GOOD NIGHT, ate. I love you too. Ang sarap pakinggan ng mga katagang iyon. Akala ko nga, hindi ko na kailanman makakasama ang kapatid ko. Sulit naman ang lahat ng paghihirap at sakit na tiniis ko dahil humantong ako sa sandaling ito na palagi ko na siyang kasama. Gusto ko pa sana siyang pagmasdan habang natutulog. Gusto kong siguraduhin na nasa maayos siya at ligtas na nga kami sa panganib ng tahimik ngunit traydor na gabi. Puwede kasing nagmamasid pa rin sila mula sa pagkukubli sa dilim. Ganoon pa man, hindi ko na napigilan ang aking mga mata sa pagpikit. Ilang araw na rin akong kulang sa tulog dahil sa pag-aalala para kay Mirasol. Nilalabanan ko pa sana ang antok pero natalo ako niyon. Bahagya pang nagising ang diwa ko dahil sa likot ni Mirasol na para bang hindi makatulog—baka dahil s

