19

1161 Words

Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniya ang puting kisame. Nasaan ba ako? Bakit ako nandito? Lumapit sa kinaroroonan niya si Claude, nakangiti ito sa kaniya. "Okay na ba ang pakiramdam mo?" mahinahong tanong nito. "Oo, maayos naman ang pakiramdam ko. Bakit ako nandito? Ano ba ang nangyari sa 'kin?" sunod-sunod niyang tanong. Ang huling naalala niya ay napapaligiran siya ng mga estudyanteng humihingi ng kaniyang autograph at nagti-take ng pictures kasama siya. "Nahimatay ka kanina habang napapaligiran ka ng mga maiingay na estudyante. Sa susunod, huwag mo ng uulitin iyon dahil baka kung ano pa ang mangyari sa iyo," kuwento nito sa kaniya. "Gano'n ba? Ayaw kasi nilang umalis sa labas ng room kaya lumabas na lang ako. Hindi ko alam na mangyayari 'to sa 'ki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD