"Grandma, hindi ko po kayo maihahatid sa airport dahil may pupuntahan kami ni Amaury," pakli niya habang nakaakbay siya rito. Magkatabi silang nakaupo sa couch sa sala. Maaga siyang nagising dahil pupunta sila ni Amaury sa Casa de Ashford. Hapon pa ang alis ni Doña Estrella kaya tiyak na hindi na nila ito maaabutan pagbalik nila ng mansion dahil baka madilim na sila makauwi. "Naku, Hija, ayos lang naman sa 'kin iyon. Nariyan naman si Claude at ang butler, sila na lang ang maghahatid sa 'min ni Lilia," wika nito. Nginitian niya ito, "Opo, Grandma. Mag-iingat po kayo roon, ha? Bonding po tayo next week, kapag balik ninyo," wika niya. "Oo naman, apo. Nasaan na ba si Amaury? Ang tagal niya namang bumaba, kababae mong tao, e, pinaghihintay ka niya," sambit nito. "Hayaan ninyo na po, bak

