"Sobrang sakit ng katawan ko!" reklamo niya habang kasama niya ang kaniyang mga kaibigan. "Ano ba kasing pinaggagawa mo kagabi?" tanong ni Suzy. "Hindi ako makatulog ng maayos, e!" "Oops, isang lang ang ibig sabihin niyan. May gumugulo ba sa isipan mo?" "May nangyari bang hindi mo makalimutan?" Naalala niya na naman ang halik ni Claude sa kaniya. Kadiri talaga siya. Mapapatay ko talaga ang unggoy na iyon! "Napakawalang-hiya niyaaaaa!" Biglang sigaw niya, hindi niya namalayang nasa harap na pala nila ang kanilang Professor. "Why are you shouting, Ms. Cervantes?!" galit na tanong ng terror na professor nila. Nakatingin sa kaniya ang mga kaklase na niya na animo'y nagtataka rin ang mga ito. "Ma'am, I'm sorry," pakli niya. "Get out! Get out of this room! Gusto kong tumakbo ka s

