Hindi na lamang siya umimik hanggang sa ibaba siya nito malapit sa school. "Salamat," maikling tugon niya rito. "Mamayang hapon hintayin mo na lang ako rito," pakli nito sa kaniya. Tumango lamang siya rito bilang tugon. Naglakad siya hanggang sa makapasok na siya ng campus. Hanggang ngayon ay nasa isipan niya pa rin ang sinabi sa kaniya ni Claude. Gano'n ba talaga kalalim ang galit niya sa kaniyang kapatid? Ano ba kasing mayro'n sa dalawa? Ano ba talaga ang naging dahilan ng kanilang pag-aaway? Dire-diretso lamang siya sa paglalakad. Hindi niya namalayang makakabangga na naman siya. This time, si Amaury ang nabangga niya. "Ay, sorry!" bulalas niya. Marahan niyang tiningnan ito at nakita niya ang gwapong mukha nito. Tinitigan niya iyon saglit. Napakaguwapo niya katulad ng kapatid

