Chapter 8

1364 Words
"A-Angeline..." bati ni Lucas. Napakunot ang aking noo at bumaling muli kay Tobias. "Anong... ginagawa mo rito?" Nag-tiim ang kaniyang bagang sa aking sinabi at mariing tumitig sa akin. "I should be the one who's going to ask you that... what the f**k are you doing here?" madiin niyang saad at pinipigilan ang sariling sumabog sa galit. Napalunok ako sa kaba at napangiwi nang kumirot muli ang aking sugat sa braso. Nanlalabo ang aking paningin nang magsalita sa Lucas. "Angeline... ano'ng nangyari? Sino ba 'tong gagong 'to—Angel!" Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay ramdam ko ang pagbalot ng isang matipunong braso sa aking katawan at sunod-sunod nitong pagmumura. "Damn it, Angel. What did you do? You're really bleeding," tumigil siya para magmura. "Why? Goddamn it," sa pagpikit ng aking dalawang mata ay rinig ko ang huling sinabi ni Tobias. — "Hey... " I slowly opened my eyes when someone caressed my cheek. His familiar brown eyes is the first thing I saw. I looked around and realized that I'm here at his huge bedroom, again. "Why am I here again?" I grunted. Ayoko dito... Umayos ako ng higa at umupo. Napalunok ako nang maramdaman ko ang ginawa niyang pag-alalay sa 'king likod. Binalewala ko ang kuryenteng nararamdaman at bumaling sa kaniya. "Nasaan si Lucas?" His eyebrows raised. Jaw clenched. "He's dead," he answered. Natigilan ako sa kaniyang sagot at nanlalaking matang napatitig sa kaniya. Anong... Seryoso siyang nakatitig sa akin nang unti-unting gumuhit sa kaniyang magkabilang labi ang isang ngisi. "So damn cute. I'm just kidding... stop making that big face, I can't help but to smile," nakanguso niyang saad, pinipigilang ngumisi. Agad naman na nagsalubong ang aking kikay at masama siyang tiningnan. "Gago," pabulong kong saad at umiwas ng tingin. Tumikhim naman siya nang malakas sa aking sinabi at tumayo sa pagkakaupo sa kama. "Stop cursing... it doesn't suit you," seryoso na niyang saad. Napanguso na lamang ako at umiwas ng tingin sa nakakapaso niyang titig. "Look at me..." marahan niyang saad, sinusubukang hulihin ang aking tingin. Ngunit mas iniwas ko ang aking tingin para hindi ko makasalubong ang kaniyang tsokolateng mga mata. "Tsk, napakatigas ng ulo mo," madiin niyang saad. Mas lalo akong napanguso at umirap sa hangin. Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga at marahan akong hinawakan sa aking baba para magkasalubong ang aming tingin. Mahina akong napasinghap nang magtama ang aming mga mata. Ramdam ko ang pagwawala ng aking puso. What's happening on me? Why am I feeling this? "Don't you dare hurt yourself, again... okay?" mahina niyang saad. Bakas sa kaniyang mata ang pag-aala. Napalunok naman ako dahil doon. Saka ko lang mapagtanto na dahan-dahan na akong tumatango. Ilang segundo siyang nakatitig sa akin nang dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Tinawid niya ang layo ng aming mukha upang sakupin ang aking labi. I was stunned... yes. This is my second kiss! I can feel his soft lips brushing on my lips. The tingling sensation. I can feel it... on my face... lips... Ramdam na ramdam ko ang malambot niyang labi sa akin. Pigil na pigil ang aking hininga dahil sa kaniyang ginawa. Napaawang ang ibaba ng aking labi nang mahina niya itong kagatin, dahilan din para makaramdam ako ng kakaibang pakiramdam sa aking dibdib. Matamis. Malambot. Mabango at nakakaadik. Ramdam kong parang sasabog ang aking puso sa lakas ng pagtatambol nito. Nanlalaki ang aking mata ngunit siya naman ay nakapikit. Halos magkandaduling-duling ako sa sobrang lapit ng aming mukha. Everything seems in slow motion. It's his lips that I only can think of right now. How soft and a good kisser he is... Matagal ang ginawa niyang halik na ginawa sa akin bago lumayo. Muntik ko nang habulin ang kaniyang malambot na labi dahil sa nakakaadik nitong pakiramdam na ibinibigay sa akin. Habol-habol ang aking hininga. Habang siya naman ay nakataas ang isang sulok ng labi. I let out a deep sigh before I can clearly talk. "B-Bakit..." mahina kong saad. I can still feel the tingling sensation on my lips. Shit... Malakas siyang tumikhim at binasa ang ibaba ng kaniyang labi gamit ang kaniyang dila. "Damn," bulong niya. Mariing nakatitig sa aking labi. Dahilan para takpan ko ito gamit ang aking kamay at umiwas ng tingin. Ito na naman ang aking puso... kumalma ka naman. "Vampires' heart doesn't beat..." aniya. Dahilan para mapatingin naman ako sa kaniya m. Nakakunot ang noo at nagtataka. Really? I didn't know that... Seryoso siyang nakatitig sa akin at nagtiim panga. But what does he mean? Ilang segundo bago ako makapagsalita muli. Lumunok muna ako sa aking sariling laway at nagsalita. "So?" nakataas ang kilay kong saad. Malakas siyang napabuga ng hangin. He mumbled a curse before looking away. "Nevermind." Bumagsak naman ang aking balikat dahil sa kaniyang sagot. Tsk. Sabay kaming napatingin sa pinto nang may kumatok doon. Rinig ko ang pagpihit ng sedura ng kung sino sa labas at pagbukas ng pinto. Nanlaki ang aking mata sa gulat nang pumasok si Oliver... kasama si Di-A. Napatakbo ako papalapit sa kaniya sa tuwa. "Di-A!" naiiyak kong saad at mabilis siyang hinila para yakapin. Ramdam ko ang pagbalot ng kaniyang maliit na braso sa akin. "Oh, s**t. I'm not dreaming. I'm really sorry I didn't got home sooner, I tried but—" Humigpit ang kaniyang pagkakayakap sa akin dahilan para matigilan ako sa pagsasalita. "Ayaw nilang papasukin si Lucas dito. Hinihintay ka niya sa labas ng palasyo," bulong niya sa akin. Umalis siya sa pagkakayakap at malaki na ngumiti sa akin. "Namiss din kita," nakangiting niyang saad. Napanguso naman ako at kinurot siya sa pisngi. Umayos ako ng tayo at nakahalukipkip na pumihit paharap kay Tobias na kanina pa kami pinapanood. "Bakit ayaw mong papasukin dito si Lucas? He didn't do anything wrong with you naman," magkasalubong ang kilay kong saad. His jaw clenched and crossed his arms. Making me looked a second at his hard biceps. Itinaas ko ang aking paningin sa kaniya dahil doon. "He's stinky..." rason niya at saglit na napapikit nang mariin. Kumunot naman ang aking noo dahil doon. "He's not... let me talk to him. I want to see him," pagpipilit ko at hinawakan si Di-A para lumabas ng kwarto. "No," rinig kong sagot niya na hindi ko pinansin. Napatigil ako sa paglalakad nang bigla siyang sumulpot sa aking harapan. "Goddamn it, I said no!" mariin niyang saad. Pula ang kaniyang ang mga mata at labas ang pangil. Napalunok ako dahil doon at napaatras sa gulat. His face expression quickly changed when he saw my scared face. He mumbled a curse and looked away. "Go," he softly whispered as he vanished out of our sight. I let out a deep sigh and follow Oliver who started leading us the way downstairs. Tahimik akong lumabas ng palasyo at makitang andoon si Lucas sa labas ng gate. Iniwan ko muna si Di-A kay Oliver at mabilis na tumakbo papalapit kay Lucas. "Lucas..." Napadako ang aking paningin sa kaniyang pasa sa mukha. Humawak ako sa bakal ng gate na humaharang sa aming dalawa. "Are you okay?" nag-aalala kong saad. He smiled at me and winked. "Yeah, ako pa... pogi pa rin naman ako diba?" nakangisi niyang saad dahilan para mapangiwi ako. "Nakuha mo pang magjoke, ha?" nakangiwi kong saad at pabiro siyang inirapan. Napahalakhak siya sa aking saad ngunit maya-maya ay nawala ang kaniyang pagkakangiti. "Angeline..." aniya dahilan para seryoso akong mapatingin sa kaniya. I have a very strong feeling about this... it's either a good or bad news. "I met Murriel, the witch... siya ang makakatulong sa 'yo para makabalik sa iyong totoong mundo," seryoso niyang saad. Pilit akong napangiti. "I can go back home?" pekeng ngiti kong saad. Tumango siya sa aking tanong at maliit na ngumiti. "Finally..." bulong ko at napaiwas ng tingin. Aksidenteng napadako ang aking paningin sa isang balkonahe ng palasyo. I saw Tobias seriously looking at us. Jaw clenched, he stared at me with his hazel brown eyes. I looked down and bit my lower lip. I should be happy about what Lucas have said, right? But... why am I feeling blue? Why am I not happy? It feels like I want to stay here... with him. Forever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD