3

1219 Words
Pagkalipas ng ilang oras ay nakarating na sila sa NAIA Airport. Mayroon na ring isang van na naghihintay sa kanila papuntang Ashford Mansion. May isang lalaking sinalubong sila, "Señorita, ako na po magdadala niyan kasi ilalagay ko po ro'n sa backseat," aniya at kinuha ang dala-dalang malaking bag ni Deanna. Señorita? Naku, hindi naman ako yamaners para tawagin nila nang gano'n. Nakakahiya! "Sige po," matipid niyang sagot rito. Manghang-mangha siya sa mga matataas na building na nadadaanan nila. Iyon ang unang pagkakataon na makapunta siya ng Maynila at makakita ng malalaking buildings sa personal. Gate pa lang ng Ashford Mansion ay talagang bongga na sa laki nito, kaya naman talagang nanlalaki ang mata ng dalagang si Deanna. Whoaaa! Gate pa lang, bongga na! Napakayaman talaga nila. Nang huminto na ang van ay may nagbukas ng pinto ng kotse para sa pagbaba ng dalaga. "Ikaw po, Ma'am Lilia, hindi ka pa po bababa?" tanong nito kay Lilia na nasa driver's seat. "Just call me Lilia, okay? I have an appointment meeting this evening, kaya hindi na ako bababa," ngumiti ito sa dalaga. "Ah, okay po. Ingat po kayo." Bumaba na ang dalaga ng kotse. Napanganga siya sa laki ng mansion at ang lahat ng katulong ay nasa labas ng mansion upang batiin siya sa kaniyang pagdating. "Maligayang pagdating, Señorita Deanna!" nakangiting bati ng mga ito sa kaniya. "Señorita? Ah—eh, salamat po," tugon niya sa mga iyon. Sumalubong din sa kaniya ang nag-iisang Doña Estrella. "Deanna, Hija, you're so pretty!" bati nito sa kaniya. Niyakap siya nito at nagbeso-beso. "Hello po. Ang ganda n'yo po pala," sambit niya rito. Si Doña Estrella ay hindi halatang seventy-two na ang kaniyang edad, dahil sa ganda at ka-sexy-han nito. Lagi rin itong nakasuot ng matataas ang heels. "Thank you, Hija. Pareho lang naman tayong maganda, eh," dagdag pa nito at ngumiti. "Hehe, opo." Nambola pa si Doña Estrella. Siya lang naman ang maganda, e! "Siya nga pala, Hija. Sila ang mga katulong rito, kapag may kailangan ka ay tawagin mo lang ang isa sa kanila," sabi nito habang itinuro ang mga katulong na nakatayo sa harap nila. "Siguro naman, si Lilia Dizon ay kilala mo na, 'yong kasama mo kanina? She's my secretary, and I think she's not here right now," sambit nito, at lumingon-lingon sa paligid. "At ito naman ang Butler ng mansion na si Thomas," pagpapakilala nito sa dalaga. "Opo, Doña Estrella," sabi niya at tumango-tango siya. Nginitian niya ang Butler ng yumuko ito at ngumiti sa kaniya. "You can call me, Grandma Estrella, dahil simula ngayon ay dito ka na titira sa mansion, kung ano ang narito ay sa iyo rin," sambit nito. Sana all sosyal! May pa-grandma pa siya, e, puwede namang lola na lang. "Ah, okay po? Pero akala ko po, e, magtatrabaho rin po ako rito sa mansion?" nagtatakang tanong niya. "Hindi Hija, dahil simula ngayon ay parte ka na rin ng Ashford Family," pahayag nito. Tumango lamang ang dalaga. Pero hindi pa rin matahimik ang utak niya dahil ang buong akala niya ay may kapalit ang pagpapatira dito sa kaniya at pagpapaaral nito sa kaniya. "Pwede na kayong bumalik sa mga ginagawa ninyo, ako na lang ang bahalang maglibot kay Señorita Deanna n'yo rito sa mansion. Thomas, dalhin mo na ang mga gamit ni Deanna sa magiging kwarto niya," utos nito. "Halika, Hija. Sumunod ka sa 'kin," sambit nito, at naglakad na papasok ng mansion. Tumango lang ang dalaga at ngumiti. Manghang-mangha si Deanna sa laki ng mansion at ganda nito. "Ito ang buong sala." Huminto ito sa paglalakad, at inikot ang paningin. "Buong sala ho? Sobrang lawak at laki naman po nito," sambit niya habang naiwang nakaawang ang bunganga dahil sa pagkamangha. Tumungo naman sila sa kusina, "Ito naman ang kusina ng mansion, kapag nagugutom ka ay pwede kang mag-request ng gusto mong kainin dito kay Chef Elena." Nginitian nito ang Chef. "Good Afternoon, Doña Estrella and Señorita Deanna," bati ni Chef Elena. "Good Afternoon," tugon ni Doña Estrella. "Magandang hapon po," tugon naman ni Deanna at ngumiti ito. Nang makalabas na sila ng kusina ay nadaanan naman nila ang dining area na napakalawak din. "Kapag nagugutom ka Hija, pumunta ka na lang rito. O kaya kung ayaw mong bumaba rito para kumain ay pwede kang tumawag sa telepono, sa 102 para madalhan ka ng pagkain sa taas, sa kwarto mo." Nginitian siya ni Doña Estrella. "Ay, grabe naman po kung magpapahatid pa po ako ng pagkain sa kwarto ko. Nakakahiya naman po," tanggi niya. "Ano ka ba, Hija? You're part of Ashford Family kaya whatever you want, 'wag na 'wag kang mahihiyang hingin or sabihin sa 'kin," hinaplos nito ang buhok ng dalaga. "Okay po, Grandma. Hehehe, hindi po kasi ako sanay at syempre mahirap lang po ako tapos probinsyana pa. Do'n po kasi sa 'min, halos araw-araw busy po ako. Nagtatanim po ako at nag-aalaga ng mga hayop. Dito po, mukhang maninibago talaga ako," singhap niya. "Don't you worry, Hija. Balang araw ay masasanay ka rin, hmm?" Ngumiti ito at iniabot ang susi para sa kwarto ng dalaga, "Here's the key of your room, nasa second floor ang kwarto mo. May tatlong kwarto doon, 'yung nasa gitna, sa 'yo 'yon. Hindi na muna kasi ako makakaakyat dahil baka tumawag si Lilia. There's an appointment meeting this evening so, I really need to go now." "Sige po, Grandma. Ingat po kayo," she said then, smiled. "Sandali, Hija!" tawag nito sa dalaga. "Bakit po?" "May surpresa ako sa 'yo, it's inside of your room, kaya umakyat ka na tapos bumaba ka na lang, kapag kakain ka." "Hehehe, nag-abala pa po kayo. Salamat po." "It's okay. Sige, aalis na ako," paalam nito at tuluyan nang naglakad paalis si Doña Estrella. Tumungo na rin ang dalaga sa second floor. Sobrang lawak ng second floor. May sala rin doon at may tatlong kwartong magkakatabi. Pagpasok niya ng kwarto ay namangha siya dahil sa laki nito. May malaking kama at mayroon pang mini library at may study table roon na may desktop at laptop na nakapatong at android phone, may comfort room and bathroom na rin. At nasurpresa siya ng binuksan niya ang isang cabinet, puno iyon ng mga damit pangbabae, mayroon ding cabinet na ang laman ay mga sapatos at bags. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakakita ng ganoong mga bagay. Sa probinsya kasi ang limang pares ng damit ay okay na sa kaniya, ang tag-isang pares din ng sapatos, isang pares ng tsinelas ay okay na, ang isang bag ay okay na rin sa kaniya. Napaiyak siya sa mga nakita niya dahil hindi niya akalaing mararanasan niya ang ganoong karangyaan na dati ay hanggang pangarap at imahinasyon lamang. Ngunit, para sa kaniya'y mas masaya pa rin ang buhay na kasama niya pa ang kaniyang Lolo't Lola, hindi bale nang mahirap lamang. Pero wala siyang magagawa dahil kailangan niya ng masanay sa panibagong buhay niya at kailangan niyang tanggapin na wala na ang kaniyang Lolo't Lola. Nang maayos na ng dalaga ang mga gamit niyang dala ay nag-shower na siya at sinubukan niyang gamitin ang bathtub na naroon. Kumakanta-kanta pa siya paglabas niya ng bathroom habang nakatapis lamang siya. "Isayaw mo ako sa gitna ng ulan maha— aaaahhhhhhhh!" kumakanta-kanta sana siya, ngunit bigla siyang nagulat dahil sa nakita niyang lalaking nakahiga sa kaniyang kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD