Chapter 10 Third-Person POV Gulat na napaatras si Zeirah nang makita ang lukot na mukha ni Ken. Sa sobrang gulat niya, nabitawan niya ang hawak niyang pera at nahulog ito sa semento. Pinasadahan siya nito ng tingin, partikular sa kanyang buong mukha. “You’ve done it, aren’t you?” may galit sa tonong tanong nito sa kanya na pinagtaka niya. “Huh?!” “Ganito ka na ba talaga? Desperate to earn na kahit kanino mo na lang binebenta ang katawan mo? Didn’t you know na bawal ang ganyang trabaho dito sa campus?” sabi nitong kulang na lang ay sigawan siya. Naningkit ang mga mata ni Zeirah sa sinabi ni Ken. Ni sa panaginip niya, hindi niya in-expect na haharangin siya nito just to throw those hurtful words at her. Napabuntong-hininga siya nang malalim bago siya tuluyang humarap sa lalaki.Kanina

