"Kyaaa! Sa wakas natapos din," wika ng isang member ng club. "Mag-snacks muna kayo," pakli ni Amaury. "Okay, Pres. Thank you!" bulalas ng mga ito. Sunod-sunod itong lumabas ng room. "Deanna, tara, snacks muna tayo!" yaya ng kaibigan niyang si Suzy. "Sige, sasama ako sa inyo," sagot niya. Lumapit sa kaniya ito para alalayan siya. "Kaya mo ba talagang maglakad?" alalang tanong nito. "Oo naman, kayang-kaya ko." Marahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo. Pinagmamasdan lamang siya ng dalawang magkapatid pati na ng mga kaibigan nito. Kailangan kong tiisin ang sakit ng paa ko. Putiks, bakit parang babagsak ako? Pero hindi, kaya ko ito! "Sigurado ka bang kaya mo talaga?" tanong ni Pamela sa kaniya. "Oo, kaya ko naman maglakad," giit niya rito. "A...aray!" hiyaw niya nang iapak niya

