Sobrang sakit ng katawan ni Claude, parang ayaw niyang bumangon. Unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Ano bang nangyari sa 'kin? Nasaan ba ako? Naupo muna siya sa kaniyang kama habang inikot ang mga mata sa buong kuwarto. Nagtaka siya kung bakit biglang naging malinis at maayos ang kaniyang buong kuwarto. Sa pagkakaalala niya ay magulo iyon at puno ng bote ng alak pati ang kaniyang kama. Naisipan niyang bumaba kaagad sa ground floor para tanungin ang mga katulong kung nilinisan ang kaniyang kuwarto na wala ang kaniyang pahintulot. Pagbukas niya ng pinto ng kaniyang kuwarto upang bumaba ay bumungad sa kaniya si Deanna na pababa na rin. Nginitian siya nito nang nakakaloko, "Mabuti naman nagising ka na. Sa susunod, 'wag na 'wag ka nang papasok sa kuwarto lalo na kapag lasing k

