21

1067 Words

Nang makauwi na sila ng mansion ay naroon na rin si Amaury. Hindi niya alam kung bakit nasa harap ito ng kuwarto niya, nakasandal sa pinto. Hinihintay niya ba ako? "O, bakit nandiyan ka? Ano ang kailangan mo?" bungad niya rito. "Hindi ka ba talaga marunong magtupad ng isang pangako?" Napakunot siya ng kaniyang noo sa tanong nito. Saka pa lang pumasok sa isip niya na nangako pala siya ritong dadalhin ang bag nito. "Pasensiya na, nahimatay ako kanina kaya nakalimutan ko na rin na kunin sa iyo ang bag mo. Ibigay mo na sa 'kin ngayon, para bukas hindi ko na makalimutang dalhin," wika niya rito. Tumalikod itong bigla at tumungo sa kuwarto nito. Sumunod naman siya rito. "Akin na." Bigla niya iyong hinablot sa kamay nito habang ibinibigay sa kaniya. Pagkatapos niyang makuha ang bag nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD