"Ang sama talaga ng ugali mo!" hiyaw niya kay Amaury. Sinusumpa ko talagang nakilala ko ang unggoy na 'yon! Siguro talaga, nang umulan ng kasamaan nasalo niya na lahat. Sarap niya tirisin na parang kuto! "Hoy, ano ba?! Huminto ka nga sa paglalakad!" muling sigaw niya pero parang wala itong pakialam sa kaniya. Ah, talaga ayaw mong huminto. Hinubad niya ang kaniyang sapatos, at binato niya iyon sa binata. Bullseye! Tumama kasi iyon sa ulo ng binata kaya napahinto ito. Kung hindi pa batuhin ng sapatos, hindi pa hihinto! Nilingon niya siya nito. Lumapit naman siya rito para kunin ang kaniyang sapatos. "O, ano? Hihinto ka lang naman pala tapos pinahirapan mo pa ako." Biglang nilapit ang mukha nito sa mukha niya habang nakahalukipkip ito ng mga braso, "Ano ba ang kailangan mo, ha?" "Ayok

