Naiwan si Deanna sa rooftop dahil naunang bumaba si Claude. "Hi," bungad sa kaniya ni Amaury kaya napabaling ang tingin niya rito. "Hi," pakli niya at nginitian niya ito. "Bakit hindi ka pa natutulog?" "Hindi pa ako inaantok saka, katatapos lang naming mag-usap ng kapatid mo," tugon niya rito. "Gano'n ba?" wika nito. "Oo, nagpaalam na rin ako sa kaniya na aalis ako," pakli niya. "Mag-isa ka lang ba sa inyo?" "Oo, pero may mga kapitbahay naman ako roon, e," pakli niya. "Hindi ka ba natatakot? Paano kapag nagkasakit ka? Sino ang mag-aasikaso sa iyo?" "Hindi naman ako natatakot. Kung magkasakit ako, kaya ko naman asikasuhin ang sarili ko," giit niya. "Paano kung hindi mo talaga kaya? Aasa ka sa ibang tao? Sa kapitbahay?" "Hindi ko rin alam, Amaury. Siguro, kapag nangyari i

