4

1560 Words
Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang may lalaking nakahiga sa kaniyang kama. Napahawak siya sa tuwalyang nakapulupot sa kaniyang katawan. Sino kaya ang lalaking ito? Wala namang sinabi si Grandma kanina na may lalaking natutulog rito, saka sabi niya sa gitnang kuwarto ako tumungo. Hays! Mukhang tulog na ang lalaking ito. Hindi kaya lasing siya, kaya namali siyang pasok ng kuwarto? Tiningnan niya ito mula paa hanggang ulo. In fairness, ang pogi niya, grabe! Pero kahit pogi siya, paaalisin ko siya rito sa kuwarto ko! Paano na lang kung rapist pala ang lalaking ito? Kainis! Mabuti pang sa bathroom na lang muna ako magbihis. Dala ang kaniyang damit, tumungo siya sa bathroom para doon magbihis. Pagkatapos niyang magbihis ay dali-dali niyang nilapitan ang lalaking mahimbing ang tulog na nakahiga sa kaniyang kama. "Hoy, lalaki! Gumising ka nga!" Niyugyog niya ito ng kaniyang kanang kamay. "Hmm." Tanging sagot nito. Kapag ako nawalan ng pasensiya talagang ihuhulog ko ito mula sa kama para magising siya! "Babangon ka o hindi?! Isa!" pakli niya rito. Binilangan niya rin ito. "Dalawa! Ano? Hindi ka pa talaga babangon riyan?" Ngumiti siya na parang may masamang balak, "Ano na?! Hmp! Ang baho mo, amoy alak!" Napatupok ang kaniyang tingin sa school ID na suot nito. "Claude Ashford." Basa niya sa pangalan nito. Napatakip siya ng kaniyang bibig. Oh, my! Hindi kaya apo ito ni Grandma? Ashford ang apelyido, e! Alangan namang anak niya, e, mukhang kaedad ko lang naman ang lalaking ito. But... I still don't care! Kahit na apo man siya o kaano-ano pa ni Grandma, kailangan niyang umalis sa kuwartong ito! "Hoooooy! Ano ba?!" muling gising niya rito. This time, mas malakas ang pagyugyog niya rito. "I'm sleeping... kaya don't disturb me," pakli nito habang kumakamot ng ulo at nakapikit ang mga mata. "Pa-english-english ka pa riyan! Ah, talagang sinusubukan mo ako. Ayaw mo talagang bumangon? Okay." Umakyat siya sa ibabaw ng kama, malapit sa may tabi ng lalaki. Bigla niyang kinurot ang ilong nito hanggang hindi ito nakahinga kaya napunghalit siya ng tawa, "Gising na kasi!" "Ano ba?!" Biglang hinawakan nito ang kamay niya. Mahigpit ang pagkakahawak nito kaya pinaghahampas niya ito ng isa niya pang kamay, ngunit bigla ring hinawakan pa nito iyon. "Who are you?! Anong ginagawa mo sa kuwarto ko?" bulalas nito sa kaniya. Hindi man lang ito nabigla nang makita siya nito. "Ako lang naman ang nag-iisang Deanna! Kuwarto ko ito, sabi ni Grandma Estrella! Bakla ka ba? Iikot mo nga ang paningin mo!" Nanggigil na siyang sobra rito pero hindi siya makagalaw dahil hawak pa nito ang dalawa niyang kamay. Inikot naman nito ang paningin, "Oh, God! I'm in a wrong room!" "Sabi ko na sa 'yo, e! Maglasing ka pa kasi baka mamaya, sa cr ka na mapunta! Bitawan mo nga ako!" pakli niya. Nagpupumiglas na siya pero hindi pa rin talaga nito binibitawan ang kamay niya. Nanlaki ang mga mata niya, nang bigla nitong hinila ang dalawang kamay niya kaya napaharap siya sa mukha nito habang nakatihayang nakahiga ito sa kama. "Bakit ba ang tapang mo, ha? Ikaw ba ang sinasabi ni Grandma na titira rito?" Nakangising tanong nito sa kaniya. "Oo, ako nga! Duduraan talaga kita kapag hindi mo pa ako binitiwan, sige!" pananakot niya rito pero nginitian lang siya nito ng nakakaloko. "Sige, duraan mo ako, hahalikan din kita." Ngumising muli ito. "Ang bastos mo! Ang baho pa ng hininga mo, amoy alak!" sigaw niya. Nanggigil na talaga siyang sobra kaya bigla niya itong dinuraan sa mukha, kaya nabitawan nito ang kamay niya. Napabunghalit naman siya ng tawa sa reaksyon ng mukha nito. Napabangon itong bigla mula sa pagkakahiga. "It's disgusting! Kadiri!" hiyaw nito. Sinamaan siya nito ng tingin. "Arte mo! 'Di hamak na mas kadiri pa nga 'yang bunganga mo, amoy alak! Tapos kumusta naman ang sinusuka mo kapag lasing ka? Mas kadiri 'yon, gago!" bulalas niya rito. "Whatever!" Tumungo ito sa bathroom ng kuwarto niya para maghilamos. "Ops! Bakit diyan ka pa maghihilamos? Lumabas ka nga! Hoy!" muling sigaw niya rito. Hays! Mukhang mas tahimik pa ang buhay ko sa probinsiya kaysa rito. Kung alam ko lang na may ganitong apo si Grandma Estrella, sana hindi ako pumunta rito. Guwapo nga sana ang Claude na 'to, pero ang bastos, e! Nang biglang lumabas ito mula sa cr ay bigla niya itong sinamaan ng tingin, "Lumabas ka na nga! Nang makapagpahinga naman ako." Ngumisi lang ito at muling nahiga sa kama niya, "Ayoko." "Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Isusumbong kita kay Grandma, sige ka!" Tiningnan siya nito sa mukha at tinawanan lang siya nito. "Sige na, magsumbong ka pero wala naman siya rito ngayon, e!" Napahinga siya ng malalim, "Alam mo, nawawalan na ako ng pasensiya sa 'yo, ah!" Dire-diretso siyang tumungo sa kinaroroonan nito para ihulog mula sa kama. Nang akmang itutulak niya na ito ay biglang hinigit nito ang braso niya kaya napasubsob siya sa dibdib nito. Kung kanina ay alak ang naaamoy niya, ngayon ay ang mabangong pabango nito. Niyakap pa siya nito ng mahigpit kaya hindi talaga siya makaalis-alis mula sa pagkakasubsob. "Ano ba?! Kakagatin kita!" pananakot niyang muli rito. "Go on," maikling tugon nito. Nakakabwesit talaga! Pero grabe, sobrang tigas ng dibdib niya. Dahan-dahan niyang ginalaw ang kaniyang braso. Marahan niyang dinako ang tagiliran nito at kiniliti niya ito magkabilaan. "Hey, stop it! Nakikiliti ako, ano ba?!" sigaw nito habang humahagalpak sa tawa, ngunit patuloy niya pa rin itong kiniliti. "Alisin mo muna ang braso mong nakayakap sa 'kin," wika niya. "I don't want to," tugon nito na parang mamamatay na sa katatawa. "Ah, ayaw mo talaga?" Mas kiniliti niya pa ito hanggang sa natanggal na nito ang mga brasong nakayakap sa kaniya. "Tatanggalin mo lang pala, e, pinahirapan mo pa ako. Lumabas ka na, dahil magpapahinga na ako." Bumangon na ito. Akala niya ay aalis na ito pero biglang ginawa sa kaniya ang mga mata. "O, bakit? Ano ang tinitingin-tingin mo riyan?" Inirapan niya pa ito. "Naramdaman mo rin ba iyon?" tanong nito sa kaniya. Napakunot naman siya ng kaniyang noo dahil sa tanong nito. "Ang alin?" takang tanong niya. "Hindi mo ba talaga ramdam?" muling tanong nito. "Ang alin nga?!" "'Yan!" Nakatingin at nakaturo ito sa kaniyang dibdib kaya napayuko naman siya. "Hindi mo ba talaga ramdam na walang laman 'yan?" bulalas nito at napabunghalit ng tawa. Napalunok siya at nagsalubong ang dalawang kilay, "Hoy, bumalik ka rito!" sigaw niya, nang tumakbo na ito palabas ng kuwarto niya at sinarhan pa nito ang pinto. Hay naku, mahuli lang talaga kita, patay ka sa 'kin Claude Ashford! Aniya. Naglakad siya palabas ng kuwarto niya para bigyan ng leksyon ang kapilyuhan ng lalaking iyon. Saan kaya rito ang kuwarto ng lalaking iyon? Ito bang nasa left or right? Hmm, baka sa left, tutal parang demonyo naman siya, e! Nakakainis at ang bastos! Dahan-dahan siyang lumapit sa kuwartong nasa left side. Kumatok siya sa pinto pero walang nagbubukas. Huli ka, Claude Ashford! Patay ka talaga sa 'kin! Bigla niyang binuksan ang pinto. Malawak ang buong kuwarto at magandang tingnan dahil malinis at organized lahat ng gamit. Saan kaya pumunta ang gagong iyon? Napangiti siya nang marinig niyang biglang nagbukas ang bathroom na nasa likuran niya, "Huli ka!" Bigla siyang humarap rito, pero laking gulat niya nang makita niyang nakahubad ang lalaking nasa harapan niya at hindi iyon si Claude. Napasigaw naman ang lalaki at biglang tinakpan ng kamay nito ang kaniyang nakatambad na p*********i, "Sino ka ba? And what are you doing here?!" Napatakip siya ng kaniyang mga mata. "Sorry, mali ang kuwartong pinasok ko!" bulalas niya. Pahamak talaga ang lalaking iyon, bwesit! Pero grabe, ang laki at ang haba ng ahas, sobra! Mamula-mula! Diyos ko, nagkakasala ako nang hindi sa oras! Sana mapatawad ninyo ang aking makasalang kaluluwa't katauhan. Amen. "Tumalikod ka nga, pwede?! Busog na busog na 'yang mga mata mo, e!" bulalas nito sa kaniya kaya bigla siyang napatalikod. "Arte mo! Wala akong nakitang mamula-mulang ahas. Ang bata-bata ko pa para sa mga bagay na ganiyan! Saan ba ang kuwarto ng Claude na iyon?" tanong niya. Bumuntong-hininga ito, "Just get out of my room, okay?" "Ang sungit mo naman! Wala kayong pinagkaiba ng lalaking iyon! Ang sarap ninyong pag-untugin. Diyan ka na nga!" pakli niya. Nang akmang hahakbang na siya ay huminto siya saglit at nilingong muli ang lalaki, "Siya nga pala, next time, i-lock mo ang pinto ng kuwarto mo kung naliligo ka." "Dahil baka pumasok ka ulit sa kuwarto nang hindi ko alam? Am I right?" Ang sarap hambalusin ng lalaking ito, naku, kapag hindi talaga ako makapagpigil, patutulugin ko ito nang hindi dumadaan sa antok. Ngumisi siya, "Hindi na, 'no?! Saka, huwag kang assume-mero dahil nagkamali lang ako ng kuwartong pinasukan. Hindi ko sadyang makita ang hindi dapat na makita." Inirapan niya pa ito at diretso na siyang tumalikod palabas ng kuwarto ng lalaking iyon. Bigla niya ring isinara ng malakas ang pinto. Ano ba ang nangyari? Nasaan ba kasi ang lalaking iyon? Hindi kaya narito siya sa kabilang room? Ays, pero hindi! Saka ko na lang siya babalian kapag nagkita kaming muli dahil baka hindi naman niya room iyon, baka makakita na naman ako nang mamula-mulang ahas. Diyos ko, patawarin ninyo ako. Pumasok na lamang siya ng kaniyang kuwarto upang magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD