Chapter 3

1827 Words
Agad namang napatigil sa pagtakbo ang asong lobo nang banggitin ko ang pangalang iyon. Mabilis akong bumaba at nanginginig na napaatras. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at napayakap sa sarili. Andito ulit kami sa gitna ng gubat. Damn... now I'm staring to hate forest. Nang umalis ako ay agad na pumunta sa likod ng puno ang asong lobo at tanging naririnig ko na lamang ang pagkalagutok ng buto na nakapagpangiwi sa 'kin. Muli akong napaatras nang lumabas sa likod ng puno ang isang pamilyar na lalaki na nakapantalon lamang at walang suot na pangitaas na damit. Napaawang ang ibaba ng aking labi dahil sa gulat. Ramdam ko ang pagtaas ng aking balahibo sa katawan. "L-Lucas?!" Nakangisi siyang napakamot ng ulo. "Hi, miss..." ngisi niyang saad na maya-maya'y naging ngiwi. Big wolf... cracking bones... and Lucas. "Werewolves are real?!" asik ko habang nanlalaki ang mata. Lumabas ang ngipin niya sa laki ng kaniyang ngiti. "Oo... at ako ang kanilang alpha," sagot niya at kumindat sa 'kin. Agad na kumunot ang aking noo. "Ano 'yong alpha?" tanong ko na nagpakawala sa kaniyang ngisi. Bumagsak ang kaniyang balikat at napatampal sa sariling noo. Sinubukan niyang humakbang papalapit sa 'kin nang itaas ko ang aking paa at balak na kunin ang aking suot na tsinelas nang walang makapa ay labis ang aking pagkakataranta. N-Nasaan na iyon?! "Angel..." Huminga siya nang malalim, "Ipapaliwanag ko sa 'yo kung anong meron sa mundong ito," he lowly said. — Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. He just finished explaining what's in this world while treating my wounds. Werewolves, witches, elves and... vampires. "P-P'wede pa ba akong makaalis dito?" tanong ko at napalunok sa sariling laway. Napakagat din ako sa ibaba kong labi dahil sa kaba. Maliit siyang ngumiti, "Paano ka ba napunta rito?" Agad naman akong napaisip sa kaniyang tanong. "Sa isang pinto?" patanong kong saad. Agad na kumunot ang kaniyang noo. "Pinto?" Tumango ako sa kaniyang saad dahilan para siya'y mapatayo sa pagkakaupo sa malaking kahoy. "s**t," rinig kong pagmumura niya bago ako hilahin patayo. Nagsimula na naman kaming tumakbo at hindi ko alam kung saan kami papunta. "T-Teka, saan tayo pupunt—" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang mag-anyong lobo siya at agad akong pinasakay sa likod niya. Damn, I still can't get over that this guy is a werewolf! Napapikit na lamang ako dahil sa bilis ng kaniyang pagtakbo. Ramdam ko ang paghampas ng hangin sa aking mukha. Humigpit ang aking pagkakahawak sa mabalahibong katawan ni Lucas. Ramdam ko ang pagtigil niya kaya agad kong iminulat ang aking mga mata. Tumalon ako paalis at inayos ang aking buhok na gulo-gulo. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. We're... in a small town. "Sundan mo ako." Napatalon ako nang marinig ko ang boses ni Lucas sa aking likod kaya ako'y napalingon. He's topless but he's wearing a jeans. Where the heck did he get his clothes? Napatingin ako sa gilid at makitang may sampayan doon ng mga damit. Napanguso naman ako bago sumunod sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa kawalan at tahimik na naglalakad. Napalunok ako habang sumusunod sa kaniya. Ano'ng iniisip niya? At bakit ganoon ang naging reaksyon niya nang malaman na sa isang pinto ako nanggaling? That's weird... Napansin ko ring tahimik ang bayan at nakasarado lahat ang maliliit na kubo. Luma na ito ngunit malinis ang paligid. Tumigil ako nang tumigil din siya sa paglalakad. Nasa tapat kami ngayon ng isang malaking kubo. Napapagitnaan ito ng mga maliliit na bahay kaya agaw ito ng pansin. Narinig ko ang pagtikhim ni Lucas sa aking tabi bago tumapak sa hagdanang gawa sa kahoy. Dahil sa nakakabinging katahimikan ay rinig ko ang pagtunog ng kahoy sa kaniyang pagtapak. Napalunok naman ako bago sumunod. Mabibigat ang aking paghinga at sa kaba ay madiin akong napapakagat sa aking ibabang labi. Lumingon sa aking gawi si Lucas, "Huwag kang matakot, may kokompirmahin lang ako," aniya at kumatok sa pinto. Nakailang katok siya nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang isang batang lalaki. Halatang bagong gising pa lamang ito dahil siya'y nagkukusot ng mata gamit ang kaniyang palad. Magulo ang itim na itim niyang buhok. Maliit ang ilong niya at namumutok ang pisngi. Mapula-pula ang kaniyang pisngi at ang labi niya'y laging napapanguso. He looks young, but the way he moves... so matured. "A-Alpha... ano po ang maipaglilingkod ko sa 'yo?" gulat na saad ng lalaki nang makita si Lucas. Kumunot ang aking noo nang marinig ko ang mababang boses ng batang lalaki. Confirmed. He's only 10. "Di-A, maaari ko bang malaman ang alamat tungkol sa babaeng nakapunta rito sa ating mundo sa pamamagitan ng isang mahiwangang pinto?" ani Lucas. Napakunot naman ang aking noo dahil sa pagtataka. Mahiwagang pinto? Agad naman kaming pinapasok ni Di-A sa kaniyang bahay at mabilis kaming pinaupo. Halata sa kaniyang mukha ang pagkataranta habang inaasikaso kami. Halos hindi niya rin ako napansin dahil sa presensya ni Lucas. Ganoon ba kataas ang Alpha? Pagkaupong-pagkaupo niya ay agad siyang napatikhim at inayos ang kaniyang suot na damit. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa kaniyang ginawa. Ang cute... "Anong parte po ba ng alamat ang gusto niyong malaman?" ani Di-A kay Lucas. He surely can talk properly... not even stuttering. Damn. "Lahat," seryosong saad ni Lucas. Tumango naman si Di-A at nagsimulang magkwento. "Ikinikwento dati sa 'kin ng aking guro ang tungkol sa mahiwagang pinto... gawa ito ng isang mangkukulam na mahilig na gumamit ng mahika, mayroong isang tao na aksidenteng natuklasan ang ating mundo sa pamamagitan nito. Nakilala niya ang bampirang si Tobias. Naging magkaibigan ang babaeng iyon at si Tobias. Ngunit ang sabi-sabi raw ay may sumpa ang anak ng hari na si Tobias," tumigil siya at napalunok sa sariling laway. Napalunok din ako nang banggitin niya ang pangalan na iyon. Tobias... "... unang araw ng Disyembre, kung kailan sumasapit ang unang kabilugan ng buwan—mawawalan siya ng kontrol at siya'y magiging uhaw na uhaw sa sariwang dugo... kinakailangan ng hari ng babaeng makakapag-kuntento sa uhaw ng kaniyang anak. Ngunit walang nakapag-kuntento sa uhaw ng prinsipe." Tumigil siyang muli at kinamot ang kaniyang kaliwang kilay. "Dahil sa pag-aalala ng normal na babae sa anak ng hari ay humingi siya ng tulong sa mangkukulam na si Murriela, kaya siya'y malayang nakapasok sa palasyo hanggang sa kwarto ng prinsipe. Dahil hindi niya alam ang sumpa tungkol sa prinsipe at wala ito sa sarili ay kinagat siya nito... dahilan ng kaniyang pagkamatay dahil sa kawalan ng dugo." That's... too tragic. "What's the name of the girl?" hindi ko mapigilang mapatanong. I don't know but it makes my heart ache when I heard what happened about the girl... "Caroli—" napatigil siya sa pagsasalita nang mapabaling ang kaniyang paningin sa 'kin. Nanlalaki ang kaniyang mata at parang nakakita ng multo ang kaniyang ekspresyon. "Caroline..." pagpatuloy ni Lucas at tumayo sa kaniyang pagkakaupo. Pinagpag niya ang kaniyang suot na pantalon at namulsa. "Maraming salamat, Di-A. Kailangan na naming umalis," seryosong saad ni Lucas at deretsong lumabas ng bahay. Napakagat ako sa ibaba ng aking labi at tumingin kay Di-A na nakatulala pa rin sa 'king mukha. "B-Bye," aniko at kumaway bago mabilis na tumakbo palabas. Nakita kong hinihintay ako ni Lucas sa labas ng kubo ngunit ngayon naman ay nakangiti na siya. "Tara, sumama ka muna sa 'kin... marami na sigurong naghahanap sa 'yo sa pamilihan," nakangisi niyang saad at nagsimulang maglakad muli. Hindi ko maiwasang matakot sa kaniyang sinabi ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang muna ito. Lakad takbo ang aking ginawa bago makasabay sa kaniya. Napansin ko ang kaniyang pananahimik kaya agad akong nagtanong nang maalala ko si Di-A. "Lucas, ano'ng nangyari kay Di-A? Ayos lang ba siya?" nag-aalala kong saad. Saglit siyang tumingin sa 'kin at tumingin ulit sa kaniyang nilalakaran. Hindi ko mapigilang mapanguso nang hindi niya ako pansinin. Hindi na ako sumubok pang magtanong muli at tahimik na sumunod sa kaniya. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. "Siguro ay nagtataka kung bakit walang nakatira dito sa maliit na bayan na 'yon..." pagbasag niya sa katahimikan. Napatigil ako sa paglilibot ng paningin at napatingin sa kaniya nang tumigil siya sa paglalakad. "Hindi ako nakatira dito dahil malayo pa ang aking tahanan. Ang bayan na iyon ay pag-aari ni Di-A, anak siya ng isang diwata," kwento niya at malungkot na ngumiti. "Matagal ng patay ang kaniyang mga magulang. Mayroong hindi pagkakaintindihan ang mga bampira sa kanilang bayan dahilan para magkaaway-away sila at sinugod ang kanilang bayan—dahilan para mamatay lahat ng kaniyang kapamilya, pati na rin ang lahat ng mga diwata't duwende... siya na lamang ang tanging natitira sa kanilang angkan," mahaba niyang litanya dahilan para matigilan ako. Hindi ko maiwasang maawa kay Di-A dahil doon. Agad akong pumihip paharap at nagmartsa pabalik sa maliit na bayan ni Di-A. "T-Teka—saan ka pupunta?" rinig kong saad ni Lucas at hinawakan ako sa aking braso. Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya. "Sasamahan ko siya..." mahina kong saad at kinagat ang aking ibabang labi para pigilan ang pagbabadya ng aking luha. He's... he's just kid... Bumuntong-hininga si Lucas at pumikit nang mariin. "Sasamahan kita," aniya at hinawakan ako sa pulso. Nagpahila na lamang ako sa kaniya habang humihinga nang malalim. I'm such a crybaby... s**t. Tumigil kami sa tapat ng pamilyar na maliit na bahay. Nauna na akong pumasok at makitang nakahiga sa sahig si Di-A at nakataas ang paa. Pinaglalaruan niya ito habang pabalik-balik niyang sinisipa ang hangin. Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan siyang maglaro. Naramdaman ko ang presensya ni Lucas sa aking likod. Napatigil sa paglalaro si Di-A nang malakas na tumikhim si Lucas sa aking likod. Mabilis na umayos ng pagkakaupo si Di-A at humarap sa amin. "A-Alpha," saad niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway. Umiwas siya ng tingin sa akin at tumayo para maglakad papalapit kay Lucas. Hinila niya ito sa pulso kaya lumuhod si Lucas para sila'y magkapantay. "M-May multo kang kasama... hindi mo alam?" rinig kong saad nito dahilan para kumunot ang aking noo. M-Multo?! Ako ba 'yong multong tinutukoy niya?! Nanlaki ang aking mata at tinuro si Lucas na seryoso ang tingin sa akin habang binubulungan siya ni Di-A. Mayroon silang pinag-uusapan na hindi ko marinig. Ako ba 'yong pinag-uusapan nila? Sabay silang tumango at tumingin sa 'kin. Tumayo nang maayos si Lucas habang humarap naman sa 'kin si Di-A. "Ano ang totoo mong pangalan?" masungit niyang tanong sa 'kin. Ang maliit niyang braso ay nakapameywang habang nakatingin sa 'kin nang masama. "Angelin—" "Sinungaling," pagpuputol niya sa aking sasabihin. Nagkasalubong ang aking kilay nang sabihin niya iyon. What... Lumapit siya sa maliit na aparador sa gilid at may kinuhang kung ano roon. Lumapit ako sa kaniya at sinilip ang kaniyang hawak. Itinapat niya ito sa 'kin at ipinakita dahilan para magsitaasan ang balahibo sa aking katawan. "Ngayon... ipaliwanag mo sa 'kin kung bakit kamukhang-kamukha mo ang babaeng namatay na nakapunta rito noon gamit ang mahiwagang pinto."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD