Hibdi mapalagay si Amaury. Nakokonsensiya siya sa nangyari kay Deanna. Kung pinaangkas niya ito kanina, hindi sana ito nagbasa pa ng ulan at nagkasakit. Hindi niya natiis kaya marahan niyang binuksan ang pinto ng kuwarto ng dalaga. Hindi na lamang siya tumuloy sa loob ng makita niya na naroon si Claude. Kitang-kita niya kung paano nito hinalikan sa noo ang tulog na si Deanna. Tumalikod na lamang siya pabalik ng kuwarto niya. Hindi niya maintindihan kung parang apektado siya sa nakita niya. May relasyon ba silang dalawa? Pero imposible. Pero ano nga ba naman ang pakialam ko sa kanila? "KUMUSTA na ang pakiramdam mo?" "Medyo okay na rin, Claude. Kanina ka pa ba rito?" "Hmm. Mabuti naman nagising ka na. Hinanap kita sa school kanina pero naglakad ka pala. Sa susunod, huwag mo na ulit g

