Marked by the Night

1512 Words
Chapter 3 Zeirah Walang tao nang dumating siya sa dorm nila ni Risa. Hindi niya alam kung nasaan ang babae, pero wala na siyang pakialam doon. Pagpasok niya sa kwarto, agad siyang tumakbo papunta sa CR at napahawak sa kanyang mukha at ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kamay. Tiningnan niya ang sarili sa salamin na nasa harapan niya. Napahikbi siya nang makita ang kanyang sariling repleksyon.Sabog ang kanyang buhok. Maputla ang kanyang mga labi. Kumalat ang eyeliner sa ilalim ng kanyang mga mata, kaya nagmukha siyang parang sinuntok sa mata sa sobrang itim nito. Napasubsob siya sa lababo at tinakpan ang kanyang mukha ng sariling kamay. Dahan-dahan siyang napaupo sa sahig habang patuloy ang kanyang pag-iyak. “Bakit, Zei?” mahina niyang tanong sa sarili. Ang hikbi ay naging tuluyang hagulhol. Hindi niya lubos maisip na isang pagkakamali ang isang gabing pagsama niya kay Risa sa labas. Pakiramdam niya ng nawala ang kanyang iniingatang p********e ay diring-diri siya sa sarili.Inilabas niya ang sakit na nararamdaman at binuhos ang luha na ayaw tumigil sa pagpatak. Ilang minuto pa siyang nagkulong sa banyo bago tuluyang tumayo at nag-shower. Humihikbi siya habang sinasabon ang bawat parte ng kanyang katawan. Namumula na ang kanyang balat sa kakakuskos at pakiramdam niya magsusugat na ito sa paulit-ulit niyang ginagawa.Pero wala siyang pakialam at tinuloy-tuloy niya ang pagkukuskos. Nanlulumo pa rin siya ng lumabas ng banyo at nagulat nang makita si Risa na nakahiga sa kanyang higaan.Halatang nagulat din ito at agad napaupo sa higaan ng makita siya. “Zei?” tawag nito. Agad siyang tumalikod at kunwaring inilagay ang sabon sa ilalim ng kanyang maliit na kama, saka inayos ang lumang roba na suot niya.Ayaw niyang makita siya ni Risa na mukhang kagagaling lang sa pag-iyak at baka maghinala ito. “Zeirah!” ulit na tawag ni Risa sa kanya, kaya napilitan siyang dahan-dahang lumingon sa babae at hinarap ito. “Bakit?” walang emosyong tanong niya pilit na pinapatatag ang kanyang boses. “Anong bakit? Alam mo bang pinag-aalala mo ako magdamag? Hinanap kita, hindi kita makita. Saan ka ba nanggaling?” sunod-sunod na tanong nito sa kanya kaya napalunok ng bahagya si Zei, pero pinakalma niya pa rin ang sarili. Tinitigan lamang niya si Risa, bago muling tumalikod para kumuha ng damit sa drawer. “Maaga akong umalis. Iniwan n’yo kasi ako ng boyfriend mo. Kaya nauna na akong umuwi,” walang gana niyang sagot. Sa totoo lang, gusto niyang magpahinga. Pakiramdam niya para siyang lalagnatin. Masakit ang buong katawan niya, partikular na ang gitnang bahagi ng kanyang mga hita at sobrang sakit din ng kanyang ulo dahil yata sa ininom niya kagabi. “Umuwi ka? Eh pinuntahan kita dito, wala ka naman. I even called you, hindi mo ako sinasagot,” mas mahina na ang boses ni Risa, kumapara kanina at nababakasan niya ito ng pag-aalala. Muli siyang humarap dito at pilit na ngumiti. “Kumain kasi ako at tumambay muna sa kainan kagabi. Pasensya na kung napaalala kita. Lowbat din ako kaya hindi na nakapag-text.” Palusot na lang niya iyon at hindi niya alam kung maniniwala ba si Risa, at wala na rin siyang pakialam kung ano mam ang sasabihin o iispinin nito sa kanya sa ngayon lalo pa at sobrang lutang pa rin siya dahil sa nangyari kagabi.Kumuha na lamang siya ng bihisan at pumasok muli ng banyo. Paglabas niya, naabutan niyang may kausap si Risa sa telepono nang bumalik siya sa silid, kaya minabuti na lamang niyang matulog upang maibsan ang puyat at pagod na bumabalot sa kanyang katawan. Mahirap para sa kanyang ipikit ang mga mata at parang ayaw pa ring tumigil ng isip niya sa kung anu-anong alaala, ngunit pinilit niya ang sarili hanggang sa tuluyan siyang lamunin ng antok. Nagising siya nang madilim na ang buong pligid.Kahit ang ilaw sa banyo ay patay na rin kaya puro kadiliman na lamang ang sumalubong sa kanya at tunog ng electricfan sa gilid. “Risa?” mahina niyang tawag dito, ngunit walang sumagot. Napilitan siyang bumangon. Napahawak siya sa kanyang sentido nang biglang kumirot iyon, dahilan upang mapangiwi siya sa sakit. Paika-ika siyang naglakad patungo sa switch ng ilaw at agad itong binuksan. Lumiwanag ang buong silid.Napakamot uli siya sa kanyang sentido ng maramdamang pumitik-pitik pa ito. Bukod sa kumakalam na ang kanyang sikmura, saka lamang niya napansing wala pala talaga siyang kasama. Maayos ang higaan ni Risa kaya alam niyang lumabas ang babae.Sa sobrang lutang niya, hindi man lang mag sisink-in sa kanya ang dapat niyang gawin. Napabuntong-hininga siya bago lumabas ng silid nila. Dumiretso siya sa maliit na kusina, binuksan ang kabinet, at kumuha ng instant noodles. Iyon na lang ang pinakamadaling ihanda sa oras na iyon.Tiningnan niya ang relo at pasado alas-nuebe na.Ganon ba siya katagal na nakatulog at mukhang sa buong maghapon niya, ngayon lang siya gumising.Kaya pala sobrang gutom na din niya. Isinaksak niya ang kettle at naghintay habang kumukulo ang tubig. Habang nakatitig siya sa unti-unting pag-usok nito, kusang bumalik sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Ang mga kamay.Ang boses.Ang lalaking walang pag-aalinlangang umangkin sa kanya.Biglang bumigat ang kanyang dibdib at biglang napahawak siya sa magkabilang braso dahil nanindig ang kanyang mga balahibo ng maalala ang itsura nito. Mabilis niyang ibinuhos ang mainit na tubig sa mangkok ng noodles at isinara iyon, pilit iniiwas ang sarili sa alaala. Ngunit kahit anong gawin niya, parang naroon pa rin ang init ng haplos nito sa kanyang balat. Umupo siya sa mesa at tahimik na kumain.Pilit na nilulunok ang bawat noodles na sumasama sa kanyang tinidor. Isang subo.Dalawa.Ngunit hindi niya malasahan ang pagkain.Huminto ang kanyang kamay. Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata hanggang sa tuluyan itong pumatak sa mangkok.Napasinghap siya at pinunasan ang luhang nahuhulog sa kanyang mga pisngi. “Bakit…” mahinang bulong niya sa sarili. Hindi niya alam kung galit ba ang nararamdaman niya, takot, o kung anong damdaming pilit niyang itinatanggi. Ang malinaw lang, hindi niya maalis sa isip ang lalaki, ang lalaking gumulo sa kanya. Ang lalaking unang umangkin sa kanya kagabi. Napayuko siya at tuluyang napaiyak, tahimik na hinahayaan ang mga luha na mahaluan ang mainit na sabaw ng noodles. Sa gitna ng katahimikan ng gabi, ang tanging maririnig ay ang mahihinang hikbi niya at ang pusong pilit inuunawa ang nangyari, kahit siya mismo ay hindi pa handang tanggapin iyon.Muling pumasok sa isipan niya ang imahe ng lalaki. Gwapo ito at mukhang mayaman. Bago siya umalis, natandaan niyang pinagmasdan niya ito—lalo na ang cellphone at relos nitong suot, mga bagay na alam niyang galing sa kilalang brand. Hindi niya maalala kung paano o bakit sila nagkasama. Ang tanging naaalala niya ay nagpaalam siya sandali nang makaramdam ng matinding hilo. Napahilamos siya sa mukha at pilit inwaglit ang alaala ng lalaki. Kailangan niyang mag-isip nang maayos. Tumayo siya at kinuha ang folder na naglalaman ng kanyang mga dokumento. Tatapusin na lamang niya ang pag-fill up ng forms dahil sa Lunes ay papasok na siya sa unibersidad. Naalala niya ang kanyang mga magulang at kapatid na naiwan sa isla. Bigla siyang nakaramdam ng matinding konsensya. Ang ate niyang todo ang suporta upang makapunta siya ng Maynila at makapag-aral, kahit tutol ang kanyang ama dahil natatakot itong mapalayo siya sa pamilya.Buti na lamang at nakumbinsi ito ng kanyang ina at ate dahil pangarap niya talagang makatapos ng pag-aaral. Kailangan lamang niyang pagbutihin ang kanyang mga grado dahil scholar siya ng De Luca University. Ang mayor pa mismo ng kanilang lugar ang nag-sponsor sa kanya, kaya nakakahiya kung hindi niya pagbubutihin ang pag-aaral. Hindi man sila mayaman, hindi rin naman sila maituturing na mahirap. Nakakakain sila ng tatlong beses sa isang araw. Ang kanyang ama ay may mga bangka na kanilang ikinabubuhay, habang ang ate niyang si Shaina at ang kanyang ina naman ay may maliit na shop sa isla. Nagbebenta sila ng mga accessories na gawa sa kabibe at iba panh shells na ginagawa naman nilang alahas. May signal din naman sa isla kaya ang ate niya ang nagpo-post ng kanilang produkto sa social media. May mga umoorder minsan, at personal pa itong dinadala ng ate niya sa bayan. Kinakailangan pa nilang sumakay ng bangka para makarating sa siyudad. Para sa kanya, maganda na ang buhay nila—hindi man marangya, ngunit sapat at hindi sila nagkukulang. Nasa ganoong pag-iisip siya nang biglang pumasok si Risa. Gulat siyang napalingon, at lalo pang nagulat nang makitang hindi ito nag-iisa. Kasama nito ang boyfriend, na agad ngumisi nang mapatingin sa kanya.Agad siyang umiwas ng tingin at ibinalik ang atensyon sa pagkain. Tahimik niyang tinapos ang noodles, inayos ang pinagkainan, at pumasok sa kanyang kwarto. Ramdam niya ang pagsunod ng mga tingin ng dalawa sa kanya. Maya-maya pa ay kumatok si Risa at sumunod sa loob ng kwarto nila. “Ah, Zei… okay lang ba na dito muna pansamantala sa dorm ang boyfriend ko? Wala kasi siyang matuluyan. Nag-away sila ng parents . Don't worry, pansamantala lang naman, maghahanap din siya agad ng malilipatan.” "Risa-" Hindi niya alam, pero pakiramdam niya may something sa boyfriend ni Risa na natatakot siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD