Chapter 9 Third-Person POV Ang kaninang gulat sa mukha ni Ken ay mas lalong dumoble na halos magdikit na ang kanyang noo sa sobrang pagkakunot dahil sa sinabi ni Zeirah. “Excuse me?” mataas ang boses nito ng magtanong, mo kaya napaigtad ng bahagya si Zeirah. Tumikhim muna siya para alisin ang bara sa kanyang lalamunan, bago muling nagsalita . “Tama ang narinig mo… ibebenta ko ang katawan ko sa’yo,” hiyang-hiya at pulang-pula na sagot ni Zeirah. Gusto na lang niyang lamunin siya ng lupa sa kahihiyan. Kung pwede lang sana siyang maglaho sa harapan nito, ginawa na niya. Pero nasabi na niya ang gusto niyang sabihin at kailangan niyang panindigan ang desisyon niya alang-alang para sa kanyang ama.Napalunok at napapikit siya ng hindi niya inaasahan na bigla itong hahalakhak nang malakas.Na

