Chapter 4
Zeirah
Sa dorm nila, lalong hindi naging komportable si Zeirah sa ilang araw na pamamalagi roon ng boyfriend ni Risa. Paano ba naman kasi, parang wala lang dito kung maglakad-lakad sa loob na naka-boxer lang. Hindi man lang ito mapagsabihan ni Risa. Kaya imbes na makapag-tambay siya nang maayos sa labas, mas pinili na lamang ni Zeirah na manatili sa kwarto tuwing wala si Risa sa dorm.
Idagdag pa ang manyakis na ngisi ng lalaki tuwing nagkakasalubong sila, isang bagay na hindi niya masabi kay Risa. Kagaya ngayon, naka-uniform na siya. Dahil skirt ang bahagi ng uniform at hanggang tuhod lamang ang haba, hindi maiwasan ni Zeirah na mahiya. Pakiramdam pa niya ay hindi naman siya ganoon kaputi para magsuot ng palda, lalo na’t lumaki siya sa isla kung saan mas praktikal ang simpleng pananamit nilang lahat.Kaya parang nakakailang na sinusuyod siya ng tingin ng lalaki.
Dark blue ang kanilang uniform. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang palda. Para tuloy silang high school students, na halos kahawig na ng Japanese school uniforms.Narinig niya noon na ang De Luca University ay pagmamay-ari ng isang pure blooded Spanish. Nagpakasal umano ito sa isang Japanese woman noong dekada ’60 kaya naman nang itinayo ang school, hindi na inalis ang tradisyon ng Japanese culture na nakasanayan na. Kalaunan naman ay nakapag asawa na ng pilipino ang mga anak nito at sila na ang nagpatuloy ng legacy ng kanilang mga angkan.
Isa ang De Luca University sa may pinakamalalaking paaralan sa bansa. Kaya naman labis ang tuwa ni Zeirah nang makapasa siya rito—isang unibersidad na dati’y napapanood lamang niya sa telebisyon o nakikita sa mga magazine at newspaper sa kanilang Isla. Ngayon, isa na siyang estudyante roon at nakapag enrolled na din at ngayon nga ang first day niya sa class kaya excited siyang pumasok.
Agad niyang nilisan ang dorm at nag-commute papunta sa paaralan.
Pagdating sa entrance, napahinto siya sa tindi ng ganda at lawak ng campus. Halos mapanganga siya sa laki nito ng gate, pumasok siya pagkatapos niya i-scan ang kanyang I.D. Malalawak na open gardens, modernong glass-and-steel structures, at isang engrandeng fountain sa gitna ng plaza. Hindi siya makapaniwalang naroroon siya mismo sa harap ng university.
Mas lalo siyang namangha nang mapansin na halos lahat ng estudyante ay mukhang mayayaman: designer bags, branded shoes, at pinakabagong gadgets. Bukod-tangi siya sa karamihan dahil jeep lamang ang sinakyan niya papunta roon na malayo pa ang babaan kaya naman tinakbo-takbo pa niya papasok para lang makahabol sa oras niya, samantalang ang iba ay may luxury cars o sariling chauffeurs.
Tahimik siyang naglakad sa hallway habang pinagmamasdan ang paligid. Ang mga pader ay dekorado ng malalaking paintings at naglalakihang trophies. Sa bawat sulok ay may mga estudyanteng nag-uusap at naglalakad na halatang may sinasabi sa buhay, mga anak ng elite. Ramdam ni Zeirah ang halo ng excitement at kaba at sabik siya sa bagong mundong ito, ngunit sa loob-loob niya, hindi niya maiwasang mangamba sa kanyang bagong mundo.
Agad niyang hinanap ang kanyang classroom, palinga-linga kung tama ba ang dinaraanan niya. Kagabi lamang ay na-email sa kanya ang schedule ng subjects kasama ang room numbers. Architecture ang kanyang kurso—pangarap niyang maging architect balang araw. Mahal na mahal niya ang bawat disenyo, bawat linya, bawat istrukturang nagbibigay-buhay sa isang espasyo.
May gusto siyang marating at patunayan sa buhay. Para sa kanya, ang mabigyan ng pagkakataong makapag-aral sa ganitong paaralan ay isang napakalaking oportunidad na hindi basta-basta ibinibigay sa kahit kanino.Kaya sobrang saya niya ngayon at lahat yata ng alalahanin niya nitong mga nakaraang araw ay biglang nawala.
Ilang minuto rin siyang paikot-ikot hanggang sa napangiti siya nang makita ang room number na hinahanap.
“Sa wakas,” masaya niyang bulalas.
Inayos niya ang suot na uniform at inayos din ang kanyang nakalugay na buhok bago pumasok sa silid. Muntik pa siyang matamaan nang may librong lumipad papunta sa kanya, buti na lamang at nakailag siya at lumanding ang libro sa blackboard.
“Oh, sorry!” agad na paghingi ng paumanhin ng isang blondeng babae, maganda, matangkad, at halatang mayaman.
Nginitian lamang niya ito. Sa loob ng classroom ay nagkakagulo na ang mga estudyante. May nagtatawanan, may nagsisigawan, at may nagbabatuhan pa ng kung anu-ano. Dahil mukhang wala pa ang kanilang instructor.
Pinili ni Zeirah na umupo sa likod kung saan dalawa na lamang ang bakanteng upuan. Tahimik siyang naupo sa upuan sa gilid at inilabas ang kanyang kulay asul na notebook.Ipinatong na muna niya ang bag sa bakanteng silya habang wala pa naman pumupwesto Bahagya niyang hinawi ang kurtina at pinagmasdan ang tanawin sa labas.
Namangha siya sa ganda ng campus—presko ang paligid dahil sa dami ng puno at halamang maayos ang pagkaka-trim.Talagang napakaganda kaya napangiti siya habang nakatingin sa labas.
Habang nagpapatuloy ang ingay sa loob ng classroom, ngunit pinili ni Zeirah na mag-focus sa sarili. Napatingin siya sa kanyang mumurahing relo.
Anong oras na ba? Mukhang wala pa yatang instructor.
Sa kanyang peripheral vision, napansin niyang may dumating at tumayo sa tabi niya. Hindi niya ito pinansin hanggang sa marinig niyang tumikhim ito.
“Can you get your things off my seat?”
Ang malalim at baritonong boses ay nagpagulat sa kanya.
“Ah—sorry,” agad niyang sabi habang kinukuha ang bag na nakapatong sa upuan.
Hindi siya agad nag-angat ng tingin sa may-ari ng boses. Ngunit nang hilahin ng lalaki ang upuan at maupo, napatingin siya rito—
At bigla siyang napahinto, tumigil ang kanyang mundo.Kasabay ng mabilis na t***k ng kanyang puso. Nanuyo ang kanyang lalamunan habang nakatitig sa mukha ng lalaki. Napalunok siya nang sunod-sunod at umawang ang kanyang bibig ngunit walang salitang lumabas mula rito. Ang lalaki naman ay halatang nagulat din, kunot ang noo nito habang tila kinikilala ang kanyang mukha.
Pareho at sabay silang nag-iwas ng tingin.
Bakit siya nandito?! Sigaw ni Zeirah sa kanyang isipan.
Hindi siya maaaring magkamali.
Ito ang lalaking nakasalubong niya noong nakaraang linggo, ang lalaking kumuha ng kanyang pagkababae.Lalong gumulo ang isip niya. Parang may sumasakal sa kanyang dibdib sa sobrang kaba. Hindi sinasadyang napalingon siya muli, at muntik pa siyang mahulog sa upuan nang makitang nakatingin din ito sa kanya with his dark aura, tila sinusuri at kinikilala siya nito.
Lord, sana hindi niya ako makilala, tahimik niyang dasal habang nakayuko at napakagat labi.
Ramdam niya na ang malamig na pawis na bumutil sa kanyang noo. Hindi niya ma-imagine na araw-araw silang magkikita kung magiging magkaklase nga sila nito.
Napapikit siyang muli at malalim na napabuntong-hininga.