1

1400 Words
Buwan na ang lumipas matapos ng kaarawan ni Zarah, bumalik si Jeremy sa University of Valle para ituloy ang pag-aaral nya. Dahil sa advance credits nya ay nasa ikatlong taon na sya ngayon, isang semester na nauna kay Zarah. Patuloy pa rin syang nagsanay at nagsilbi sa REU. Isang putok ang muntik nang tumama kay Jeremy kaya nag-angat sya ng field nya. "Friendlies!" ani Jeremy sa radyo. "Sorry Sir!" anang isang Tango na kasama nila sa operations. "Korse! Mag-ingat kayo, People!" ani Rico na sumigaw sa radyo. "Check tracker signals!" ani Echo sa radyo. "Subjects is moving to far right!" ani Lira. "Nalagpasan nya ako!" anang isa pang Zulu. "Malapit sila sa amin. Ako ng bahala! Misha!" ani Jeremy na naka-monitor sa salamin nya ng galaw ng mga kalaban. Lumabas si Misha. "Master Jeremy kailangan mo ng tulong?" tanong ni Misha. "Ok lang sa'yo? Five against two?" tanong ni Jeremy na tinawag ang Dragon Dagger. "Isang karangalan na makasama kayong lumaban, Kamahalan," ani Misha na pasimpleng ngumiti. "Echo paki-round-up the Tango. Hintayin nyo kami sa twenty ni Cowboy," ani Rico. "10-4 Sir Rico," ani Echo. "Tulungan natin si Sir Cowboy," anang isang Zulu. Pagdating sa location ng grupo ay natagpuan nilang nakatali na ang mga terorista lahat ay walang malay. Nagulat ang mga Tango sa nakita nila. "Sinong gumawa nito?" tanong ng isa sa mga Zulu. Nilapitan lang ni Rico sina Jeremy, Lira at Echo na nag-uusap. "Ayos ka lang Cowboy?" tanong ni Rico. "Yes Sir!" ani Jeremy na ngumiti. "Sir may friendly na muntik nang tumama kay Cowboy," ani Echo na galit. "Kalma lang, Echo. Hindi naman ako nasaktan." ani Jeremy. "Ako na bahala doon. Anyways salamat sa tulong nyo. Kung hindi dahil sa inyo hindi mahuhuli ang tropang ito. Matagal na namin silang binabantayan kaso hindi kaya ng tropa na mahuli sila dahil sa extra abilities ng mga ito," ani Rico. "Na-neutralize na po namin ang kapangyarihan nila kaya maaari nyo na po syang ibalik sa HQ," ani Jeremy na pinakita ang power booster na inabot kay Rico. "Salamat muli. Kami na ang bahala. Magpahinga na kayo," ani Rico. "Wala pong problema, Sir. We are glad to help," ani Lira. Naglaho ang tatlo at nagbalik sa Delta Office sa Sentro. Habang nasa locker room at nag-aayos na ng gamit ay nagkwentuhan sila. "Muntik na nila tayong tamaan kanina," ani Echo. "Si Sir Rico na ang bahala sa kanila. Malamang sa malamang sabunin nya ang mga iyon sa nangyari. Hindi nya palalampasin iyon lalo na at dati syang sniper," ani Lira. Alas-sais na ng umaga ng makabalik si Jeremy sa Ark kaya naligo lang sya, nagpahinga ng kaunti at nagbihis na papasok sa eskwela. Hinintay nya si Zarah sa gate ng University kung saan sya usual na naghihintay. Pagbaba ni Zarah ay kaagad naman nya itong bumati. "Gia Moria!" ani Jeremy. "Kamusta ang lakad mo?" tanong ni Zarah. "Naayos na," ani Jeremy na kinuha ang hawak na libro ni Zarah. "Anong oras ka na nakabalik? Mukhang hindi ka pa nakakatulog," tanong ni Zarah. "Kanina lang. Medyo nagkaaberya kasi," ani Jeremy. Hinatid ni Jeremy sa classroom si Zarah kasunod ang warning bell ng klase nito. "Kita na lang tayo sa library pagkatapos ng klase mo," ani Jeremy. "Ok," ani Zarah. Isang beep ang narinig ni Jeremy mula sa relo nya. Katabi nya noon si Zarah na nagsusulat sa notebook nya. "Za, kailangan ko na munang umalis," ani Jeremy. Tumango lang si Zarah. "Mag-ingat ka," ani Zarah. Tumayo sya mula sa kinauupuan nya sa library at dinampot ang gamit nya at nilagay sa bag nya. Nagmamadali syang lumabas ng library kasalubong si Cienna. Naupo si Cienna sa harap ni Zarah. "Bakit po nagmamadali ata si Jeremy?" tanong ni Cienna kay Zarah. "May tawag sila," ani Zarah na niligpit ang gamit nya. "Kaya pala biglang nagpaalam din si Kuya Jude," ani Cienna. "Tayo na. Mahuhuli na ako," ani Zarah. Lumitaw si Jeric sa REU HQ reception area. Kaagad naman syang binati ni Maya. "Magandang araw, Cowboy," ani Maya. "Gia Moria! May mensahe po ako?" tanong ni Jeremy. "Yup kadarating lang. Pinatatawag ka sa UG6 ni Sir Elvin," ani Maya na inabot ang dalawang maliit na sobre. "Cien po," ani Jeremy na dumiretso sa elevator. Pagdating sa UG6 ay dumaan sya sa security check bago pinapasok sa palapag. Nagtungo kaagad sya sa conference room. Nagulat sya na naroon sina Nathan at Tony kaya nagbigay-galang sya. "Mabuti at dumating ka na. Maupo ka na," ani Nathan. Naroon na rin si Jude at ang mga miyembro ng Phoenix Unit. Naupo sya sa tabi ni Echo. Tumayo naman si Nathan at nagsimulang magsalita. "Guys, tatlong araw ang pinadala sa isang covert operations ang grupo ng Silver sa pamumuno ni Slapshock para mag-imbestiga sa isang kakaibang phenomena sa silangan ng Esmeralda sa hiling ng Esmeraldan government. Cowboy, pakipaliwanag sa lahat nang narito ang info." ani Nathan. "Dalawang linggo ang nakakaraan ng may lumabas na ulat mula sa Berdad tungkol sa mga kakaibang pangyayari. Nagsimula ang lahat ng mawala ang isang bata mula sa pamayanan ng lugar na iyon. Nasundan pa ito ng ilan pang pagkawala at pagkatapos noon ay may kakaibang negative aura na biglang lumabas sa lugar. Naramdaman ng Prinsipe ang mga nasabing pagbabago sa lugar na iyon kaya humingi sya ng tulong sa REU," ani Jeremy. "Nagpadala tayo ng mga tao para mag-imbestiga. Nawalan tayo nang contact sa kanila two hours ago after nila mag-check-in. The last time na nakausap namin sila ay dalawang oras ang nakakaraan. Ringo pakiparinig ang audio," ani Elvin. "This is Slapshock, come in Delta! We're pulling out! I repeat we're pulling out!" ani Slapshock na tila hinahabol. Narinig ang static na tunog mula sa background ang buong grupo. Sa una aakalain mong simpleng static lang pero napahawak sina Jeric at Jude sa kaliwang tainga nila bago naputol ang communication. "Nasubaybayan namin ang kanilang huling signal sa mga coordinate na ipapadala sa MWs nyo. Kailangan nating matagpuan ang Silver group at maiuwi sila. Nakipag-ugnayan na kami sa pamahalaan ng Esmeraldan tungkol rito at nangako sila ng pakikipagtulungan sa bagay na ito," ani Nathan. "Aalis ka na sana kapag nakakuha na tayo ng clearance mula kay Ministro Emir at kinauukulan ng Esmeralda. Ang iba pang mga impormasyon ay ipadadala sa inyong MWs." ani Elvin. "May katanungan pa ba?" tanong ni Nathan. Walang umimik sa mga naroon sa silid. "Sige, maari na kayong lumabas. Cowboy, Speed maiwan kayo," bilin ni Nathan. Unang lumabas ang ibang miyembro ng Phoenix group at naiwan sina Jeric at Jude. Nang makalabas lahat ay nilapitan ni Nathan sina Jeric at Jude. "Ayos lang kayong dalawa?" tanong ni Nathan. "Ayos lang po ako," ani Jude na binaba ang shield nya at huminga ng malalim. Hindi nakakibo si Jeremy na nakahawak sa noo nya. "Jeremy!" ani Jude. "Ayos lang po ako," tugon ni Jeremy. "Medyo masakit sa ulo ang tunog na iyon," komento ni Jude. "Jeremy, uminom ka muna," ani Nathan. Dinukot ni Jeremy ang medkit nya at kinuha ang lagayan nya ng gamot. Kumuha sya ng isang tableta at nilunok. "Ano pong maitutulong namin?" usisa ni Jeremy. "Kakailanganin namin ng tulong mula sa Sphinx dahil gamay nila ang terrain and your group para sa retrieval," ani Nathan. "Medyo mahihirapan po tayong maabot ang lugar na iyon. Base sa Sphinx ay may kakaiba daw sa lugar na iyon. Kakailanganin po nating dumaan sa Sapiro para mapaalwan ang pagpunta doon. Napuntahan na po namin ang lugar na iyon minsan bago nagkaroon ng mga kakaibang pangyayari sa lugar. May nararamdaman po kasi akong kakaiba ngayon sa lugar na iyon. Mabait po ang mga katutubong nakatira sa paligid ng lugar na iyon pero nangangamba po akong nanganganib sila,." lahad ni Jeremy. "Iyon din ang pinangangambahan ko," sang-ayon ni Nathan. "Tatawagan ko po si Kuya Jerico para mapabilis ang proseso ng mga pahintulot," ani Jeremy. "Salamat," ani Nathan. "Sigurado kang ayos ka lang?" tanong ni Jude kay Jeremy ng mapansin na namutla ito. Tumayo si Jeremy na biglang natumba. Nahawakan sya ni Jude. Kaagad syang dinala sa Infirmary at doon sya nagising. Nagisnan nya noon na nakabantay si Jude at Luis. "Sinasabi na nga ba. Hindi mo kakayanin," ani Jude. "Ano pong nangyari?" tanong ni Jeremy. "Nawalan ka ng malay dahil sa tunog na iyon," sagot ni Jude. Dahan-dahang umupo si Jeremy at huminga ng malalim. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Luis kay Jeremy. "Medyo maayos na po," tugon ni Jeric.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD