Chapter 9

2575 Words
Chapter 9: Coffee "B-Buntis po a-ako?" Pareho kaming nagkatitigan habang salubong ang mga kilay. Hanggang sa mapatakip ako ng bibig sa gulat. s**t! Narinig niya yung usapan namin! "Uh, I'm sorry. Narinig ko kayo kanina. Kung handa kang panindigan ng lalaking..." Umiwas siya ng tingin sa 'kin at napakamot sa batok. "Nevermind. Alam mo na hindi na sa 'yo pwede ang mabigat na trabaho kaya dapat ay---" "S-Sir, hindi ako b-buntis." Pumiyok pa ako sa dulo. Sobra akong nahihiya dahil narinig niya 'yon. Hindi niya dapat nalaman ang naging pagtataksil ko sa kanya at hindi ko malaman kung paano lulusutan ang sitwasyon na ito. "I see. Mabuti nang hindi nagbunga... d-dahil ang bata mo pa." Umupo na siya sa kanyang swivel chair at inangat ang iPad na nakapatong sa lamesa. "N-Nagkakamali ka po. Vir..." Nagtakip ulit ako ng bibig. s**t. "Ibig kong sabihin, w-wala pong nangyaring ganoon. Kilala mo naman po si Ariane. Mayakap lang ng lalaki ay k-kailangan na kaagad panindigan ang babae." Itinaas ko sa level ng ilong ko ang apron. Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi at tainga ko pero kailangan kong linisin ang dangal ko kay Sir. Hindi ko hahayaan na mag-isip siya ng kung anu-ano. Lumingon siya sa akin at napangisi sabay tikhim. "So you let a guy hug you and that was it?" Napapahagikgik pa siya habang nagsasalita. Kinagat ko ang ibabang labi sa likod ng apron. Gumawa ako ng kagagahan tapos ngayon ay magsisisi dahil hindi ko na matitikman kay Sir ang tamis ng unang halik. Tumango na lang ako ng dahan-dahan. "Are you saying the truth? Ayaw ko lang na may mangyaring masama sa iyo at sa baby mo kung sakali." Inusisa niya ang mga mata ko. Sinikap ko namang tumango habang nakatingin ng diretso sa kanya para mapaniwala siya. Ang awkward lang pag-usapan ng ganitong bagay pero may punto siya. Kailangan niyang malaman ang kalagayan ng mga empleyado dahil siya ang may-ari. "Wala naman po akong boyfriend. May asungot lang talaga na... basta!" Ikinumpas ko ang kamay ko sa hangin at tumalikod na sa kanya. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. Napapikit ako sa inis. Nakakainis lang dahil parang hindi siya nasasaktan o nagseselos kay Reign at talaga nga namang natutuwa pa siya. Pisti talaga! Nakanguso lang ako habang nagtitipa ng keyboard. Mukhang may iiyakan ako mamayang gabi. Syempre biro lang. Alam ko naman kung hanggang saan lang ang hangganan ng feelings ko para kay Sir. Crush ko lang naman talaga siya, namin ni Jhas. Swerte rin dahil napalapit kami sa kanya. Pero malas lang talaga dahil mala-robot siya at wala man lang kalandi-landi sa katawan. Puro trabaho lang ang alam. Alas kwarto kami natapos mag-record. Bago bumalik sa counter ay dumaan muna ako sa locker room. Nakita kong may message si Mr. Reign Yang. [I got your guitar.] Napangiti ako at nag-reply sa kanya ng Okay. Hindi ko inasahan na ganito ka-boring ang magiging convo namin bilang textmates. Kung gaano kahirap bigyan ng puso si Sir King ay ganoon din kahirap bigyan ng emosyon ang siopao na 'to. Paano ko kaya bibigyan ng buhay at kulay ang dalawang robot? * * * Dumaan muna ako sa 7-Eleven para bumili ng Slurpee bago sumakay ng tricycle papuntang condominium. Kalalabas ko lang sa trabaho. Suot ko na lang ang puting polo shirt na may nakaburdang crown sa kanang sleeve na logo ng Kingdom Café. Itim na pants ang ipinapares namin dito at pinapatungan ng gray na apron na may nakatatak ding crown sa gitna at kinakabitan ng name tag. Iniiwan namin ang mga iyon sa locker. Bitbit ko naman ang gray na sling bag na pinaglalagyan ko ng cellphone, wallet, face powder at lip tint. Bago pa man makarating sa harap ng building ay naubos ko na ang inumin. Inilugay ko na ang buhok habang nasa elevator at tinahak ang tahimik na hallway patungo sa pintuan ng kwarto ni Reign. Tulad kahapon ay hindi na naman siya tumugon sa mga pagkatok ko. Napalunok ako ng laway dahil mukhang mapipilitan na naman akong mag-trespass. Kinakagat ko ang gilid ng ibabang labi habang pinipihit ang pinto ng condo. Pagpasok sa loob ay nakita ko siyang nakasandal at natutulog sa sofa. May nakabukas sa libro sa ibabaw ng mga hita niya at mukhang nakatulugan yata ang pagbabasa. Nakasuot din siya ng earphones dahilan kaya hindi niya na naman narinig ang maraming beses kong pagkatok. Kagyat akong umiwas ng tingin, wala na naman siyang damit. "Alam namang pupunta ako rito, hindi pa tinakpan ang payatot niyang katawan. Buti sana kung may abs eh. Puro ribs naman." Napairap ako at napabuntong-hininga. Lumapit ako sa dining table nang makita ang lata ng Pringles. Dumukot ako ng tatlo at isinubo lahat sa bunganga. Napaigtad naman ako bigla nang makitang gising na siya at seryosong nakatitig sa akin. Nahihiya akong ngumiti habang puno pa ng pagkain ang bibig. "Sa 'yo na lahat 'yan." Tumayo na siya at nagtungo sa aparador para kumuha ng damit. "H-Hindi na. Tinikman ko lang naman." Tinanggal ko ang mga tinga gamit ang dila. Lumingon siya sa akin habang nagsusuot ng shirt at doon ko lamang napagtanto na pinapanood ko pala siya. Itinaas ko kaagad ang tingin sa kisame at naghanap ng sapot o butiki. Gaga. "Nasaan na ang Melody ko?" Inilibot ko ang mga mata at nasumpungang nakasabit ang gig bag. Kinuha ko iyon at dali-daling binuksan sa sahig. "It was repainted, I hope it's okay. Visible kasi ang ibang cracks," rinig kong paliwanag niya sa likuran. Tumayo ako at humarap sa kanya, bitbit ang gitara. May nabago nga sa kulay nito. Nagmukha itong bago dahil tumingkad ulit ang pagka-brown at kumintab dahil sa ipinatong na polish. "Ayos lang. S-Si Melody pa rin naman ito." In-strum ko ito at napangiti na lang dahil walang nagbago sa tunog. Inangat ko ang tingin kay Reign na ngayon ay bahagyang nakaangat ang isang sulok ng mga labi. Agad niya iyong binawi nang magtama ang mga mata namin. "Umm, m-magkano pala ang nagastos mo? Babayaran kita." Hindi sana masyadong malaki at baka mamulubi na ako. Umiling naman siya. "Hindi na kailangan. Sagot ko na." "Hindi pwede! Ayokong tumatanggap ng libre. At saka kasalanan ko naman kung bakit tayo bumagsak sa bar." Tumingin lang siya sandali sa 'kin bago naglakad patungong sofa. Kumunot ang noo ko at sumunod sa kanya pero bigla siyang naglakad naman papuntang dining table, bitbit ang nakuhang libro. Gusto ko sana siyang patirin dahil bigla na lang nagsuplado ang loko. May nasabi ba akong masama? "Oy! Sabihin mo na ku---" "Gusto mo ng kape?" bigla niyang wika pagkalapag ng libro niya sa lamesa at nanatili lang siyang nakatayo. Napakunot ang noo ko pero nagpatuloy pa rin siya sa kusina at kumuha ng dalawang tasa. "Salamat pala para sa gamot na binili mo kagabi," saad niya habang nakatalikod at naglalagay ng kung ano sa mga tasa. Umirap na lang ako saka umupo sa dining chair. Kahilig niyang magbago bigla ng usapan. Halata naman na ayaw niya pa akong pauwiin. Pinatugtog ko ang gitara para ayusin ang tono. Tiningnan ko rin ang mga naging damage nito na ngayon ay maayos na. "Mabuti na ba ang pakiramdam mo?" Huminto muna ako at lumingon sa kanya. Nakatalikod siya akin. Kahit hindi maskulado ay malapad ang mga balikat niya. Mukhang malalaki rin ang buto, tamad lang mag-ehersisyo. "Oo. Here." Bigla kong inilihis ang pagtitig sa katawan niya nang umikot na siya paharap at naglakad, bitbit ang dalawang tasa. Inilapag niya sa harap ko ang isang kape saka siya umupo sa katapat ko. "Reign, hindi ko talaga matatanggap na saluhin mo lahat ang gastos. Kahit 50:50 man lang tayo." Hinawakan ko ang kutsara at hinalo-halo yung kape. Humigop naman siya sa tasa niya. Bahagya pang nalukot ang mukha nang mapaso sa ininom. Inilabas ko sa sling bag ang pitaka saka kumuha ng 500 dahil mukhang wala talagang balak maningil ang tsinong ito. Pinadulas ko iyon sa lamesa palapit sa kanya na sinundan niya naman ng tingin. Nahirapan pa akong bitiwan. "Okay na ba iyan?" Walang emosyon niyang inangat ang tingin sa akin habang medyo nakayuko ang ulo. Alangan akong tumawa. "K-Kulang pa ba?" Kumibot ang mga labi niya saka tumikhim. "You don't have to pay me in cash. I... I want to hear you play." Ngumuso siya para ipunto ang gitara. Napalunok naman ako dahil para siyang nanghingi ng halik sa ginawa niya. Ang sagwa eh. "200 pesos ang rate per hour. So ilang oras ba ako tutugtog para makabayad?" Sumandok ako ng kape sa kutsara at hihigop na sana nang makita kong umaliwalas ang mukha niya at kumurba ang mga labi. Nanginig bigla ang kamay ko dahilan para bumalik sa tasa ang laman ng kutsara. Putcha! Sa sobrang dalang niyang ngumiti, ang creepy na tuloy ng dating. Shet. Hindi ko inasahan 'yon. Nakita niya ang nangyari at napatitig sa akin. Sinikap ko namang iwasan iyon. Dali-dali akong tumayo ako para kunin ang case ng gitara at para makatakas sa pagka-ilang. Pinilit kong maging natural ang itsura pagbalik sa upuan at inilagay ang gig bag sa tabi. Si Melody naman ay ipinatong ko sa mga hita. Hindi na siya nakangiti at umiinom na lang sa tasa pero maaliwalas pa rin ang mukha, bagay na nagbibigay sa akin ng matinding kilabot sa katawan. "A-Ano bang gusto mong tugtugin ko?" "Ikaw ang bahala. May compositions ka na ba?" Tumango ako. Ako naman ang hindi makangiti ngayon. "Iyon na lang." Tumango na lang ulit ako. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mamasa-masa at makintab niyang mga labi kapag nagsasalita. Dinidilaan niya pa iyon sa tuwing hihigop ng kape. Gusto kong mangisay nang maalalang lumapat na ang mga labing iyon sa akin. Ahh kailan ba ako makakaalis dito! "Umm, i-ito yung... huli kong naisulat. Escaping Time." Huminga ako ng malalim at pilit na inilihis sa nangyari noong isang gabi ang isipan. Inayos ko na ang pwesto ng gitara sa mga hita ko at sinubukan munang alalahanin ang chords. Inipon ko sa isang banda ang buhok at binasa ang mga labi. Nakasanayan ko nang pumikit kapag kumakanta dahil mas nadarama ko ang liriko kaya iyon ang ginawa ko. Mabagal kong kinakapa ang gitara at binibigkas ang mga titik. ~ I'm stuck in a place Where I don't wanna stay I'm bored and lost With the way I live my life How can I escape If there's nowhere to go Everybody's looking at me Now I don't know I wanna return now to where my heart lies I wanna return now to where my soul lies I wanna return now to where my heart lies I wanna return now to where my soul lies ~ Nagtama ang mga mata namin nang dumilat ako. Siya ang unang umiwas at nagpatuloy sa pagsipsip sa tasa. Nakalahati na niya ang kape niya at 'di ko pa nagagalaw ang sa akin. "How was it? Maganda ba?" Nagpusod ulit ako ng buhok dahil naiinitan na ang batok ko. Pinanood naman niya kung paano ito i-bun sa tuktok ng ulo. "It's messy. Mas maganda kapag nakalugay lang." Tumaas ang kilay ko at biglang natawa. "Gaga, hindi ang buhok ko. Yung kanta ang tinutukoy ko." Napailing ako. So mas bagay pala sa 'kin ang nakalugay. Pero ayaw ko nang ibagsak dahil ang init talaga. Namula ang mga tainga niya at bumaba ang paningin sa mesa. "It's g-good." Pinahupa ko na ang tawa ko dahil napaka transparent pala niya kapag nahihiya. Ang bilis din niyang mamula noong nakaraan. Ang cu--- no! "Thanks. Naisulat ko 'yon noong nasa orphanage pa ako. Naubusan na ako ng inspirasyon para makabuo ulit ng bago. Ang ganda-ganda ko pero wala akong love life. Malapit-lapit na yata ako gumawa ng Tinder account," tawa ko. Hindi naman mawari ang itsura niya kung natatawa ba o nandidiri sa akin. Inangat ko ang tasa at humigop na ng kape pero biglang nalukot ang mukha ko. "Kape ba 'to o gatas? Sobrang linamnam." Dali-dali akong kumuha ng Pringles dahil nasuya ako sa tamis. Creamer na may kape yata ang ginawa niya. Taragis na 'yan. "Sorry. Dagdagan mo na lang ng kape." "Mabuti pa nga." Tumayo na ako agad at nagtungo sa kusina, bitbit ang tasa. Dinagdagan ko ito ng maraming kape. Kung may tao na mas gusto ang kape na walang creamer, ako iyon. Kapag matapang ang inumin, feeling ko ay tumatapang din ako. Kaya pala sumobra ng tapang ang hiya ko nang malasing. Tss. "Kumain ka na ba ng dinner? Samahan mo ako sa karinderya. Tara." Bumalik na ako sa upuan. Hinigop ko na ang niretoke kong kape. Napapikit at napangiti na lang ako sa sobrang pait. "Nagpa-deliver ako ng pizza. Dito ka na lang kumain. Malapit na 'yon." Sumipol ako ng mahina sa loob ng tasa dahil makakalibre pala ako ngayon ng hapunan. Ayaw kong tumatanggap ng libre pero may exemption. Dapat siguro ay dumikit ako ng madalas kay Mr. Rich Kid. "By the way, saang orphanage ka pala galing? Do you still... visit there?" Napatigil ako sa paglanghap at inangat ang tingin sa kanya. Kinuha ko ulit yung lalagyan ng Pringles. Kailangan na ng bituka ko ng solidong pagkain. "Bakit gusto mong malaman?" "W-Wala. Curious lang ako. Pero kung hindi ka komportable---" "Maria's Home," kagyat kong pagputol sa kanya. "Yung... orphanage sa kabilang bayan. Sa Villa Oriente. Doon ako nanggaling. Kung tinatanong mo kung bumabalik pa ako roon, h-hindi na." Nakatitig lang siya sa akin at naghihintay na ipagpatuloy ko ang kwento. Bumuga ako ng hangin. "Oo, tinanggap nila ako pero... ayaw ko na kasing maalala pa ang naging buhay ko roon. Doon ako itinapon na parang basura ng nanay ko... at buong buhay ko roon ay mga batang wala ring magulang ang kasa-kasama ko." Sumubo ulit ako ng Pringles. Inalok ko naman siya pero tinanggihan niya. "Nakaka-miss din naman minsan ang mga chikiting na itinuring ko nang kapatid pero sanay na kami sa pag-alis ng mga tao. Inumpisahan ng mga magulang namin kaya madali na lang naming matanggap kung iwanan din kami ng hindi naman namin kadugo," saad ko sabay subo ng tatlong chip. Hindi ako makapaniwala na hindi ako naiyak, hindi tulad noong bata ako na halos gabi-gabi akong umiiyak at iniinda ang kalungkutan dahil mag-isa ako. Palagi akong nanlilimos ng aruga sa mga caregiver kahit na alam ko na iba ang inuuwian nilang pamilya. Pero kung may natutunan man ako sa paninirahan sa ampunan, iyon ay ang maging matatag at walang ibang asahan kundi ang sarili. Iyon ang gusto kong matutunan din ng mga bata sa orphanage. Ayaw kong umasa rin sila tulad ng ginawa ko noon. Nagtaas-baba naman ang mga kilay niya ng isang beses at ipinatong ang hawak na tasa sa lamesa. Humilig siya sa upuan at humalukipkip. "Is that really how it works? You are all meant to be alone?" * * * * * * * * * * Featured Song: Escaping Time by Blind Stereo Moon Blind Stereo Moon is an indie band from Bulacan. I just found them on YouTube, then they became one of my favorites. Kaoru's version of it was slow and mellow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD