Chapter 15

1338 Words
Nasaan ako? Inis kong tinanggal ang tela na tumatakip sa aking mukha. Nananakit ang aking ulo ngunit hindi ko iyon pinansin at dahan-dahang tumayo. Tsk! Where's that b***h? Saka ko lang napansin na iba ang aking suot. Nakabestida akong kulay kahel na umaabot sa taas ng aking tuhod. What the... where's Tobias? Napahawak ako sa aking ulo nang kumirot iyon. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Why am I in the middle of the forest again? I walked towards nowhere. Kung saan nalang ako dadalhin ng aking mga paa... Pabagal nang pabagal ang aking paglalakad dahil ako'y nanghihina. Damn! Ilang araw ba ako nawalan ng malay? Nanghihina akong napasandal sa isang malaking puno. Napatukod ako sa aking tuhod habang naghahabol ng hangin. Mariin kong ipinikit ang aking mata bago umayos ng tayo. Naglakad ako nang naglakad nang makakita ako ng bayan na ilang metro ang layo sa akin. Lakad takbo ang aking ginawa para lang makapunta roon. Nang bigla akong matapilok sa isang nakausling bato. Nagpagulong-gulong ako sa damuhan dahil doon. Agad akong napangiwi nang makaramdam ako ng hapdi sa aking siko at tuhod. Napatukod ako sa lupa gamit ang aking palad at sinubukang tumayo. Nangigilid ang aking luha dahil sa sakit at pagod na nararamdaman. Kinagat ko ang ibaba ng aking labi para pigilan ang aking sarili sa paghikbi. "S-Sino ka?" Napataas ang aking paningin nang makarinig ako ng isang tinig ng babae. Her innocent yet round eyes is the first thing I saw. My visions blurred as I parted my lips. "H-Help..." I whispered. Ramdam ko ang pagbalot ng isang mainit na bisig sa aking katawan bago ako tuluyang mawalan ng malay... "We need the alpha's permission, you i***t! Bakit mo dinala rito ang taong 'yan?" Dahan-dahan akong naalimpungatan nang makarinig ako ng bulungan sa aking gilid. Kinusot ko ang aking dalawang mata at agad na iminulat ito. Kumikirot ang iba't-ibang bahagi ng aking katawan ngunit ang iba ay halatang nalagyan na ng gamot. Ramdam ko ang maririing titig sa ibinibigay sa akin ng dalawang tao sa aking gilid. Dahan-dahan akong pumihit paharap doon. "S-Sino kayo?" salubong ko sa kanilang dalawa. Magkasalubong ang kilay ng isang babae habang nakatingin sa akin, habang ang lalaki naman ay mariin akong pinagmamasdan. His intense green eyes is the first thing I noticed. Next to his pointed nose, sharp yet hairy jawline, and small lips. Hindi ko mapigilang mailang at umiwas ng tingin. Napalunok ako habang napahawak sa aking ulo. Mayroong nakabalot na tela roon. Pati na rin sa aking siko at tuhod ay may gamot na rin. Nahihiya akong napatingin sa kanilang dalawa. "S-Salamat..." bulong ko. Ramdam ko ang pag-irap ng babae sa akin at humarap sa lalaki. "I'll call the alpha," mariin nitong saad sa lalaki at mabilis na lumabas ng kubo. Katahimikan ang namayani pagkaalis ng babae. Sinubukan kong lunukin ang laway na nagbabara sa aking lalamunan. "N-Nasaang bayan ako?" paos kong saad. He walked towards me and sat on the wooden chair beside me. "Nasa bayan ka ng Luisana," matiim niyang saad. Hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin. Dahan-dahan akong napatango at inilibot ang aking paningin sa paligid. Puro gawa sa kahoy ang mga gamit dito. Napakagat ako sa aking ibabang labi at ibinalik ang pagkakatingin sa lalaki. "Anong pangalan mo?" hindi ko mapigilang tanong. He gulped and blinked, "Rogue." I gave him a small yet confused smile. "Rouge... bakit kanina ka pa nakatitig sa akin?" He looked at me seriously. "Ano ang iyong pangalan?" Kumunot ang aking noo sa pagtataka ngunit sumagot, "Angeline..." His eyebrows furrowed, but then shook his head. Umayos siya ng pagkakaupo at mabilis na tumayo. "Diyan ka lang," mariin niyang saad at lumabas sa kubo. Sinubukan kong tumayo ngunit agad na nanghina ang aking tuhod. "Tangin—bwiset naman..." bulong ko. Napakagat ako nang mariin sa aking ibabang labi at umupo na lamang sa matigas na kama. Ilang beses akong napahinga nang malalim. Tobias... I bet he's going crazy looking for me. It's okay, love. I'm okay... Maliit akong napangiti habang napapikit. Hindi ko na namalayan na nakatulog ulit sa sobrang kapaguran. "Ang ganda niya..." Kumunot ang aking noo habang nakapikit nang makarinig ako ng mahinhing boses sa aking gilid. Agad kong iminulat ang aking dalawang mata at sumalubong sa akin ang isang pamilyar na babae. Inosente siyang umayos ng pagkakaupo sa aking gilid at ngumiti sa akin. "Kumusta?" aniya. Napakamot ako sa aking kaliwang kilay at ngumiti pabalik. "A-Ayos lang?" patanong kong saad. Napansin kong nasa kubo pa rin ako kaya siguradong buong araw akong nakatulog. s**t naman. Ba't parang humihina ang aking katawan? "Ako nga pala si Luna," pagpapakilala niya. Napadako ang aking paningin sa kaniya. "Luna?" tanong ko. Sunod-sunod siyang tumango sa akin. Hindi ko mapigilang titigan siya nang mabuti. Halata sa kaniyang kilos ang kainosentehan. Nakasuot siya ng puting bestida na umaabot sa kaniyang makinis na tuhod. Maputi at halatang malambot ang kaniyang balat. Hindi na kinakailangan lagyan ng pampapula ang kaniyang labi at pisngi dahil natural na ang pagkapula noon. Matangos ngunit maliit ang ilong. Bilugan ang kaniyang mukha na bumabagay sa kaniyang mata. I can't help but to envy her... she's too innocent. Napadako ang aming paningin sa pinto nang bumukas iyon. Kumunot ang aking noo sa pagtataka nang makitang si Rogue ito. "Luna... dumating na ang alpha mula sa kabilang bayan," anito habang nakatingin kay Luna. Napanguso si Luna sa narinig at agad na tumakbo palabas. Napakagat ako sa ibaba ng aking labi nang maiwan lang kaming dalawa ni Rouge rito. It's his intense stares again... "Angeline... buong araw kang nakatulog dahil sa kapaguran. Panigurado'y walang laman ang iyong tiyan... kumain ka muna," seryoso niyang saad. Saka ko lang napansin na may dala-dala siyang tray ng pagkain. Nang makita ang mga pagkain ay hindi ko mapigilang mapahimas sa aking walang lamang tiyan. Sunod-sunod ang aking pagsubo sa mainit na sabaw. Habang sa kabila kong kamay ay isang tinapay. Napaubo ako nang masamid ako sa aking iniinom na sabaw. Ramdam ko ang pag-alo sa akin ni Rouge. "Salamat," bulong ko matapos kumain. Mataman niya akong pinagmasdan bago kinuha ang aking pinagkainan. "Angeline, paano ka napadpad sa tapat ng aming bayan?" nakakunot noo niyang saad. Agad akong natigilan sa kaniyang tanong at napaisip. "H-Hindi ko alam... nagising nalang ako sa gitna ng kagubatan at iba na ang aking damit..." paliwanag ko. "M-May babae! Oo, may babaeng tumulak sa akin kaya nauntog ako sa sahig. I can't remember her face since I suddenly passed out..." Napahawak ako sa aking ulo nang kumirot iyon. Ramdam ko ang pagtulo ng luha sa aking pisngi. Mabilis ko itong pinahid at umiwas ng tingin. "Maraming salamat sa pagkain, Rouge," nakayuko kong saad. Ramdam ko ang pagtango niya at naglakad papalapit sa pintoan. "Huwag ka munang lumabas dito. Kailangan mo pang magpahinga," aniya. Hindi na agad ako nakatutol nang mabilis siyang lumabas ng kubo. But... Tobias is looking for me. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papalapit sa bukas na bintana. Maraming tao sa paligid. Mayroon akong nakikitang mga malalaking aso. Base roon ay nasa kuta ako ng mga asong lobo. Napalunok ako. Shit... Lumapit ako sa pinto at binuksan ito. Hindi alintana na wala akong sapin sa paa. Tahimik akong naglakad palabas ng kubo. Paika-ika akong naglakad. Nililibot ang aking paningin sa paligid. Puro puno at nga maliliit na kubo ang nandito. Ngunit sapat na ito sa maliit na bayan... Napatigil ako sa paglalakad nang may makita akong pamilyar na tao, ilan ang metro ang layo sa akin. Nakaakbay siya kay Luna habang kinakausap si Rogue. Napaawang ang aking labi sa gulat. Agad akong tumakbo papalapit sa kanila. "Nagpapahinga siya sa aking—" "Lucas!" sigaw ko. Nanlalaking matang napatingin sa akin si Lucas. "A-Angel?" gulat niyang saad. Malaki akong ngumiti sa kaniya. "Bayan mo ito?" tanong ko. "Oh s**t—Angel?! What the... ikaw 'yong... paanong... sino 'yong...." utal-utal niyang saad. Kumunot ang aking noo sa pagtataka ngunit napangiti. Malakas siyang napaubo at tumingin sa akin. "We really need to talk, Angel. Right f*****g now," seryoso niyang saad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD