sa paguusap pagkakita niya kung sino ang nagsalita. Napabilog ang kanyang mga mata sa gulat. Ang isang tao lang naman na inakusahan niya na weddgin crasher ex-boyfriend ng ate niya sa kasal! Ang mismong CEO ng Guerrero-Valencia! “Hey, Mister CEO, President, chuchu?! Magsta-start na ba?” Mukhang wala ito sa mood sa hindi maipinta ang mukha nito. Nakatayo ito sa may elevator habang nakatingin ito sa kanilang dalawa ni Luciana… or Luccas? Luciana sighed at hinarap siya. “Time to go! Sinusundo na ako ni guwaping na maasim pala ang mukha. Goodluck sa interview mo. See you when I see you, Leeyah!” at nagmamadali pinuntahan ang CEO na nasa loob na ng elevator. Ang intense ng pangyayari! Nang makita niya ang CEO sa ikalawang pagkakataon, parang pinako ang mga paa niya sa lupa! Noong unang kita niya ito sa kasal ng kanyang ate, grabe ang lakas ng loob niya pero ibang iba ngayon. Kakaiba ang aura nito! “Kaano-ano kaya siya ng may-ari?” “Ay, tokwa!” nagulat siya ng nasa likuran na pala niya ang tatlo. “huwag nga kayong manggugulat! Ba’t kayo nandito?” “Magsi-CR din kami eh kaso nakita ka naming na may kausap na mas diyosa pa kesa kay Nics.” sabi ni Jenny. “Duh! Lamang lang naman iyon ng isang ligo.” “Kilala mo ba iyon, Lee?” “Hindi, eh. Nagulat na lang ako na kinausap niya ako tiyaka niyakap. Long time no see daw pero hindi ko naman siya kilala.” “Ah, ganoon pala. Pero ang main question, kaano-ano ng baklang iyon si CEO s***h future boss?” tanong ni Lily. “Jusme! Baka jowa! Ay, wala na tayong pagasa mga beshie!” “Anong tayo? Ikaw lang naman ang naglalaway diyan sa CEO s***h future boss!” “Ay, lumihis pala si Sir. Pero in fairness, love has no boundaries, and who we are to judge?” “Tumigil nga kayo.” Awat ni Jenny. “Hindi naman natin alam ano ang totoo. Sasagap muna tayo ng source bago mag-conclude. Baka mapano pa tayo ditto pag nagkalat tayo ng maling chika.” “May point ka, Jen.” Sumang-ayon siya rito. “Huwag siguro muna natin pagtuunan ng pansin iyon. Kailangan na natin maghanda para sa interview.” “Oo nga! Nakalimutan ko na! Go na tyo. Ay sandali, magsi-CR pa pala kami. Diyan ka muna, Lee.” Hindi naman inaakala na sa gwapuhin ang CEO pero hindi siya tutol sa preference nito. Pero gayunpaman, “hays. Dapat hindi ito ang iniisip ko, eh. Ano ba ang pakialam ko sa kanila?” Eh, kung itatanong na lang niya sa ate niya tungkol rito? Yep, gagawin niya iyan. Curious talaga siya, eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD