Nang makarating ulit sa pamilyar na kwarto ay agad niya akong inilapag sa malambot na kama. Umikot ako patalikod sa kaniya at mahinang nagdasal.
Lord, kung panaginip lang ang lahat ng 'to, gisingin mo po ako.
Mabilis kong hinablot ang puting kumot sa gilid at nagtalukbong. Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Tobias at ramdam ko ang ginawa niyang pag-alis.
Sininghot-singhot ko ang aking hawak na kumot dahil amoy na amoy ko ang pabango ni Tobias dito. Natigilan naman ako nang mapagtanto ang aking ginagawa.
What the hell am I doing?
Katahimikan ang namayani sa bawat sulok ng kwarto kaya agad kong inalis ang kumot na tumatakip sa aking ulo.
Mabilis akong umalis sa kama at maingat na naglakad palapit sa malaking bintana. Sumilip ako at makitang puro matataas na puno ang nasa labas at hindi makita ang daan. Nasaan ako?
Inis akong napahinga nang malalim at inilibot ang paningin sa kwarto. Napadako ang aking paningin sa malaking kabinet sa gilid.
Dahan-dahan akong lumapit doon at ito'y binuksan. Bumungad sa akin ang mga damit na puro mamahalin. Puro panlalaki at puro pang-mayaman.
Kumikinang ang iba rito at may mga dyamanteng nakalagay sa damit. Napalunok ako bago isara ang malaking aparador.
Agad akong nataranta sa aking pagkakatayo nang makarinig ako ng mahihinang pagkatok sa pinto. Mabilis akong tumakbo at tumalon sa kama. Mabilis din akong nagtalukbong ng kumot at pumikit nang mariin.
Rinig ko ang paglangitngit ng pinto dahilan para ito'y bumukas. Mabibigat ang aking paghinga habang dahan-dahang iminulat ang aking mga mata.
Kita ko ang paglakad ng anino papalapit sa 'kin. Isang pigura ito ng lalaki.
By his manly scent I know that it's Tobias.
Napahigit ang aking hininga nang tumigil siya sa aking gilid. May kung ano siyang hawak na bagay. Inilapag niya ito sa aking paanan at malakas na tumikhim.
"Change your clothes... but take a bath first. I want you to make yourself clean and comfortable," rinig kong seryoso niyang saad. His words were very straight but there's a hint of care beyond his sentence.
Katahimikan ang aking sinukli. Rinig ko ang mahina niyang pagmumura at hinigit ang aking hawak na kumot.
"Ano ba!" sigaw ko nang tuluyan niyang mahigit ang kumot. Napaupo ako sa kama dahil sa kaniyang ginawa.
Hindi na ako nag-abala pang umalis sa kama at masama siyang tiningnan.
"Problema mo?" naiinis kong wika.
Seryoso ang kaniyang tingin sa 'kin ngunit nakataas ang dalawang kilay. "Do you understand?" malamig niyang saad.
Kumunot ang aking noo at hindi mapigilang mapanguso. Bahala siya...
Napahigit naman ang aking hininga nang yumuko siya sa 'kin para magpantay ang aming mukha. Sumampa pa siya sa kama at nilagay ang magkabilang kamay sa gilid ng aking ulo.
Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha. A-Anong...
"... Or do you want me to undress you?" he seriously said and slowly licked his lower lips.
Sinubukan ko siyang itulak ngunit nahawakan niya ang aking pulso. Ramdam ko ang paghampas ng hangin sa aking mukha dahil sa bilis ng pangyayari.
Napaawang ang aking labi sa pagkamangha at muntik na akong maduwal sa aking pagkakatayo. f**k! He's fast!
Nahihilo kong inilibot ang aking paningin sa paligid. W-We're... in a bathroom...
Ibinalik ko ang aking paningin sa kaniya nang bitawan niya ang aking kamay. Nakahalukipkip siyang tumitig sa akin.
Napakagat ako sa ibaba ng aking labi.
He examined my face. Head to toe. Toe to head. I can't help but to look away. It's making me uncomfortable...
Napalayo ako nang hawakan niya ang magkabilang laylayan ng aking damit. "Whoa, whoa. What are you doin—"
"I'm undressing you," matigas niyang saad.
Nakakunot ang noo at parang hindi sigurado sa kaniyang sinasabi. Nababaliw na ba siya?
Napasigaw naman ako ng 'what' sa kaniyang sagot. Hinampas ko ang kaniyang kamay para siya'y mapabitaw.
"Nahihibang ka na ba?" hindi mapakaniwala kong saad.
He suddenly let go and scratched the back of his head. His face showed a hint of embarrassment while cursing under his breath.
I glared at him while he looked away and there was a hint of blushing on his face.
He played with his lips before answering, "Go... I'll wait outside," he uttered and immediately vanished in my sight.
I was left there. Mouth hanged opened. Minutes passed, I immediately shook my head and mumbled on the air.
Crazy...
—
"Wait—what? Are you crazy, dude? Why did you try to undress her?" I heard a familiar voice echoed outside while I'm busy dressing myself.
Natigilan ako at nagtakip ng tainga. Stop! Oh my God!
Why do I have to hear that?
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa pinto. Ilang beses akong napahinga nang malalim bago pihitin ang sedura ng pinto.
Napatigil ako sa pagbukas ng pinto nang marinig kong magsalita muli ang isang pamilyar na boses.
"But, Tobias... she's a human, right? Will she ever survive the first b****y night?" halata sa boses nito ang pagkabahala.
Napakunot ang aking noo dahil sa pagtataka. b****y night? Survive?
"Tsk, I don't give a damn about b****y night. She'll survive no matter what," rinig kong sagot ni Tobias at pagbukas bigla ng pinto.
Nawala ang pagkakasalubong na kilay ni Tobias nang makita akong nakatayo sa tapat ng pinto. Pinagmasdan niya ang suot ko at umismid.
Napalunok ako at umiwas ng tingin. Tumkhim siya bago magsalita. "Let's go..."
Tahimik akong sumunod sa kaniyang maglakad. Maliit akong ngumiti sa lalaking kulot nang makita ko siya sa labas ng kwarto.
Ngumisi siya sa akin at kumindat. Namula naman ako at umiwas ng tingin. Lumingon sa akin si Tobias habang madilim ang mukha.
Gosh... it just sent chills down my spine.
Mariin kong kinagat ang ibaba ng aking labi nang tumigil si Tobias sa paglalakad. "Stop. Biting. Your. Lips," dahan-dahan niyang saad.
Mabilis ko namang pinirmi ang aking labi. Malakas siyang nakatikhim at maraang tumitig sa akin.
"You think you're hot with your... s-sexy lips and innocent face... and—f**k yeah, you're so damn adorable," dugtong niya habang nakataas ang magkabilang sulok ng labi.