Whispers in the Academy

1478 Words
Chapter 5 Third-Person POV Tumahimik ang buong klase nang biglang pumasok ang kanilang professor. Nagpakilala ito at agad na nag-flash ang kanyang mga detalye sa white screen na nasa harapan nila.Siya si professor Martin Santiago. Marami itong sinabi ngunit hindi iyon gaanong naintindihan ni Zeirah dahil mas tensyonado siya sa lalaking nasa katabi niya kaysa sa teacher nilang nasa harapan. “Good morning, Mr. De Luca. I am surprised na nagkita ulit tayo sa class ko,” narinig niyang sabi ng kanilang professor.Seryoso itong nakatingin sa parteng gawi nila sa likuran. Tumingin si Zeirah sa harap at sinundan ng tingin ng kanilang guro, at kung saan ito nakatingin. Nagulat siya nang dumako ang tingin nito sa katabi niya at halos lahat yata ng estudyante sa loob ng classroom ay sa lalaking iyon din nakatuon ang atensyon.May ilang napatakip sa kanyang mga bibig at lumakas ang bulung-bulungan sa loob. But the boy beside her just smirked and wore his headphones. Walang pakialam na sumandal lang ito sa upuan niya. Parang wala itong narinig at pakialam sa buong klase. Bago pa nakaiwas ng tingin si Zeirah ay tinapunan muna siya nito ng isang mabilis ngunit matalim na sulyap.Saglit lang iyon, pero sapat para mapabilis ang t***k ng puso ni Zeirah.Agad siyang napayuko at nagkunwaring nakatingin sa notebook niya.Hindi naman na ito muling pinansin ng kanilang professor kaya nagpatuloy ang klase hanggang sa narinig nila ang malakas na bell na tanda ng break time. Kanya-kanyang labasan at tayuan ang mga kaklase ni Zeirah. Siya naman ay mabagal na niligpit ang notebook at libro na nasa desk niya. Hindi naman siya nagmamadali at may tatlumpu’t limang minuto pa bago ang sunod niyang subject. Same room number kaya hindi na siya aalis sa room niya. Regular first year college siya kaya hindi na siya maglilipat-lipat ng classroom. Panandalian siyang napasinghap nang pagharap niya ay nandoon pa rin ang lalaki—prente lang na nakaupo ngunit kalmado ang mukha. Saglit na tinitigan ni Zeirah ang mukha nitong nakapikit habang suot ang headset nito. Nakataas pa ang paa nito sa ibabaw ng desk at nakahalukipkip.Hindi niya alam kung tulog ba ang lalaki o gising. Pero kahit nakapikit ito, parang may kakaibang aura na nagpapahirap kay Zeirah na huminga nang normal.Matangos ang ilong nito na bumabagay sa makapal at malalantik na pilik mata.Mapupulang labi na minsan na niyang natikman at...napahawak at napaiwas siya ng tingin ng magsink-in sa utak niya ang gabing inangkin siya nito.Bigla, para siyang kinabahan na ewan.Kaya imbes na magdahan-dahan, minabuti niyang bilisan ang galaw dahil balak niyang lumabas muna ng room. “Pre!” Napalingon siya nang may pumasok na dalawang lalaki at lumapit sa natutulog niyang katabi.Hindi niya ito kilala, at lalong hindi niya ito mga kaklase.Ang balak sana niyang paglabas kanina ay hindi na natuloy. Kaya agad na umupo na lamang siya ulit at muling kinuha ang libro para magkunwaring nagbabasa.Paano sa gilid ng kanyang mga mata napansin niyang gumalaw ang nasa tabi niya kaya, bigla siyang anatake ng kaba.Ewan ba niya, kung bakit konting galaw lang nito pakiramdam niya nayayanig ang kanyang buong paligid. “Ano na naman? Bakit ba kayo nandito?” narinig niyang sabi nito na ikinatawa ng dalawang pumasok. “You don’t seem happy bro, na dito kami mag-aaral.” “Sino naman bang matutuwa? Wala na kayong ginawa kundi sundan at buwisitin ako.” Lalong humalakhak ang dalawa sabay na inakbayan ang lalaking katabi lang ni Zeirah. “C’mon, Ken! Pagkatapos ng summer hindi ka na agad nagparamdam. Galit ka pa ba dahil pinabalik ka ng parents mo sa Pilipinas at naiwan ang buhay mo sa America?” “Shut up.” Ken? Ken pala ang pangalan niya, sabi ng utak ni Zeirah. Hindi niya maiwasang tumingin sa gawi nito. Ngunit sa mismong sandaling iyon ay biglang tumingin sa gawi niya si Ken. At diretsong naglanding sa kanya ang tingin nito.Kumunot ang noo ni Ken habang nakatingin sa kanya, tila nagtataka kung bakit siya nakatitig dito. Biglang uminit ang mukha ni Zeirah sa hiya. Agad niyang ibinaba ang tingin at halos malaglag pa ang libro sa pagmamadali niyang ipasok iyon sa bag. Hindi na siya nagdalawang-isip.Mabilis siyang tumayo at nagmamadaling lumabas ng classroom habang nararamdaman niyang parang sinusundan pa rin siya ng tingin ni Ken.Diretso siyang naglakad papunta sa canteen ng school. Maingay doon at maraming estudyante ang nagkukuwentuhan, may mga tumatawa, at may mga nagmamadaling kumakain bago matapos ang break. Pero kahit ganoon ay parang malayo ang isip ni Zeirah sa lahat ng iyon.Umorder siya ng iced tea at sandwich, pagkatapos ay umupo sa isang mesa sa may sulok ng canteen.Tahimik siyang kumain. Pero paminsan-minsan ay napapahinto siya at napapaisip.Paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang eksena kanina. Ang tingin ni Ken.Ang paraan ng pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa kanya. Para bang may gusto itong ipahiwatig. Napabuntong-hininga si Zeirah.Kubmng bakit naman kasi sa dinami-dami ng lugar, dito pa sila nagkita ulit at araw-araw niya pa ata makakaharap ang lalaking iyon. “Bakit ko ba iniisip ‘yon…” mahina niyang bulong sa sarili. Sinilip niya ang oras sa phone niya.Malapit na ang susunod niyang subject.Kaya tinapon niya ang baso sa trash bin at naglakad pabalik sa classroom.Pagbalik niya sa room ay may ilan nang estudyanteng nakaupo.Tahimik siyang pumasok.Pero halos automatic na napunta ang tingin niya sa upuan sa tabi niya.Nakahinga siya ng maluwag dahil wala na si Ken. Tahimik ang buong klase at isa-isa silang nagpakilala. Iyon ang unang pinagawa sa kanila. Bilid na talaga siya sa mga kaklase niya na halos walang kinabig sa yaman ng pamilya ng mga ito. Pagdating sa kanya, halos lumingon ang lahat nang sabihin niyang scholar siya sa school na ito at galing siya sa isang isla sa Palawan. Some laugh in secrets, some are emotionless, meron namang iba na parang naiintindihan ang status niya sa buhay. But for Zeirah, hindi naman importante kung ano ang sasabihin sa kanya ng iba. Nandito siya para mag-aral at hindi para isipin ang opinyon ng iba. Kaya tahimik na lang siya nakikinig hanggang sa nakailang subject na at hindi niya namalayang natapos na ang kanyang buong maghapon. Mabagal siyang lumakad sa mahaba at medyo madilim na hallway ng school. Alas sais na ayon sa suot niyang mumurahing relong pambisig. Kanina pa alas kwatro natapos ang kanilang klase pero dahil nakiusap sa kanya ang kanilang English teacher na si Miss Aimee na mag-ayos ng books sa office nito kaya naman ngayon lang siya nakauwi. Magaan ang loob niya sa teacher nila. May fiancé na daw ito at malapit nang ikasal kaya nga magulo ang kanyang office dahil hindi niya naasikaso at inaasikaso pa ang kailangan para sa kasal nito. Kaya siya daw ang tinawag nito dahil alam daw nitong hindi siya tatanggi at pareho pareho umano sila ng status, hindi kagaya ng karamihan sa school na halos kulang na lang magdala ng sarili nilang mga alalay. Napatawa siya at magaan na nakipagkwentuhan siya sa guro. Napahinto siya nang may narinig siyang sigaw mula sa unahan. Agad siyang kumubli sa malaking poste at inilabas ang kanyang ulo para silipin kung ano ang nangyayari. Sigurado siyang nakarinig siya ng sigawan. Hindi kaya may nag-away? Curiosity led Zeirah to take a closer look. Dahan-dahan siyang lumapit habang pilit na hindi gumagawa ng ingay. Madilim ang bahagi ng hallway na iyon at tanging ilaw mula sa dulo ang nagbibigay liwanag. Maya-maya pa ay nakita niya ang dalawang tao na tila nagtatalo. Isang matangkad na lalaki at isang magandang estudyante. Kumunot ang noo ni Zeirah nang mas makilala ang lalaki. Kahit na bahagyang madilim ay agad niya itong nakilala. Si Ken! Anong ginagawa nila sa madilim na bahagi ng lugar na ito? Halatang galit ang magandang babae na kaharap nito. Mataas ang boses nito habang nagsasalita, tila pinapagalitan ang lalaki. Hindi man niya marinig ang buong usapan ay ramdam niya ang tensyon sa pagitan ng dalawa. “Bitawan mo ako! Ken!” galit na sigaw ng babae. Nanlaki ang mga mata ni Zeirah nang biglang lumapit si Ken at hinila ang babae palapit sa kanya.Sa isang iglap ay niyakap ito ni Ken mula sa likod.Mahigpit.Parang pinipigilan itong lumayo. Nagulat ang babae at bahagyang nanlaban ngunit hindi ito agad nakawala sa pagkakayakap ng lalaki. Halos mapaatras si Zeirah sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya inaasahang iyon ang makikita niya. Sandaling natahimik ang paligid. Naririnig na lamang niya ang mahihinang paghinga ng dalawa at ang bahagyang pagaspas ng hangin sa mahaba at madilim na hallway. Hindi niya alam kung dapat ba siyang umalis… o manatili sa kanyang pinagtataguan.Napasinghap siya ng tumakbo ang babae palayo habang siya ay hindi nakagalaw sa kanyang kinatatayuan. Napalunok siya ng iglap lang nasa harapan na niya si Ken.Galit ang awra nito at kunot na kunot ang noong nakatingin sa kanya kaya ang kaba niya kanina ay lalo dumoble dahil hindi niya alam ang gagawin niya.Tatakbo ba siya o magkunwaring wala siyang nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD