Chapter 14

1722 Words
"Hindi ba ako magmumukhang tanga rito? Parang ang sikip nga e," naiilang kong saad habang inaayos ang aking suot na dress. "Hindi... bakit? Bagay nga sa 'yo e,"nakadapang saad ni Di-A sa kama. Napalabi naman ako at sumulyap sa aking repleksyon sa salamin. Nakalugay ang aking maikling buhok habang nakakulot ang dulo. Mayroon din akong light make up sa mukha para naman hindi ako magmukhang adik. Kaya pala nawala si Tobias ng isang linggo ay magkakaroon ng engradong party sa kabilang bayan. Tumulong sa pagpaplano si Tobias at binilhan ako ng damit na susuotin para doon. "Di-A, sigurado ka bang ayos ka lang dito?" paninigurado ko sa kaniya. Itinaas niya ang kaniyang paningin sa akin at tumango. "Oo... tsaka andiyan naman si Lara," rason niya at matamis na ngumiti. Kumunot ang aking noo. "Lara?" Magsasalita na siya nang sabay kaming mapatingin sa pinto nang may kumatok doon. Dahan-dahang bumukas ang pinto nang may pumihit ng sedura ng pintong 'yon. Pumasok ang isang batang pamilyar sa aking paningin. Nang mapadako ang paningin niya sa akin ay agad niya akong inirapan. Napaawang naman ang aking labi dahil sa katarayan nitong taglay. This kid. Nang bumaling ang paningin nito kay Di-A ay bumakas sa mukha nito ang kasiyahan. "Di-A, let's go play at my secret playhouse!" Napalingon naman ako kay Di-A na matamang nakatitig sa bata. Well, hindi ko na masisisi na may crush si Di-A sa batang 'yan. Kahit bata pa ay marunong nang mag-ayos ng sarili. Sinitsitan ko si Di-A dahil sa pagkatulala nito. "Bye, Di-A. Mag-ingat kayo," malakas kong saad at tinulak silang dalawa palabas ng aking kwarto. "Ouch! Don't touch me!" rinig ko pang saad ng batang babae pagkasara ko ng pinto. Napairap naman ako sa hangin habang pinapagpag ang aking palad sa hangin. Agad akong napatalon nang makarinig ako ng marahang pagkatok sa pinto. s**t! Natataranta akong napasulyap sa aking repleksyon sa malaking salamin nang biglang bumukas na ang pinto. My breathing hitched by just looking at Tobias who's wearing a tuxedo. Dang... He looks like a greek god. Nang magkasalubong ang aming paningin ay hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagbaba't taas ng kaniyang adams apple. Pinagmasdan niya ang aking kasuotan, mula paa hanggang sa aking ulo. Tumigil ang kaniyang paningin sa aking labi, ngunit agad na tumaas sa aking mga matang mariin din ang pagkakakatitig sa kaniya. "Beautiful..." he whispered. Sapat na para sa aking pandinig. Ramdam ko ang pagwawala ng mga paruparo sa aking tiyan. Napalunok ako at nag-iinit ang pisnging napaiwas ng tingin. "Ikaw rin," nahihiya kong saad. Wait... ikaw rin? Ikaw rin?! Mas lalo akong pinamulahan nang marinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa. Fuck. "I-I mean... you look handsome too," nakayuko kong saad. Agad akong napatigil nang hapitin niya ako sa bewang na may naglalarong ngisi sa kaniyang labi. "Don't look down, my Angel. I want to see your angelic face," masuyo niyang saad habang mariing nakatitig sa akin. Dahan-dahan naman akong napangiti roon at napanguso. "Ang corny m—" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang mabilis niyang hinagkan ang aking labi. Mabilis lang iyon ngunit ramdam na ramdam ko ang malambot niyang labi sa akin. Mahina kong siyang itinulak sa dibdib at pabirong hinampas. "Matatanggal 'yong make up ko, bawal muna ang kiss..." namumula kong saad. Agad na nagdilim ang kaniyang mukha nang marinig niya iyon. "Does that mean no kiss for a day?" mabigat ang paghinga niyang saad. Dahan-dahan naman akong napatango. Humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa aking bewang. "Tss... damn," bulong niya at umayos ng tayo. Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil ang aking palad. "Let's go," seryoso niyang saad at nagsimulang maglakad. Dahil hawak niya ang aking kamay ay hindi ko rin maiwasang maglakad. Mahina akong napahinga nang malalim habang sabay kaming naglalakad sa mahabang pasilyo. Tahimik lamang sa paglalakad si Tobis kaya hindi ko maiwasang mag-alala. "Tobias," tawag ko sa kaniya. Ngunit dere-deretso lamang siya sa paglalakad at hindi ako pinapansin. Nagsalubong ang aking kilay dahil doon at marahas na hinila ang aking kamay na kaniyang hawak. Agad naman siyang napatigil sa paglalakad at tumingin sa akin. "What?" masungit niyang saad. Inirapan ko na lamang siya at padabog na inunahan siyang maglakad. Bahala siya... parang kiss lang naman. 'Yon lang ang ikinagalit niya? Tss. "Angeline," rinig ko ang marahan niyang pagtawag sa akin. Tumigil naman ako at lumingon. Agad na nanlaki ang aking dalawang mata dahil sa aking paglingon ay nakasalubong ko ang kaniyang labi sa akin. Ilang segundo na nagtagal ang pagkakalapat ng aming labi nang makuntento siya at lumayo. "Let's go. I don't want to ruin this night, love," nakataas ang magkabilang sulok ng labi niyang saad at muling hinawakan ang aking palad. Hindi na ako nakaimik at agad na naglakad. Shit... naisahan niya ako roon. — Wow. Literal na napaawang ang aking labi pagkapasok na pagkapasok namin sa malaking palasyo. It feels like I'm in my real world... Modernong-moderno ang loob ng palasyo. Mayroong mga round tables sa gitna at puro makukulay na ilaw na nakasabit sa magkabilang sulok ng dingding. Marami ring mga nagkalat na bisita sa paligid kaya hindi ko maiwasang mapahawak nang mahigpit sa braso ni Tobias. He looked at me and squeezed my palm using his. "It's okay... they can't hurt you," seryosong bulong niya sa aking kaliwang tainga. Dahil doon ay agad akong nakahinga nang maluwag. Right... I don't need to worry. Nang makaupo sa isang upuan ay ibanaling ko ang aking paningin sa paligid. They're all busy minding their own business... so that's good. Umupo sa aking tabi si Tobias at hinawakang muli ang aking palad. Napangiti naman ako roon at tumingin sa kaniya. Agad niya akong sinuklian ng kindat nang makitang nakatingin ako sa kaniya. Napanguso na lamang ako at tahimik na nagmasid. "Tobias Marcus! It's nice to see you here!" Napataas ang aking paningin nang makarinig ako ng baritonong boses na papalapit sa amin. Agad na napatayo si Tobias kaya hindi ko maiwasang mapatayo rin. "Andrius," seryosong saad ni Tobias. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang lalaking nasa aming harapan. He's handsome on his black tuxedo too. Pero sa isang lalaki lang ako mas napopogian. Napatingin sa akin ang lalaking nagngangalang Andrius. "Who's this beautiful lady beside you? May I know your name, miss?" Balak nitong abutin ang aking kamay nang mabilis akong naitago ni Tobias sa kaniyang likuran. Napatigil naman ako nang makitang pumula ang mata ni Andrius. Kitang-kita ko rin ang pagtiim ng bagang ni Tobias habang mahigpit ang pagkakahawak sa aking braso. Napakagat ako sa ibabang aking labi dahil sa higpit ng kaniyang pagkakahawak. "I didn't do anything wrong to your girl, Tobias," nakangisi nitong saad habang nakatingin sa akin. Napayuko na lamang ako at huminga nang malalim. "Don't you f*****g dare touch her, Andrius," rinig kong saad ni Tobias. "T-Tobias..." bulong ko nang mapansing nakakaagaw kami ng pansin sa mga bisita. "Tsk. Okay... chill my brother. Hindi ko siya aagawin sa 'yo, I have my own girls here," sagot nito at nagkibit balikat. Mataman nitong pinagmasdan si Tobias at maya-maya'y ngumisi. "It looks like you haven't drink blood for a long time again. You're getting weaker. Why?" nakataas ang kilay nitong saad. Ramdam ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Tobias sa aking kamay. Napalunok ako at pumikit nang mariin. f**k! Why did I forget about that? He's a vampire and he needs to drink my blood! "It's not your goddamn business," malamig na sagot ni Tobias at naglakad papalayo. Agad akong napasunod sa kaniya dahil nakahawak pa rin siya sa aking kamay. "Tobias... bakit—" Napatigil ako nang hawakan niya ang aking magkabilang balikat at humarap sa akin. "That guy is dangerous... I'm sorry for acting that way," marahan niyang saad sa akin at hinalikan ako sa noo. Dahan-dahan akong napatango at alanganin na ngumiti. "No, what I'm saying is... why are not drinking my blood? Or suck my neck or whatever," nakakunot ang noo kong saad. Ramdam ko ang pagtigil niya at seryoso akong tiningnan. "I told you... I don't want to hurt you," mariin niyang saad. Balak kong ibuka pa ang aking labi nang mabilis niya akong halikan sa labi. Napaawang ang aking ibabang labi dahil sa gulat. "I don't want to talk about it, love..." aniya. Napalunok na lamang ako sa aking sariling laway at dahan-dahang napatango. Napagpasiyahan naming bumalik sa aming table nang makitang wala na roon 'yong lalaking may pangalan na Andrius. "Uhm... nasaan ang cr dito? Naiihi ako," bulong ko sa kaniya pagkabalik namin sa aming table. "There," turo niya sa isang pasilyo. Agad naman akong nagpaalam sa kaniya at nagpunta roon. Gusto niya pa ngang sumama sa akin kaso nakakahiya naman kung gano'n. Tsaka, ladies restroom 'yon. Nang matapos umihi ay agad pumunta ako sa harap ng sink at hinugasan ang aking kamay. Napatigil ako sa paghugas ng aking kamay nang mapatingin ako sa repleksyon ng salamin nang may pumasok na isang babae. She looks familiar... Hindi ko masyadong matingnan ang kaniyang mukha dahil nakayuko itong naglakad at nakatakip ang kalahati ng mukha ng isang tela. But I sense something strange about her... Pumunta ito sa aking gilid para maghugas din ng kamay. Napaiwas naman ako ng tingin nang sumulyap siya sa akin. Pinagpag ko ang aking kamay sa isang towel sa gilid habang pinapakiramdaman ang babae sa aking tabi. "I can't believe you're my great granddaughter," bulong nito na hindi ko naintindihan. Matiim ako nitong pinagmamasdan kaya hindi ko maiwasang mapataas ng kilay. "Excuse me?" naiilang kong saad. Maya-maya ay kitang-kita ko ang pagtalim ng tingin nito sa akin. "At ikaw pa talaga ang kapareha ng aking minamahal? I'm so disappointed," bakas sa boses nito ang labis na pagkainis. Hindi ko rin maiwasang mainis dahil sa pinagsasabi nito. "What the f**k are you sayi—" Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang malakas ako nitong itulak sa kanang balikat. Dahil sa gulat ay nawalan ako ng panimbang at dahil na rin sa aking takong na suot ay natapilok ako at naramdaman ko ang malakas na pagbagsak ng aking ulo sa malamig na sahig. Nanlalabo ang aking paningin nang lumuhod ang misteryosong babae habang nakatingin sa akin. "Patawad ngunit binabawi ko lang ang pag-aari ko," natutuwa nitong saad habang tinatanggal ang tela sa kaniyang mukha. Ngunit bago niya pa tuluyang matanggal ang tela sa kaniyang mukha ay agad akong nilamon ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD