HINDI NA maikubli ang takot sa mga mata at ikinikilos ni Ate Koreen. Maraming beses siyang nagtangkang hawakan ako, ngunit hindi ko siya binigyan ng pagkakataon. Pinipigilan man ako ni kuya na magalit sa kaniya ay hindi ko naman mapilit ang aking sarili na sundin siya. Paulit-ulit na umalingawngaw sa loob ng kuwarto ni kuya ang pasinghal kong mga tanong sa kaniya. “Patawarin n’yo ako,” umiiyak niyang tinuran. “Ginawa ko naman ang lahat para mailigtas sila, e. Akala ko maayos silang nakaalis ng villa. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari. Ibinaba nila ako sa bayan ng gabing iyon. Dapat sana isasama nila ako pag-uwi nila pero nagpaiwan ako dahil kailangan ko munang siguruhing nasa ligtas na lugar si nanay. Nasa bus na ako papunta rito nang mapanood ko sa balita ang nangyari sa kanila.” Habang

