Namula ako sa kaniyang sinabi at nahihiyang napayuko. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking dalawang pisngi.
It tickles my heart... and I don't know why.
Rinig ko naman ang paghalakhak ng isang baritonong boses sa aking likod. Sabay kaming napalingon sa direksyong iyon.
Sumalubong sa amin ang isang matandang lalaki. Malakas ang dating at halatang tinitingalaan ng lahat.
"Didn't know that you're naughty, my son," nakangising saad nito habang nakatingin kay Tobias.
Malakas na napatikhim si Tobias at humakbang papalapit sa matandang lalaki na tumawag sa kaniya ng "son."
Power and authority are visible on his face. Like no one dared to look up on his eyes.
Lumuhod si Tobias sa harap ng matandang lalaki dahilan para lumuhod din ang lalaking kulot sa aking gilid.
Napalunok ako at dahan-dahan na ring lumuhod. Napayuko ako nang maramdaman ang kagaspangan ng carpet sa aking tuhod.
"Oh—no no. You don't need to do that, ija," rinig kong saad ng matandang lalaki at balak na lumapit sa akin.
Ngunit agad na tumayo si Tobias at sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya at agad akong hinapit sa bewang para itayo. Tumaas ng kaonti ang aking suot na bestida dahil sa ginawa niyang pagtayo sa 'kin.
Napaawang ang ibaba ng aking labi dahil sa kaniyang ginawa. Nangamatis ang buo kong mukha at agad na napayuko nang humalakhak muli ang matandang lalaki.
"Someone is possessive," patay malisyang ani ng kulot na lalaki at sumipol.
"Tsk."
Hindi ko pinansin si Tobias at umayos na ng tayo. Mahina akong napamura nang makaramdam ng pangingirot sa aking tuhod. Napatingin ako sa aking tuhod at makitang may kaonting dugo na malilit doon.
Napanguso naman ako at pinagpag ang aking dalawang tuhod. Nang makipagpag din sa aking tuhod si Tobias.
"A-Ako na," namumula kong saad at pinipigilan ang aking sarili na mapamura.
Mariin siyang tumitig sa akin bago tumigil sa pag-pagpag sa aking tuhod.
"Is your toe okay, ija? Should I call Nenita?" nag-aalalang saad ng matandang lalaki nang siya'y makalapit.
Ilang beses akong napailing at maliit na ngumiti. "Okay lang po, hindi naman masakit," sagot ko at nag-inat inat pa sa kaniyang harap para ipakitang ayos lang ang aking tuhod.
Napabuga naman ng hangin si Tobias sa aking tabi. Ramdam ko ang nakakapaso niyang mga titig sa akin habang pilit naman akong ngumingiti.
"Okay, then let's go downstairs. Maraming pagkain doon. I bet you're already hungry," nakangising saad ng matandang lalaki at nagsimulang maglakad.
Agad naman ako sumunod nang marinig ko ang salitang 'pagkain.' Sumunod naman sa akin si Tobias kasama ang kulot na lalaki.
Sa haba ng pasilyo ay hindi ko mapigilang hingalin. Hindi ko rin maipagikakaila na magaganda ang kagamitan dito. Totoo pala talagang nasa loob ako ng palasyo...
Pagkababa namin sa mahabang hagdanan ay muntik na akong masuka sa aking pagkakatayo. Buti nalang at alerto si Tobias at agad akong nahawakan sa likod.
"Puta..." aking naiusal dahil sa gutom at nang muntik nang mapasuka.
Natigilan naman sa aking tabi si Tobias nang marinig ang aking naiusal.
"Don't cuss," malamig niyang saad at iginaya ako sa kusina. Hindi ko na lamang siya pinansin nang makita ang nakahain sa lamesa.
W-Wow... ang daming pagkain.
Napalunok ako sa aking sariling laway para pigilan ang pagtulo ng laway.
"Umupo ko, ija... make yourself at home, since dito ka na titira," ani ng matandang lalaki para ako'y mapatigil sa gagawing pag-upo.
T-Titira?
"P-Po? Titira?" nagtataka kong saad. Napatikhim naman nang malakas si Tobias sa aking tabi.
"I didn't told her yet," aniya at seryosong bumaling sa 'kin.
"Hindi ako dito titira, I have a house in the woods with someone," sagot ko at umupo na.
Ramdam ko ang nakakapasong tingin ng aking tabi nang sabihin ko iyon. "Who's that someone?" seryoso niyang saad.
Tumingin ako sa kaniya at sinalubong ang kaniyang nakakapasong titig. "It's none of your business," mataray kong sagot at agad na napaiwas ng tingin.
Napatalon ako sa aking pagkakaupo nang hampasin niya ang lamesa sa aking harapan. Lumakas ang pagtibok ng aking puso dahil sa takot. Hindi ko sinalubong ang kaniyang titig at napayuko.
"It is. You are my goddamn business!" mariing saad ni Tobias habang pinipigilan ang sariling sumabog sa galit.
Ramdam ko ang pagbara ng kung ano sa aking lalamunan nang ako'y mapataas ng paningin.
Tumiim ang kaniyang bagang bago mabilis na nawala sa aking paningin. Napanguso naman ako at kinuha ang kutsara't tinidor sa aking harapan.
Katahimikan ang namayani sa magkabilang sulok ng silid habang ako'y kumakain nang basagin ito ng lalaking matanda. "Saka nga pala ija... ako ang hari sa lugar na 'to. Tawagin mo nalang akong papa Arthur," nakangisi niyang saad at uminom sa hawak niyang baso. Hindi ko na binalak pang alamin kung ano ang kaniyang iniinom at pilit na ngumiti na lamang.
Nang matapos kumain ay sinabi ni papa Arthur sa lalaking kulot na samahan ako pabalik sa aking silid.
Tahimik akong sumusunod sa lalaking kulot nang siya'y tumigil sa paglalakad. Agad akong napataas ng tingin dahil doon. Bakas sa aking mukha ang pagtataka. "B-Bakit?" tanong ko.
Naglahad siya ng kamay at nakangising nagpakilala, "Oliver nga pala."
Napatango naman ako at inabot ang laniyang palad. "A-Angeline..."
"I see... nice to meet you, Angel," wika niya at kumindat sa akin.
Nagpatuloy na siya sa paglalakad at ngayon naman ay nakikipagkwentohan siya sa 'kin. Marami siyang kinwento sa 'kin tulad nalang na kung paano siya maligaw sa palasyong ito noong una pa lang niyang pagpunta rito.
Hindi halata sa mukha niya na madaldal siya dahil laging nakamasid at iniikot ang kulot niyang buhok. Matangos at ilong at mahahaba ang pilik mata. Pero mas gwapo pa rin talaga si Tobias—
Agad akong napailing nang marealize ko ang aking iniisip. Bakit ko iniisip 'yong lalaking 'yon? Malala na ata ako!
"See you tomorrow, Angel," paalam ni Oliver sa akin at kumaway. Napangisi na lamang ako at tuluyan nang pumasok sa silid.
Napabuntong-hininga ako nang maisarado ko na ang pinto ng kwarto. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid.
This bedroom again...
Napakagat ako sa ibaba ng aking labi at huminga nang malalim. Dahan-dahan akong humarap sa pinto at pinihit ang sedura ng pinto.
Napapikit ang isa kong mata nang makarinig ako ng mahinang 'click.' Dahilan para ito'y bukas na.
Itinulak ko ito papalayo at sumilip sa labas. Nang masiguradong walang ibang tao kundi ako ay agad akong kumaripas ng takbo. Nakita ko kanina sa baba ang daan palabas.
Makakaalis na ako!
Agad akong napahinto nang makasalubong ko ang batang babae na kasama ni Oliver kanina. Tumaas ang kilay nito at nakahalukipkip na nakatingin sa 'kin.
"Where are you going?" maliit ang boses na saad nito.
Napakagat ako sa ibaba ng aking labi at umiwas ng tingin. "Saan cr niyo?" palusot ko at pilit na ngumiti sa kaniya.
Mas tumaas ang kilay niya at masama akong tiningnan. "You're planning on escaping... right?" aniya dahilan para pagpawisan ang aking palad.
"N-No..." s**t! Should I run?
Ilang beses na huminga nang malalim ang bata bago malakas na tumili.
"She's escaping!" tili niyang muli.
Nanlaki ang aking dalawang mata sa gulat at agad na kumaripas ng takbo palabas. Sumalubong sa aking ang malaking gate kaya agad akong pumunta roon.
Nakalock!
Hindi ko mapigilang mapamura nang mapatingin ako sa isang sirang bakal sa gilid ng gate dahilan para magkaroon ng maliit na siwang palabas.
Agad akong lumusot doon. Mariin akong napakagat sa ibaba ng aking labi nang sumabit ang aking braso sa matulis na bakal dahilan para magkaroon ng malaking sugat doon at lumabas ang pulang likido.
Nang makalabas ay mabilis akong tumakbo sa makitid na daan. Hindi iniinda ang aking sugat sa braso. Ang importante ay makakaalis ako rito! Kailangan kong mapuntahan si Di-A!
Ilang oras akong tumatakbo at ramdam ko na ang aking pagkapagod at pagkauhaw. Labis ang aking pagkatuwa nang makita ang bayan. Mabilis akong pumasok sa loob ng gubat dahil alam kong malapit-lapit na ako sa bahay ni Di-A.
Napatigil ako sa paglalakad nang ramdam ko ang pagkirot muli ng aking sugat. Napapikit ako nang mariin at inis na pinunit ang isang kapirasong tela sa aking bestida.
Hindi ko mapigilang mapaiyak sa sakit nang ilagay ko ang tela sa aking sugat. Ilang beses akong napahinga nang malalim bago nagpatuloy muli sa paglalakad.
Nanlalabo ang aking paningin sa pagkauhaw. Feel ko mababaliw ako sa sobrang pagod...
Sinubukan kong maglakad sa abot ng aking makakaya. Habol ang aking hininga nang matanaw ko ang kubo ni Di-A.
Gumuhit sa aking mukha ang malaking ngiti at lakad takbo ang aking ginawa para makapunta.
"Di-A!" masaya kong bati pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Sumalubong sa akin si Di-A na may hawak na walis tambo at nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. Ang hawak niya ay nakaturo sa ibang direksyon dahilan para mapadako ang aking paningin doon.
Napaawang ang ibaba ng aking labi dahil sa gulat. "T-Tobias? What... what are you doing here?" Kumunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa buo kong katawan.
Nagtiim ang kaniyang panga at nakita kong pumula ang kaniyang dalawang mata. Umiwas siya ng tingin sa akin at rinig ko ang sunod-sunod niyang pagmumura.
Agad na nanlaki ang dalawang mata ko nang may makita akong dahan-dahang tumayong lalaki sa gilid niya. Hindi ko siya nakita kanina dahil sa sofa na nakaharang.
Mas lalong napaawang ang aking labi at nanlalaki ang aking mga mata dahil sa gulat. Sumalubong sa akin ang kulay itim niyang mga mata at pamilyar niyang ngisi. Ngunit hindi ko maiwasang mapatingin sa gilid ng kaniyang labi dahil nagdudugo ito.
Ilang beses akong napalunok bago makapagsalita.
"L-Lucas?"