ALIPIN C35 JENNY POV “Enough!” Napatingin akong muli sa babae na Abegail habang sinigawan siya nang tinatawag niyang love. “Please, just stay..” Napahinga ako nang malalim habang tumango sa kanya. baka kasi lalo pa silang mag-away kapag aalis ako. “Sige,” “Pero Ma’am...” ngumiti ako kay Yaya. “It’s okay Yaya, nagugutom din po kasi ako.” “Thank you,” napatitig ulit ako sa kanya habang ngumiti siya sa akin. nagtaka naman ako dahil bigla nalang nawala ang ngiti niya habang tumitig sa akin. Kahit naiilang dahil nasa harapan namin siya habang kumakain kami ay pinilit ko ang sarili ko na hindi siya pansinin. “Jenny!” Napalingon ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. “Carl!” Tuwang wika ko habang tumayo. akmang yayakapin na sana ako ni Carl pero mabilis na humarang sa amin

