10

1069 Words
"Hanggang kailan ba ako magmamakaawa sa iyo para mapansin ako? Magkababata tayo, Amaury, magkakilala ang pamilya natin pero bakit ganito? Hindi ba nangako ka noong maliliit pa tayo na pakakasalan mo ako?" pangungulit ni Claire sa binata. "What the hell are you talking about, Claire?! Bata pa tayo ng mga panahong iyon kaya tigilan mo na ako!" tugon ng binata. Hinawi rin nito ang kamay ni Claire na nakapulupot sa braso niya. Tatalikod na sana siya nang biglang tinawag si Claire ng kaibigan nito kaya napahinto ulit siya. Alam niya ang tinutukoy ng kaibigan nito, si Deanna. "Claire, may VIP daw na estudyante sa accountancy building," bulalas ng kaibigan nitong si Tracy. "What?! VIP? Who the hell is that?" "Basta, ang sabi ng ibang estudyante, isang baguhan raw," kuwento pa nang kaibigan nito. "Baguhan? Paanong magkakaroon ng baguhan? Eh, malapit na nga tayong mag-second semester," takang sabi nito. "I don't know," sagot ni Tracy. "Don't you worry, aalamin natin kung sino ang VIP na 'yan. Babae ba siya?" "Oo, babae raw. Usap-usapan nila na maganda at mayaman daw." "Really?" Hindi makapaniwala si Claire sa nalaman nito. Buong akala niya ay wala nang iba pang darating na magiging VIP. Nang marinig na nang binata ang kuwentuhan ng magkaibigan ay tumalikod na siya paalis. Dumiretso na siya sa architecture building. Ano kaya ang binabalak niyang gawin sa babaeng iyon? Hindi puwedeng malaman sa buong campus na nakatira ang babaeng iyon sa Ashford Mansion! "Uy, Bro! Mukhang ang layo ng iniisip mo, ah!" bungad sa kaniya ng kaibigan niyang si Elton. Tiningnan niya lamang ang kaibigan niya. "Naku, Bro, 'wag mo nang tanungin ang lalaking 'yan. Baka pinoproblema na naman niyan kung paano mawawala sa buhay niya ang sexy at magandang babaeng si Claire," sabad ng isa niya pang kaibigang si Gio. "Sabagay. Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin siya sa buhay mo, Bro? Wala ka nang ibang hahanapin pa dahil all in one na ang babaeng iyon!" pakli ni Elton. "Oo nga naman, Bro. Kung ako sa iyo, liligawan ko na siya," giit pa ni Gio. Bumuntong-hininga siya bago nagsalita, "Tigilan ninyo nga ako. Hindi siya ang iniisip ko kaya manahimik kayong dalawa." "Kung hindi si Claire, e, sino ba? May ibang babae na bang nakasungkit ng puso mo?" Humagalpak ng tawa ang dalawa niyang kaibigan. "Asa ka, Bro. Ni hindi nga 'yan marunong magpaamo ng babae, e!" Tumawang muli ang mga ito. Sanay na sanay na siya sa mga biro ng kaibigan niya kaya hindi niya na lang pinapansin ang mga ito. "Oo nga, 'no? Pero balita ko, may baguhan daw na babae sa BS in Accountancy," wika ni Gio. "Talaga ba, Bro? Maganda ba siya? Sexy?" sunod-sunod na tanong ni Elton. "Basta talaga babae na ang pinag-uusapan ay palagi kang interesado," biro ni Gio rito. "Pero balita ko, maganda, sexy at VIP," kuwento nito. "Naku, mukhang jackpot 'yan, Bro!" "Loko ka, Bro. Mahirap makipagrelasyon sa VIP, dahil tiyak na marami ang magagalit sa iyong estudyante. Mabuti na lang kung katulad din tayo ng isa riyan," pakli nito, at ibinaling ang tingin sa kaniya. "Tumigil na nga kayo," saway niya sa dalawa. "Kunwari ka pa, Bro. Malay mo, 'yong baguhang VIP na talaga ang para sa iyo," biro pa ni Gio. Hindi na lamang siya kumibo at nagsalita sa biro ng kaibigan niya. Kung alam lang nila ang totoong buhay at pagkatao ng babaeng iyon, tiyak na aayawan nila kahit VIP pa iyon. "Speaking of sexy at maganda. Hmm, papalapit siya rito, Bro!" bulalas ni Elton nang makita si Claire na papasok ng kanilang room. "Bro, paano 'yan? Didistansiya na muna kami para naman magkaroon kayo ng privacy," pakli ni Gio. Ngumiti pa ito nang nakakaloko. Sira na naman ang araw ko nito. Bakit ba ang kulit niya? I don't like her! Kung nagkagusto man ako sa kaniya ay noon pa iyon. "Uy, nariyan ang bully kaya manahimik kayong lahat!" sigaw ng isang estudyante. Unang pagpasok pa lang sa Universidad de Ashford ni Claire ay naghasik na siya ng kasamaan ng ugali niya. Palaging ibinubuntong nila ang galit at inis sa mga nakikitang estudyante kapag hindi ito napapansin ng kaniyang kababata at first love na si Amaury. Wala ni isang estudyante ang nangahas na isumbong ang mga masasamang ginagawa ni Claire sa kapwa estudyante dahil na nga sa tinatakot nito na paalisin nito ng paaralan ang sinumang bumangga sa kaniya. "Hi, handsome!" bati nito sa kaniya. Napayuko siya at napahawak siya sa kaniyang noo nang makita niya ang pagmumukha nito. Tumayo siya at biglang hinatak ang kamay ni Claire palabas ng classroom. "Nasasaktan ako, Amaury, ano ba?!" Hindi niya ito pinakinggan. Hatak niya pa rin ang kamay nito. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito pero wala siyang pakialam kung masaktan man ito. Maraming estudyante ang nakatingin sa kanila. "Buti nga sa kaniya!" "Oo nga. Lagi niya kasing nilalandi si Prince Amaury natin kahit ayaw naman sa kaniya," pakli ng isang estudyante kasabay nang paghagalpak ng tawa nito. Nang makarating na sila sa music room ay binitawan niya na ang braso ni Claire. "Bakit mo ako hinatak nang gano'n, ha? Nakakahiya sa mga nakakita!" Ngumisi siya, "Kailan ka pa nahiya, Claire? Kung talagang may kahihiyan ka pa, tigilan mo na ako. Ilang beses ko bang sasabihing hindi kita gusto!" Turan niya rito. "Why? Why don't you even love me back? Amaury, I love you! Mahal na mahal kita, sobra. Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng kahit konting puwang diyan sa puso mo?" umiiyak na pakli nito. "Claire, you're just going to get hurt. You know that no matter what I do, I can never love you. Kaibigan lang ang turing ko sa iyo kaya pakiusap, tumigil ka na," mahinahong pakiusap niya rito. "No, No! Hindi ko kayang gawin ang gusto mo. Mahal kita, Amaury. Ayos lang naman sa 'kin na hindi mo ako mahalin pabalik basta bigyan mo ako ng pagkakataon na iparamdam sa iyo ang nilalaman ng puso ko. Puwede mo akong gawing girlfriend m—" "Claire, please! I can't agree with what you want because I don't want to hurt you. I already said it before, and I want to say it again that I don't like you and I can never love you!" Biglang lumapit sa kaniya ang dalaga at pinipilit na yakapin siya. Nang hindi niya na ito maawat ay nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong hinalikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD