Nakasalubong nilang apat sa hallway si Claire at ang bagong kaibigan nito. "Aalis ka na pala, Deanna," bungad nito sa kanila. "Oo," tugon niya. "Babalik ka pa ba?" tanong nito. "Ano bang pakialam mo kung babalik si Deanna o hindi?!" bulalas ni Suzy. "Manahimik ka, Suzy! Hindi ikaw ang kinakausap ko," sita nito. "Hindi na ako babalik dito. Iyon naman ang ikakasaya mo, hindi ba?" wika niya. "Good to hear. Pero mas gusto kong nandito ka para may thrill ang buhay ko," pakli nito. "No'ng una pa nga lang gusto mo na akong paalisin tapos ngayong aalis ako, ganiyan ang sasabihin mo. Lagi namang may thrill ang buhay mo kahit no'ng wala ako. Tabi nga!" bulalas niya rito. Ngumisi ito, "Okay. Goodbye, Deanna!" Hindi niya na ito pinansin pa. Dire-diretso na lamang silang naglakad palayo

