UNEDITED!!
CHAPTER 5
(Leeyah POV)
Palihim niyang sinundan ang lalaki. Nararamdaman niya na ang Ate Isabella mismo ang pakay nito. Hindi siya magkakamali ng dinig sa paguusap ng Ate at Mama niya na may taong dadalo sa kasal. Mas mabuti na siya mismo ang kakausap rito para kung ano man ang pakay nito sa kanyang kapatid, pagsasabihan niya ito na huwag ng makialam.
Nasa hallway ito at siya naman ay nagtago sa isang malaking poste hindi malayo rito para makita at marinig niya kung may kausap ito. Pero hindi siya makagalaw o masilip man lang saglit ang lalaki dahil nakatalikod ito.
Tumunog ang cellphone nito. "What? You've been calling for the tenth time."
Napahinto siya ng marinig ang boses nito.
"I'm already here. What are you talking about? I didn't do anything."
May pagka-kalmado at smooth sa pandinig ang tono ng boses nito. Bagay na bagay sa kabuuan nito. Pero, bakit pamilyar sa kanya ang boses nito na para bang narinig na niya ito.
"I am invited to the wedding. Yes, I saw her. No, hindi ako lumapit sa kanya. I can't do that for the respect of the family."
Ang kapatid niya ang tinutukoy nito!
"No need. Pumunta lang ako para Makita siya and that's enough."
Hindi nga siya nagkakamali! Ex-boyfriend nga ito ng Ate niya at wala man lang siyang alam tungkol dito! Sinekreto ba ito sa kanya? Dahil ang Kuya Zack lang ang alam niya na naging nobyo nito.
"But if I have a chance, kakausapin ko siya kahit sandal lang."
Oh, heck he don't! Kakausapin nito ng kanyang Ate? Para ano?
"I'll call you back."
"Excuse me." Tawag niya rito. Nilingon siya nito at tila may pagkagulat ng makita siya. Hindi siguro nito inasahan na may kakausap rito. Well, siya? Oo.
"Kung ang Ate Isabella ko ang pakay mo, mas mabuti pa na lumayo ka na lang sa kanya." Taas noo niyang sabi rito kahit mukha siyang bata dahil sa sobrang tangkad nito. "Nakita mo naman na masaya na siya sa piling ni Kuya Zack kaya sana, huwag mo na siyang gambalain pa. Huwag mo ng gawin kung may masama kang binabalak. Ikinasal na siya so ano pa ba ang gusto mo sa kanya?"
Hindi ito sumagot. Pinagmamasdan lamang siya nito. Akala niya magagalit ito, tila ba tinitignan siya nito na may lungkot sa mukha. May problema bas a mukha niya?
"Ayos na kung inimbita ka ni Ate sa kasal niya pero sana hindi ka na lalagpas na sirain mo ang araw niya. Matanong nga kita. Hindi kasi nakitang kasama ni Ate. Pinakilala ka nab a niya sa amin o ni Mama noon?"
Naghintay siya sa isasagot nito pero ganoon pa rin, pinagmamasdan lamang siya nito.
Hindi ba nito naintindihan ang pinagsasabi niya? Magi-english pa ba siya?
"Leeyah!" Nagulat siya ng bigla siyang tinawag ng kanyang Ate Isabella. Agad na itinaas ang napakalaking palada ng wedding nito at patakbong nilapitan siya. "A-anong...bakit ka nandito?!" Sabi nito na parang nagpa-panic na kinakausap niya ang "ex-boyfriend" nito.
"Kinakausap siya." Sabay turo sa lalaki. "Bakit mo pa inimbita ang ex-boyfriend mo sa kasal ninyo ni Kuya Zack?"
"Ano?!"
"Ex-boyfriend mo! Siya ang pinaguusapan ninyo ni Mama kanina, hindi ba? Para saan ba, Ate? Sa tingin ko, hindi maganda na mag-imbita ka ng mga dati mong karelasyon sa kasal mo. I know pwede maging magkaibigan ang mga dating magkasintahan pero ang imbitahin sa kasal? Eh kung magbago ang isip at bigla ka na lang tatangayin hanggang sa hindi ka na makita pa?"
Kumunot sng noo nito at napailing. May nasabi ba siyang mali sa mga sinasabi niya?
"Leeyah, listen. Hindi siya o naging boyfriend ko. Ever."
"Huh? Pero iyong---"
"Um, Leeyah. I want you to meet my... my boss. Sir Nicholas Guerrero."
****
(Leeyah POV)
"I'm so sorry Sir Nicholas sa inasal ng kapatid ko. Mukhang may hindi kami nagkaintindihan kanina kaya akala niya na may meron po sa atin dalawa." Todo pahumanhin ang kanyang kapatid sa "Boss" nito at siya naman, sobrang nagulatang sa nalaman niya at sa kahihiyang ginawa niya.
"I'm really sorry, Sir!"
Itinaas nito ang kanang kamay. "It's fine, Isabella."
"Magusap tayo pagkatapos nito, Leeyah." Bulong ng kapatid sa kanya.
Napayuko na lang siya sa kahihiyang dinulot niya. Totoong Boss talaga ito ng kapatid niya! Nakakahiya talaga!
"No need to apologize. By the way, congratulations on your wedding."
"Thank you so much Sir dahil nakapunta po kayo. Alam ko po na masyado kayong busy sa trabaho."
"If it's for my best secretary, pupunta ako. Thank you for inviting me." Tumingin ito sa suot nitong relo. "I'll be going now. May pupuntahan pa ako."
"Yes, Sir." Kinalabit siya nito. Sinenyasan siya na magsalita siya sa Boss nito.
"I-I'm so sorry po."
Tumango ito at umalis na. Nakahinga na rin siya ng maluwag pero pabaling naman ang kanyang kaba sa kanyang Ate.
"Leeyah, saan mo nakuha na ex-boyfriend ko ang Boss ko?"
"Eh kasi Ate, iyon ang naisip ko ng marinig ko kayo ni Mama." Rason niya rito.
"Leeyah naman! Sana nagtanong ka hindi ng maghinala ka ng kung sino-sino."
"Okay. Sorry na. Hindi na mauulit, Ate."
"Sige. Pero babawi ka."
"Babawi? Saan?"
"Leeyah, boss ko ang pinaghinalaan mo. Remember, ikaw ang ipapalit sa akin bilang secretary. Magiging Boss mo na siya."
Holy cow! Nakalimutan niya!
"We have to start your training as soon as possible, Leeyah. Hindi maganda ang pinakita mo sa magiging Boss mo."
"O-opo, Ate." Kung alam lang niya, hindi na sana niya ginawa. Nagpadalos-dalos siya! Kakainis!
****
END OF CHAPTER 5
A/N: Hello! Runa Lee here! I hope you like the story so far. PLease don't mind the grammar or spellings, improvised po kasi ang paggawa at hindi ko binabasa agad bago i-publish.
If you want to read the next chapter of THE WIFE'S LOST MEMORIES, kindly leave a LIKE and COMMENT. I'm happy to read your thoughts about the story. CHUAMNIDAH!!!