"Mabuti naman nakauwi na kayo para sabay-sabay na tayong maghapunan," bungad ni Doña Estrella kay Deanna at sa dalawa niyang apo. "Mano po, Grandma," wika niya Deanna sabay dampot ng kamay ng matanda. "Kaawaan ka ng Diyos, Hija," pakli nito. "Kayong dalawa, ano na? Mukhang nakalimutan ninyo na magmano sa 'kin," baling nito sa dalawang apo na para walang nakitang matanda sa harapan. Napilitan na lamang na magmano ang dalawa. Ang totoo, nasanay sila na paghalik sa pisngi ang ginagawa nila imbes na magmano. Ang kaso nga lang pati paghalik sa pisngi ay hindi na rin nila ginagawa. "Sige na, magbihis na muna kayo. Hihintayin ko kayo sa dining area," anito. "Opo, Grandma," pakli niya. Nauna siyang umakyat ng hagdan dahil iniiwasan niyang makasabay niya si Amaury. Hindi ko siya puwede maka

