Chapter 17

1679 Words
The world stopped breathing for a year. Yes... A f*****g year had passed. Time flew so damn fast. Everything changed. I changed... I learned on how to live here, hiding my real identity. They knew me as a witch. With a help of Lucas and Luna—they're the ones who helped me get through with all that s**t last year. I live in a small hut near their village. Well, wala naman na akong choice kundi magstay dito dahil wala namang makakatulong sa akin para makapunta sa totoo kong mundo... Agad akong napatigil sa pagmuni-muni at bumuntong-hininga. Umayos ako ng tayo sa aking pagkakaupo sa malaking kahoy at nagsimulang bumalik sa loob ng aking bahay. Pabagsak akong humiga sa kama at blankong tumitig sa kawalan. I've never heard anything about him for a year... Maybe he's happy and contented with that old hag, Caroline. My 'great grandmother'. Napairap nalang ako sa hangin at umupo sa aking kama. Nag-inat inat muna ako bago tumayo. Ngunit agad ring napatigil nang may kumatok sa aking pinto. Napangisi ako at binuksan ang aking pinto. Agad na sumalubong sa akin ang malaking ngiti ni Lucas. "Sup," salubong niya. Dere-deretso siyang pumasok sa aking bahay at pabagsak na umupo sa aking kama. Hindi ko mapigilang mapangiwi nang malakas na umuga iyon. Pilit naman siyang ngumiti nang makita ang aking reaksyon. "Sorry," ngisi niya na sinagot ko ng irap lamang. Kumuha ako ng isang upuan at umupo roon. Tumaas ang gilid ng aking labi habang nakatingin kay Lucas. He looks so peaceful and happy. "So, how's life?" I mumbled. His face lit up upon answering. "Still alive but better." I pouted. "I'm happy for you, I just hope I can feel the same too..." His expression changed. He looked at me with a serious face plastered on his face. "Angel..." I looked away when I saw a mixed expression going on in his eyes. I tried my best to hide the black circles under my eyes. But he still noticed it... I nibbled my bottom lip to prevent myself from crying. My chest tightened again. He still looks at me with the same expression whenever he's visiting me. It's those pity, sadness, and anger. Pity, because I can't still move on? And he's sad for me because he can still see the old me... the old Angel who always cry every night because of one damn reason. I scoffed. How can be one person cause this so much pain? "I'm still furious, Angel..." Napataas ang aking paningin sa kaniya. Nakakunot ang noo. He sighed. "I'm your friend yet I can't do anything to make you better," he bitterly murmured. I can't help but to smile. "It's okay... wala 'yon. Tsaka, ang dami mo nang naitulong sa akin. I'm thankful to have you." Napakamot siya ng ulo. "By the way, there's a grand celebration on the other village near ours, later. We're invited and free to go. Pumunta ka, okay? You should go outside more often," aniya at umayos ng pagkakatayo. Napalabi naman ako sa kaniyang turan. "Yes, sir." Pabiro akong sumaludo sa kaniya nang magsimula siyang maglakad palabas sa aking bahay. "See you, later," huli niyang saad. Nang tuluyan na niyang maisara ang pinto ay agad na nawala ang ngiti na nakaplaster sa aking labi. Bumagsak ang aking balikat at pabagsak na umupo sa aking upuan. Blanko akong napatitig sa pader. A long yet tired sigh came out from my lips. I wanted to burst into tears, I want to see him, I want to tell him how much I missed him, I wanted to... but all I could do is to stare blankly at nothing. Damn. All I wanted was to be wanted. Is that too much to ask? Hours passed, I fell into a deep sleep while my mind was in a lot of chaos. — "I'm so bored, Luna. Nasaan ba 'yang magaling mong asawa?" walang gana kong saad kay Luna habang nakapalumbaba sa mahabang mesa. We're here in the other town that Lucas was talking about. There's a wide plaza here, dito sila naghanda ng mga pagkain. Malawak ito at punong-puno ng mga makukulay na bulaklak sa paligid. "Ewan ko..." mahinhing sagot ni Luna at nagkibit balikat. Napabuga na lamang ako sa hangin at umub-ob sa lamesa. A huge crowd is here today. Hindi ako makauwi. Mahirap na baka maligaw pa ako pabalik ng bayan. Napataas ang aking paningin nang magsimulang magsigawan ang mga tao rito. Bumakas sa aking mukha ang pagkabahala nang makita ang mga pamilyar na guwardiya. That's their familiar black capes. That's the royalty's guards! Agad kong hinila si Luna paalis sa lugar na iyon. "s**t," mura ko habang tumatakbo. What's their real intention here now?! Fuck! Tumigil muna ako sa pagtakbo sa isang sulok at napatukod sa aking tuhod. Habol-habol ang aking paghinga. Ramdam ko ang mahinang pagtapik sa akin ni Luna, dahilan para mapabaling ang aking paningin sa kaniya. "A-Angeline..." Napaayos ako ng tayo nang makitang napapagiliran kami ng tatlong malalaking guwardiya. Mariin akong napakagat sa ibaba ng aking labi at mahigpit na napahawak sa braso ni Luna. "Luna," bulong ko sa kaniya. Ramdam ko ang pagbaling ng tingin niya sa akin. Bakas sa mukha ang takot at kaba. Maliit akong ngumiti sa kaniya. "Takbo!" Mabilis ko siyang itinulak papalayo at kumaripas ng takbo. Ilang metro ang layo niya sa akin at ramdam ko ang mabibilis na paghakbang ng tatlong bampira sa aking likod. Tumutulo ang masaganang pawis sa aking noo. Lumiko ako sa isang maliit na eskinita ngunit agad ring napatigil nang makitang mataas na pader nalang iyon. Dahan-dahan akong napalingon sa aking likod at sumalubong sa akin ang tatlong guwardiya. Malakas akong napahinga nang malalim dahil hindi nila hinabol si Luna. Itinaas ko ang aking kamay. "I surrender," nakangisi kong saad. Agad naman akong idiniin ng dalawa sa pader at itinulak ako pabalik sa plaza. Mariin akong napapikit at huminga nang malalim. Deja f*****g vu... Ramdam ko ang malakas na paghampas ng kung sino sa aking leeg dahilan para mawalan ako ng malay. — Dahan-dahan akong naalimpungatan nang makaramdam ako ng mahinang pagtapik sa aking pisngi. "Hey..." Sumalubong sa akin ang isang babae. Her black long hair is the first thing I noticed. Next to her small yet cute nose, pouty yet pinkish lips, she has this chubby cheeks but she's still beautiful. "Good thing gising ka na..." malumanay niyang saad. Napalunok ako. Inilibot ko ang aking paningin sa piligid. This room didn't even change... damn. "Do you know why we're here?" tanong pa sa akin ng babae. Napatingin ako sa kaniya at nagkibit balikat. Napanguso naman siya sa aking turan. Ngunit maya-maya ay nagsalitang muli. "I'm Malforia, Mal for short." Dahan-dahan akong napatango sa kaniya. "Angeline..." sagot ko. Bumakas sa kaniyang mukha ang pagkatuwa. "Wow... you can talk," nakangiti niyang saad, dahilan para mapalabi ako. Agad akong nagseryoso nang bumukas ang pinto. Ngunit labis ang aking pagkagulat nang sumalubong sa akin ang isang pamilyar na babae. Bumilis ang aking paghinga dahil sa pagsibol ng galit sa aking dibdib. "Caroline..." salubong ko nang tumigil siya sa aking harapan. Isang malademonyong ngisi ang gumuhit sa kaniyang labi. I breathed heavily as I looked away. Fuck, it's like I'm staring at my own reflection in a mirror... "My dear Angeline..." nakangisi niyang saad. "Why the f**k am I here?" naiinis kong wika. Itinaas ko ang aking paningin sa kaniya at masama siyang tinitigan. Ang kanina'y natutuwa niyang mukha ay naging seryoso. Ramdam ko ang maitim na aura sa kaniya. Nakipaglabanan ako ng titigan sa kaniya. Ngunit agad na pumaling pakaliwa ang aking mukha nang sampalin niya ako nang malakas. Ramdam ko ang paghapdi ng aking pisngi dahil sa pagdaplis ng kaniyang mahabang kuko sa akin. Agad akong humarap muli sa kaniya at masama siyang tinitigan. She should be thankful because both of my arms were tied... "How dare you glare at me, Angeline," kunwaring nasasaktang niyang saad. May pahawak pa ito sa dibdib animo'y malaking kasalanan iyon sa kaniya. Napaawang ang ibaba ng aking labi dahil doon. "b***h," bulong ko na kaniyang narinig. Masama niya akong tiningnan at ngumisi. "Tobias will be mad if you use that word to call me..." Ramdam ko ang paglakas ng t***k ng aking puso nang marinig ko ang pangalan na iyon. It's been years since I heard his name... My chest tightened. I looked away while gritting my teeth. "I don't f*****g care, Caroline. Let me live peacefully..." I murmured. Napahalakhak siya sa aking turan at hinawakan ang aking baba para iharap sa kaniya. "We made love last night..." nakangisi niyang bulong sa akin. Dahil sa narinig ay ramdam ko ang panginginig ng aking labi. Nag-init ang magkabilang sulok ng aking mata. I tried escaping but the ropes were too tight. Kahit anong pagwawala ko ay wala nangyayari. Nasugatan ko lamang ang aking sariling pulso. "Tangina!" malutong kong mura at naiiyak na napayuko. Umalog ang aking balikat dahil sa isang hikbing kumawala sa aking labi. Fuck... Napatigil ako sa pag-iyak nang makaramdam ako ng pagtusok sa aking braso. Napaawang ang aking labi sa sakit nang makitang kumukuha ng dugo sa aking si Caroline gamit ang isang malaking syringe. "My Tobias is very thirsty, and the fact that my own blood can't satisfy him. You'll stay here after the full moon comes again. So, for now pahingi muna ha," nakangiti niyang saad at itinurok sa kaniyang sarili. Kumunot ang aking noo. "You're crazy..." iling-iling kong saad at nanghihinang napayuko. "Maybe I am. I'm crazy over my Tobias..." wika niya at naglakad papalayo. Nang makalabas siya sa silid ay nagsimulang tumulo ang aking traydor na luha. My Tobias... Isang impit na hikbi ang kumawala sa aking labi. Kinagat ko ang aking sariling labi dahil sa lakas ng aking iyak. "I don't know what's going on but that Caroline girl is a crazy bitch..." ani Mal. Itinaas ko ang aking paningin sa kaniya. I didn't know that she's still there... Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Ngunit hindi ito umabot sa kaniyang mga mata. "Angeline... I can help you escape."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD