Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories by Runa Lee
Chapter 6
[Leeyah POV]
Pinasa niya ang kanyang application form sa Guerrero-Valencia Company. Habang naghihintay, sinanay siya ng kanyang ate kung ano-ano ang mga possible work niya doon kung matatanggap siya. Doon ito dati nagtatrabaho pero nag-resign na ito pagkatapos ng kaya kaya malaking advantage ito para sa kanya dahil alam ng kanyang ate ano ang gagawin sa loob ng company.
Sinanay siya nito at pinagaralan niya ang mga simple at mabibigat na Gawain. Medyo bago at iba sa mga napasukan niya noong naging intern siya pero ganito daw ang totoong task niya papaano gumawa ng mga files at kung iba pa.
Ilang araw ng paghihintay, nakatanggap siya ng e-mail galing sa company at isa daw siya sa mga napili na ma-interview one week from now. Todo ang paghahanda niya sa kanyang mga isasagot at nagbabasa ng mga information tungkol sa Guerrero-Valencia Company.
At ito na ang araw na pinakahihintay niya. Hinatid siya ng kanyang ate kasama ang asawa nito na si Zack papunta sa company. Bago siya bumaba ng sasakyan, todo ang pag-aayos niya sa kanyang suot. Sinunod niya ang payo ng ate niya na magsuot ng business formal attire para malinis at propresyonal siyang tignan sa mga interviewer.
“Huwag mong kakalimutan ang mga itinuro ko sa iyo, Leeyah.”
“Opo, Ate.”sagot niya.
“Huwag mong ipapakita sa kanila na kinakabahan ka. Mat mga tanong sila sa iyo pero hindi ka naman nila kakainin ng buhay.”
“Meron bang ganoon? Hindi naman ako kakasya sa bibig nila, ah.”
Natawa ang kuya Zack niya pero ang ate naman niya ay napailing na lang. “Leeyah, interview mo ngayon. Papaano kung kasama sa mga panelist ay ang CEL ng company? Kung hindi ka magiging focus at seryoso, baka ma-reject ka kaagad. Bumawi ka sa ginawa mo noon sa reception. Magpakitang gilas ka at ipakita mo na deserving mo mapasok sa company. Hindi ba gusto mo pagkatapos mo sa college, may mahahanap ka na agad ng trabaho?”
“Ate please,” pigil niya sa kapatid. “kuha ko na ang point mo. Alam ko naman na sobrang mali ko na inakusahan ang Boss mo na ex-boyfriend mo pero, babawi naman talaga ako. Don’t worry, I won’t you and mama down. I will do my best para sa inyo ni mama pati na rin kay Kuya Zack.”
“Thank you, Ate Lee.” Sabi ni Zack.
“Good, mabuti naman. Ayusin mo ulit ang buhok mo. Na-rebund na iyan bakit buhaghag na naman?”
Tumulong na rin ito sa pag-aayos ng kanyang buhok. “Hindi yata kaya ni Mamu ang buhok ko, ate.”
“Okay na. Ready ka na?”
Nag-thumbs up siya sa dalawa. Napailing muli ang kapatid niya. Bumaba na siya ng sasakyan. Kumaway siya sa at ate at kuya niya at lumakad papasok ng building.
Opportunity comes and go kaya sa abot ng kanyang makakaya, para sa kanyang sarili at sa pamilya niya, gagawin niya talaga ang best niya.
END OF CHAPTER 06