2

1095 Words
"Hello, Ma'am. Are you still on the line? Narito na po si Doña Estrella," muling sambit ni Lilia. "Opo, Ma'am. Sige po, salamat," sagot niya rito. "Hello, Deanna, apo," bati nito. "Hello po. Ngek, kilala n'yo po ako?" gulat na tanong ni Deanna dahil akala niya ay hindi siya kilala ni Doña Estrella. Balak niya sanang magpakikila muna na apo siya ni Lola Delilah, ngunit mukhang kilalang-kilala na siya nito. "Oo naman, Hija. Kumusta nga pala si Delilah? Buhay pa ba siya?" diretsahang tanong nito kaya napangiwi si Deanna. Naplunok ang dalaga sa tanong ng matanda dahil mukhang alam na talaga nito na mamamatay na ang kaniyang Lola. "Patay na po ang Lola ko," malungkot niyang sagot. "Mabuti naman kung gano'n," sambit nito. Nanlaki ang mga mata niya at kunot-noo niya itong tinanong, "Huh? Bakit naman po? Ang sama niyo naman po Doña Estrella. Hindi man lang kayo umiyak o napapitlag dahil sa narinig n'yo." "Hindi niya ba sinabi sa 'yo na ilang beses niya akong tinawagan na na-mi-miss niya na raw ang kaniyang abunjing-abunjing?" tanong nito. "Hindi po, pero ang alam ko po talagang excited na po talaga siyang ma-deads. Nakakatampo nga po siya, eh," kuwento niya rito. "O, kita mo na. Kahit ako ay nagtatampo rin sa kaniya, Hija," singhap nito. "Hayaan niyo po, Doña Estrella, kasi fifty-fifty 'yon sa langit kasi nagtatampo tayo." Umirap na sambit niya rito. "Sana nga. Siya nga pala Hija, mag-prepare ka na dahil bukas ay ipasusundo kita. Alam mo ba ang airport diyan? Sa Legazpi?" tanong nito sa kaniya. "Opo, alam ko po. Sasakay lang naman po ng jeep, pero bakit parang ang bilis naman po?" tanong niya. "Dahil kailangan mong makahabol sa first semester sa kolehiyo. Kaya kailangan mong makapunta na rito kaagad," sagot nito sa kaniya. "Ay, gano'n po ba? Sige po, Doña Estrella," sagot niya na parang may pananabik. Gusto niya talaga kasing makapg-aral at makapagtapos ng kolehiyo. "Sige, Hija. Bukas, bago mag-alas dos ng hapon dapat naroon ka na. Tatawagan ka na lang ng aking secretary na si Lilia at siya na lang ang bahala sa 'yo," pahayag nito sa dalaga. "Sige po. Salamat po," nakangiting sagot niya rito. "Sige, Hija." Binaba na ang telepono sa kabilang linya. "Yes! Makakasakay na ako ng eroplano at makakapag-aral na din ako ng kolehiyo," aniya. Kinuha niya ang album sa loob ng isang bag, "Hi, my sweetheart! Hahanapin kita at ikaw ang magiging asawa ko. Stay put ka lang diyan, ha?" sambit niya habang pinagmamasdan ang isang litrato nang maliit pa siya. Sa litratong iyon ay may isang batang lalaking nahagip ng camera sa may tagiliran niya. Matagal na iyong pinagmamasdan niya at nangako siya sa sarili niyang hahanapin niya iyon at wala siyang ibang mamahaling lalaki kundi ang nasa litratong iyon. Niligpit niya na ang kaniyang mga gamit na dadalhin niya bukas. Kahit labag sa kalooban niya ay kailangan niyang iwan ang Bicol dahil kailangan niyang makapag-aral at makapagtapos ng kolehiyo. Pinuntahan niyang muli ang puntod ng kaniyang Lolo't Lola. "Lolo, Lola? Bukas na nga pala ang alis ko ng Bicol. Makakapag-aral na rin po ako ng kolehiyo. Babalik po ako rito, pero hindi ko lang po alam kung kailan. Kung hindi lang po sana kayong dalawa nawala ng maaga, hindi sana ako aalis rito. Pero ano pa nga po ba ang magagawa ko? Wala na akong ibang pamilya, wala na kayo," sabi niya at napabuntong-hininga siya. "Sa tingin ko, may hindi talaga ako alam, eh. Mukhang planado n'yo na talaga na ipamimigay n'yo ako kay Doña Estrella kapag pareho na kayong natigok lalo na ikaw Lola! Kaya pala, sinanay mo akong kausapin gamit ang salitang Tagalog tapos pinagbabawalan mo akong magsalita ng Bicol, kasi ipadadala n'yo ako sa Maynila. Nakakatampo talaga, tsk. Hahanapin ko rin ang aking abunjing-abunjing! Hmm. Goodbye po sa inyo. Mahal ko kayong dalawa," paalam niya sa puntod ng mga ito. NAGISING ng maaga ang dalaga. Nagpaalam na rin siya sa mga kapit-bahay at ibinilin niya na rin ang kubo at lupang kaniyang maiiwan. "Kailangan ko po talagang umalis kasi mag-aaral ako ng kolehiyo. Hindi ko rin po alam kung makakabalik pa ako rito kasi baka doon na po ako tumira habangbuhay," sabi niya kay Aling Fe. "Ma-mi-miss ka namin, Neng," maluha-luhang sambit ni Aling Gracia. "Ako rin po, ma-mi-miss ko rin kayo. Ingat na lang po kayo palagi," napaluhang sambit niya. Malungkot para sa mga taga-roon ang pag-alis ng dalaga. Mahal na mahal siya ng mga taga-roon, dahil bukod sa mabait siya ay matulungin din siya. Hindi rin siya maarte dahil simula ng mawala ang Lolo niya ay siya na ang tumutulong sa kaniyang Lola sa pagtatanim na nagsisilbing hanapbuhay nila. Mayroon din silang mga alagang hayop, pero lahat ng iyon ay naibenta niya na, simula ng magkasakit ang kaniyang Lola. Gagamitin niya sana iyon sa pagpapagamot rito, ngunit ayaw na nitong magpadala sa hospital. Nagamit niya ang ibang pera sa pagpapaburol ng kaniyang Lola at ang iba naman ay tinago niya. Pagkatapos mananghalian ay umalis na ang dalaga, upang sumakay ng jeep papuntang Legazpi Airport. Pagkarating niya roon ay may tumawag sa kaniya, ang sekretarya ni Doña Estrella. "Hi, Deanna. Where are you?" "Nandito po ako, nakatayo sa labas ng passenger terminal building po. Naka-blue po ako," tugon niya. "Okay, I'll be right there. Just don't hang up the phone, please," sambit nito. "Okay, Ma'am," sagot niya rito. Buti na lang marunong akong umintindi ng English! Aniya sa kaniyang sarili. "Hi. Are you Deanna?" Napapitlag siya ng may sumulpot na babae sa harapan niya. Ilang sandali rin siyang natulala dahil sa ganda ng babae. "O...opo, ako nga po," nauutal na sagot niya. "Okay, please follow me," sambit nito at sabay talikod na. Siya si Lilia Dizon, ang thirty-three years old na secretary ni Doña Estrella. Maganda, matangkad at napakaresponsable sa trabaho kaya naman pinagkakatiwalaan talaga ito ng matanda. "Ma'am, 'di po ba kailangan ng passport bago makasakay sa eroplano?" Patuloy pa rin siya sa pagsunod dito habang naglalakad. Nahihirapan din siyang habulin ito dahil malalaki ang bawat hakbang nito. "Don't worry about it, kasi ako na ang bahala," she smiled and winked at her. "Okay, Ma'am," ngumiti siya. Matagal-tagal din silang naupo sa waiting area at pagkatapos ay nabigla siya dahil niyaya na siya nitong pumasok ng eroplano. Sobrang excitement ang naramdaman niya, dahil ito ang unang pagkakataong makakasakay siya ng eroplano. Nang paalis na ang eroplano ay nakaramdam siya ng lungkot dahil ang lugar na kaniyang kinagisnan ay kaniya nang iiwanan. 'Yong mga alaala na kasama niya ang kaniyang Lolo't Lola ay mananatili iyon habangbuhay sa kaniyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD