"Guys, hindi raw makakapasok ang Professor natin ngayong umaga," anunsyo ng isa sa mga kaklase nila. Parang mga palakang biglang naulanan kung makahiyaw ang mga kaklase niya. Embes na maging malungkot sa hindi pagpasok ng Professor nila ay nagsasaya pa ang mga ito sa tuwa. "Sayang naman. Unang araw ko sa school tapos wala ang Professor natin," wika niya sa bagong kaibigan niya. "Mabuti ngang wala iyon dito kasi napaka-terror ng lalaking iyon!" bulalas ni Kendra. "Oo, nakakatakot talaga iyon, e!" Suzy agreed. "Gano'n ba?" Bahagyang nginitian niya na lamang ang mga ito. "Deanna? Bakit sobrang ganda mo?" bulalas ni Pamela sa kaniya habang masaya nitong pinagmamasdan ang mukha niya. Napangiti naman siya sa sinabi nito. Kung malalaman lang kasi nang lahat ang buong pagkatao niya ay ti

