ALIPIN C34 JENNY POV Minulat ko ang aking mga mata at nakita si Mommy at Daddy na nasa aking tabi. “How are you Hija? May masakit bas a ‘yo? Ayos ka lang ba?” Tanong sa akin ni Mommy habang hinawakan ang aking noo. Umiling ako sa kanya dahil wala naman akong nararamdaman na sakit. Kahit ang ulo ko ay hindi na rin ito sumasakit. “What do you want Princess?” Tanong sa akin ni Daddy habang muli akong umiling at tumingin sa paligid. “Si Ate?” tanong ko dahil hindi ko siya makita. “Lumabas lang sandali Anak, babalik din agad ang Ate Jade mo,” “Bakit ka hinimatay kanina?” Tumingin ako kay Daddy habang tinulungan niya akong sumandal sa bed. “I saw someone..” napansin ko namang natigilan si Daddy dahil sa sinabi ko sa kanya. “Someone? Why? lumabas ka ba kanina?” tanong sa akin ni Mommy

