[Leeyah POV]
Pagpunta niyakung saan gaganapin ang interview, marami-rami din pala ang mga kagaya niya para dumalo ditto. Hindi rin pala siya ang may gustong makakuha ng slot ditto para makapagtrabaho sa ganitong company. Ang iba, kagaya niya na fresh graduate at meron din na halos may experience na. Kita ang kaba sa mga mukha at ang iba din ay nagpa-practice kung anong isasagot sa interview. Sa nakikita niya ngayon, parang nahila din yata siya ng kaba. Pero kahit ganito ang nararamdaman niya, iniisip na lang niya ang mga itinuro ng ate niya. Walang mangyayaring masama sa kanya at kailangan maging kalmado siya. Kayang kaya niya ito at hindi niya idi-dissapoint ang ate at mama niya.
Nagsimula na ang interview. Anim na ka-tao ang tatawagin para pumasok at pag nandoon na sa loob, magihihntay na tawagin ang pangalan para sa interview. Habang hindi pa siya tinatawag, tinandaan niya ang mga itinuro ng ate sa kanya.
“Hi. Wala bang nakaupo sa tabi mo?”
Napaangat siya ng tingin at nakita niya ang dalawang babae na nakatayo sa tabi niya. May dalawang silya kasi na bakante sa kanan niya. “Wala. Upo lang kayo.” Umusog siya para makaraan ang dalawa.
“Thank you. Nga pala, ako si Lily.” pakilala sa kanya.
“Ako din pala si Jenny.” Sabi rin ng sa kasama nito.
“Leeyah. Nice to meet you.” nakipagkamay siya sa dalawa.
“Pinapasama ko itong pinsan ko na bumili ng tubig. Parang mahihimatay na yata ito sa kaba, eh.”
“Ui, hindi ah! OA mo naman. Kinakabahan lang.” sagot ni Jenny sa pinsan.
Natawa siya sa dalawang magpipinsan. “Normal lang ang kaba at kailangan ready ang katawan natin sa interview.”
“Oh, hindi ba sabi ko sa iyo? Kaya nga nagpasama akong bumili ng tubig para dehydrate ang katawan at utak ko. Kulang tayo sa tulog beshie dahil practice tayo ng practice para maging bongga ang isasagot natin sa interview.”
“Oo na kaya tumahimik ka na diyan.” hinarap siya ni Lily. “Pagpasensyahan mo na itong insan ko. Mabunganga pag kinakabahan.”
“Okay lang. buti rin dahil naguusap tayo. Pampawala rin ng kaba. Ano palang position ang a-applayan ninyo?” tanong niya.
“Fresh graduate kaming dalawa so kahit ano lang sigurong position ang ibibigay sa amin.” sagot ni Lily.
“Wow. Parehas lang pala tayo.”
“I think kokonti lang tayong mga baguhan ditto. Alam mo naman anong kompanyang ‘to, hindi ba? Maraming gustong makapasok ditto. Kaya nga ng malaman naming ni Jenny na may job opening para sa fresh graduates? Boom! Agad-agad kaming nag-ready.”
“Pero, may sumasawsaw pa may experience na sa trabaho. I hope hindi tayo mababalewala dahil nandiyan sila. Dream kasi naming ni Lily na makapagtrabaho ditto. Balita naming sobrang ganda ng benefits ditto.”
“An g**g taas pa ng sweldo!”
“Oo nga balita ko nga iyan. Kaya din ni-suggest ng ate ko na ditto mag-apply ng work.” Ayaw niyang sabihin na ang ate niya ay ang dating secretary ng CEO ng kompanya.
“Laganap ang tsismis. Kaya sobrang excited naming ni Jenny eh na kasama kami sa mai-interview ngayon. Sobrang pinaghandaan naming ito. Hindi kami genius pero sana matanggap kami."
“Beshies! Sorry na-late ako.” May bagong dating na lalaki.
“Diyos ko! Mabuti nakahabol ka pa. saan ka ba sumuon? Kanina pa kami naghihintay sa iyo.” Sabi ni Lily.
“Minalas ako sa biyahe, eh. Pinatayan pa kami ng tubig sa bahay kaya todo igib kami ni Mama ng tubig. Nagsimula na ba?”
“Kanina pa. good news hindi pa tayo natatawag. Ui, nga pala si Leeyah. Kaparehas nating. Fresh and raw.”
“Loka. Sinama pa ang raw.” Nakipagkamay silang dalawa. “Nice to meet you, Leeyah. I’m Nico. Magkabarkada kaming tatlo since college at parehas ng course na kinuha. Pero tignan mo naman girl, mas lamang ang beauty ko.”
“Sabunutan kaya kita?” saway ni Jenny. “pagpasensyahan mo na, Leeyah. Feeler kasi ang bakla. Baka may natira pang sabon sa mata.”
“Maiba tayo,” sabi ni Lily. “besides sa gusto n Ate mo na ditto ka mag-apply, ano pa ba ang reason mo?”
“Uh, gusto ko lang kasi na makahanap agad ng work. Bago lang ikinasal ang ate ko so as much as possible, may trabaho na ako para makatulong sa mama ko.”
“Ako naman, kaka-abroad lang ni mama at naiwan kami ng dalawa ko pang mga kapatid sa tita ko so dagdag tulong na din itong paghahanap ng trabaho.” Sabi ni Lily.
“Me naman, hinahabol ko ang bonggang benefits ditto. Mas mabuti maaga pa lang, secured ka na. gusto ko kasi magkaroon ng sariling sasakyan at mag-travel.” Sabi din ni Jenny.
“Certified gala itong si Jenny. Nagmana kasi kay Dora na Makati ang mga paa.” Sabi ni Nico sabay tawa. Ganoon din sila.
“Oo na! Makati na kung Makati. Maikli lang ang life at kailangan din natin makita ang wonders ni lord.”
“Miss Jenny Romero, Miss Lily Romero, Miss Jastine Suria, Mister Oscar Tim, Mister Nico Bersabal and Miss Leeyah Sta. Maria, you can go inside now.”
“Oh my gosh, tayo na ang tinatawag!”
“Kinakabahan na ako!” sabi ni Jenny.
“Kaya natin ‘to! Para sa mga goals natin!” pampalakas loob niya sa tatlo.
“Sige, sige. Goodluck sa ating lahat.”
“Pagkatapos natin dit, sabay tayong kumain, ah?”
“Pagkain na naman, Lily?”
Nakakakaba man pero ng makilala niya ang tatlo, sobrang saya niya dahil may mga bago na siyang kaibigan ditto. Sana pumasa silang lahat.
[Leeyah POV]
Pangatlo siya sa tinawag para sa interview. Fortunately, madali sa kanya ang mga tinatanong ng mga interviewers dahil kasama sa pinaktrisan nila ng ate niya ang mga possible questions. Pero, may iba din na mga tanong na nahirapan siya but, she did her best para sagutin ng tama ang mga iyon. Ayaw niya na mawala lahat ng pinagpaguran nila ng kanyang ate. Mababait din naman ang nag-interview sa kanya. Akala nga niya kasama ang mismong CEO sa magi-interview pero hindi naman pala. Malaking ginhawa yun sa kanya baka hindi gagalaw ang bibig at utak niya pagkaganoon.
Naghintay siya sa labas kasama ang kakatapos din na si Lily. Ilang minute ang lumipas lumabas na din sila Jenny at Nico.
“Kumusta ang interview ninyo?” tanong niya.
“Ang hirap!” sagot agad ni Nico.
“Naku, buti hindi ako nagka-nosebleed sa mga english ko. Okay lang naman. Feeling ko naging okay ang performance ko. Ikaw, Nics?”
“Parang ganoon na din. Basta ginawa ko din ang best ko.”
“Ang sabi nila, first interview pa lang ‘to at mamayang alas dos ang second interview.”
“Oo nga. I need energy! Sasabak pa tayo sa giyera mamaya! So, kain na tayo!”
“Iyan lang naman ang hinihintay mo Lily, eh. Sige na nga. Leeyah, sama ka sa amin.” Yaya nila sa kanya.
“Oo naman! Nakakagutom ang interview. Mapaparami yata ako ng kain nito.”
“Edi, gora na tayo!”