Chapter 43 Third Person POV Mugto ang mga mata ni Zeirah nang lumabas siya galing sa loob ng office ni Doc Solis. Nanghihina ang kanyang mga tuhod, at para siyang nawawalan ng lakas kaya nagtaka si Laila sa naging itsura niya.Tumayo ito habang karga si Sebi, saka siya sinalubong. “Zei? Anong nangyari?” nagtatakang tanong nito. Hindi na nakasagot si Zeirah. Kinuha niya si Sebi mula kay Laila, at doon na tuluyang bumuhos ang kanyang luha habang mahigpit na yakap ang anak sa kanyang mga bisig. “Mama?” mahinang tawag ng bata sa kanya. Lalong napaiyak si Zeirah. Para bang sa isang iglap, gumuho ang buong mundo niya.Napatanong siya sa sarili kung bakit ganoon ang buhay niya, kung bakit tila sunod-sunod ang pagsubok na ibinibigay sa kanya. Pagod na pagod na siya. Gusto na niyang sumuko, gus

