Chapter 34 Third Person POV Nasa rooftop ng school si Zeirah habang nakatingin sa ibaba ng playground. Abala ang lahat ng kaklase niya sa iba’t ibang larangan ng mga palaro ng school, may cheering squad, may running , at may kanya-kanyang grupo. Dahil wala naman siyang sinalihang kahit ano, doon na lang siya tumambay sa taas. Kuntento sa kung ano lang ang napapanood niya.Kailangan pa rin niyang pumasok dahil may attendance ang school. Wala si Ken. Kahit tinawagan niya ito kagabi, hindi ito umuwi. Kanina pa siya nag-aalala dahil hindi rin ito sumasagot sa mga tawag niya. Gusto niya itong makausap tungkol sa nangyari, lalo na sa pagsagot niya kay Bianca kagabi. Hindi rin niya nakausap nang maayos si Amarah dahil pinatayan lang siya nito ng tawag.Somehow, parang na gi-guilty siya sa mga na

