"Grandma, na-miss ko po kayo!" bulalas niya. Ginawaran niya ang matanda ng isang mahigpit na yakap. "Ako rin, Hija. Nakakapagod sa byahe, sobra," pakli nito. "Pahinga ka muna, Grandma. May pupuntahan pa naman tayo bukas," wika niya. Naupo sila sa sala at doon na lang nag-usap. "Bukas na ba iyon?" "Opo. Saka may magandang balita po ako sa inyo," pabulong niyang sabi. "Ano iyon, Hija?" "E, hindi po ba wala kayo ng ilang araw rito? Ni-lock ko po ang dalawa sa rooftop kasi gusto ko silang magkabati. Then, after po no'n, nitong mga araw lang nakita ko nang nag-uusap ang dalawa. Nagngingitian na nga po sila, e!" kuwento niya rito. "Talaga ba, Hija? Salamat naman dahil sa tinagal-tagal ng panahon nagkabati rin sila. Alam mo, kung hindi ka siguro dumating dito, baka hanggang ngayon pa

