2

1005 Words
"Sora!" tawag ni Luis. Lumabas ang Healer Spirit. "Master Luis," ani Sora na kaagad sinuri ang nangyari kay Jeremy. "Anong nangyari sa akin?" tanong ni Jeremy kay Sora. "Bumagsak po ang power level mo ng critical levels kaya ka nawalan ng malay, Kamahalan," paliwanag ni Sora. "Paano nangyari iyon? Maayos naman ang pakiramdam ko kanina," tanong ni Jeremy na nagtaka. Binigyan ni Sora ng lunas ang nararamdamang panghihina ni Jeremy. "Dahil lang sa tunog na iyon - ang Hell's Shriek. Biglang bumabagsak ang power levels ng nakakarinig noon," wika ni Jude. "Nakasasama talaga sa kalusugan iyon, Kamahalan. Dinidis-orient nito ang utak at mahika kaya ang sobrang pagkakadarang dito ay maaaring magdulot ng kamatayan," paliwanag ni Sora. "Tapos na po, Master Luis," wika ni Sora matapos gamutin ang binata. "Salamat Sora. Magpahinga ka na," sabi ni Luis. "Karangalang paglingkuran kayo," ani Sora na yumuko bago naglaho. "Bakit hindi po kayo naapektuhan?" tanong ni Jeremy kay Jude. "Naramdaman ko rin ang epekto noon. Sumakit ng kaunti ang ulo ko pero hanggang doon lang dahil pinangalagaan kami ng kapangyarihan ng Guardians at Phoenix God. Si Fido ay elemento ng apoy at bahagi si Angel. Hindi gaanong naaapektuhan ang kapangyarihan ng Guardian ng kapangyarihan ng Hell's Shriek," wika ni Jude. "Natatandaan mo pa ang kwento tungkol kina Prinsesa Lucy at Reyna Esme?" tanong ni Luis kay Jeremy. Umiling si Jeremy. "Ang kwento ng Pandora's Box," dugtong ni Jude. "Kaaway ni Lucy si Esme at si Lucy ang gumawa ng Hell's Shriek. Isinumpa ni Lucy na lahat ng dugo ni Esme ang maaapektuhan ng kanyang tinig," paliwanag ni Luis. "Kaya mas malakas ang epekto nito sa inyo ni Kuya dahil direktang dugo kayo ni Esme," dugtong ni Jude. "Kaya nangangamba ako sa misyong ito ng banggitin ni Jude," nag-aalalang wika ni Luis. "Kailangan ko pong sumama. Hindi po sila makakapasok sa teritoryo nila kung hindi ako kasama," katwiran ni Jeremy. "Kaya naman namin iyon," salungat ni Jude. "Tama si Jeremy. Hindi kayo makakapasok kapag hindi ako o si Jeremy ang kasama," sang-ayon ni Luis. Napakunot ang noo ni Jude. "Ang mga katutubo sa lugar na iyon ay kumikilala lamang sa Dugo ni Esme. Nararamdaman nila iyon. Hindi nila kayo tatanggapin kung hindi isa sa amin ang kasama. Ang huling grupo na naligaw sa lugar na iyon ay muntik ng hindi nakabalik ng buhay," kwento ni Luis. "Kinailangan pang patunayan at sunduin ni Kuya ang mga taong iyon para makalabas. Dugo ni Esme lang ang kinikilala nila. Maliit na grupo lang ang maaaring pumasok para sa kaligtasan natin," dugtong ni Jeremy. "Sasabihin ko kay Papa 'yan," wika ni Jude. "Nangangamba ako dahil baka ang Hell's Gate na ang nagdudulot ng nasabing kababalaghan," wika ni Luis. "Magiging maingat po kami, Kuya," paniniyak ni Jeremy sa kapatid. "Ipapangako ko pong makakalabas kami ng ligtas," wika ni Jude. Bakas sa mukha ni Luis ang pag-aalala at pag-aalinlangan. "Huwag mo akong alalahanin, Kuya. Magtiwala ka," ani Jeremy na ngumiti. "Sinabi ng doktor na pwede ka nang umuwi kapag maayos na pakiramdam mo," banggit ni Jude. "Ano nga palang ginagawa mo dito, Kuya?" usisa ni Jeremy. "Nataon na may kailangan kaming asikasuhin dito sa LeValle kaya pumuslit ako na pumunta dito sa HQ. Nabanggit ni Sir Kiel na nasa Infirmary ka kaya pinuntahan kita dito," wika ni Luis. "Ayos na po ako," sabi ni Jeremy. "Ihahatid na kita sa paaralan. Patungo kami sa Ark District," ani Luis. Pagdating sa tarangkahan ng paaralan ay tumigil ang kotse. Kaagad bumaba si Jeremy. "Mag-ingat ka. Magkita tayo sa Esmeralda matapos ang ilang araw," wika ni Luis. "Mag-ingat din po kayo," ani Jeremy na isinara ang pinto ng kotse. Umalis ang sasakyan at bumalik si Jeremy sa loob ng campus. Pinuntahan nya ang tambayan nilang kubo ni Zarah kung saan naghintay ang dalaga. Dumating si Zarah kasabay ang ilan sa kaklase nya. "Nandito na pala ang sundo mo," tukso ni Cely na nakangiti. "Magandang tanghali, Cely!" bati ni Jeremy na nakangiti. "Hello, Jeremy. Sige na, aalis na ako," paalam ni Cely. "Hindi ka sasabay ngayon?" tanong ni Zarah kay Cely. "Hindi na. Baka langgamin lang ako sa inyong dalawa," sagot ni Cely pabiro. "Salamat sa pagsama mo kay Zarah," ani Jeremy. "Wala iyong anuman. Mauna na ako hinihintay na ako ni Nina sa canteen," wika ni Cely. Pagkaalis ni Cely ay kinuha ni Jeremy ang dalang libro at bag ni Zarah. "Wala ka nang klase, hindi ba?" tanong ni Zarah. Tumango si Jeremy. "Pero may make-up class ako sa Linguistics Lab," wika ni Jeremy na nakangiti. Naglakad sila patungo sa canteen. Umorder sila ng pagkain at kumain sa isang table sa ilalim ng puno. Naghikab si Jeremy kaya nagtakip sya ng bibig. "Keinisha," wika ni Jeremy. "Dapat nagpahinga ka na lang. Wala ka pa halos tulog," nag-aalalang sabi ni Zarah. "Ayos lang ako. Papasok pa kasi ako sa make-up class ko kay Sir Bart. Ihahatid pa kita sa OJT mo. Nakaidlip ako habang pabalik ako dito. Isinabay kasi ako ni Kuya," wika ni Jeremy. "Pwede namang ihatid ako nina Kuya Rocco at Kuya Mon. Baka mapaano ka pa. Medyo maputla ka na nga eh," ani Zarah. "Magtutulog na lang naman ako mamaya sa condo matapos ang klase ko. Gusto ko lang makatiyak na ligtas kang makakarating sa OJT mo," katwiran ni Jeric. "Bumabawi ah!" ani Zarah pabiro. "Kailangan eh. Napakarami ko nang utang sa'yo," depensa ni Jeremy. "Umamin ka na. Mawawala ka na naman? May kinalaman ba iyon sa tawag kanina?" tanong ni Zarah. Hindi kumibo si Jeremy. "Ric!" angal ni Zarah. "Oo," amin ni Jeremy na tumango. Tumingin lang ang dalaga sa kasintahan. "Kakailanganin kong mawala ng ilang araw. May mga kasamahan kaming nawawala at kailangan namin silang maiuwi dito sa Ark," wika ni Jeremy. "Pasensya na." ani Jeremy. "Basta mag-ingat ka ha." ani Zarah. "Oo naman. Babalik akong ligtas." ani Jeremy na muling humikab. "Ang mabuti pa ay umidlip ka muna. May thirty minute break pa naman bago ang klase mo." ani Zarah. "Cien." ani Jeremy na pinatong sa braso nya ang ulo nya at pumikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD