"Cien, Moria," ani Jeremy.
Isinaklob nya ang hood nya sa ulo nya, ipinatong sa braso nya ang ulo nya bago pumikit.
"Sigurado ka bang ayos ka lang?" mahinang usisa ni Zarah na nilabas ang music player nya at earphones.
"Basta narito ka sa tabi ko, maayos lang ako," halos pabulong na wika ni Jeremy.
Pinindot nya ang play bago nilagay sa isang tainga ni Jeremy ang isa sa earphones at isa sa kanya. Hinawakan naman ni Jeremy ang kamay ni Zarah.
"Ako muna ang magbabantay sa'yo," pabulong na wika ni Zarah kay Jeremy.
Hinagod ni Zarah ang ulo ng binata. Napansin ng dalaga na tulog na ito kaya inilabas nya sa bag nya ang tablet nya at bumalik sa pagbabasa ng e-book.
Samantala, nagsimulang managinip si Jeremy. Sa hindi nya maipaliwanag na dahilan ay pakiramdam nya ay hindi sya makakilos.
'Jeremiah! Jeremiah!' anang boses.
Unti-unti syang lumubog sa kinalalagyan nya at kinakain ng kadiliman. Sinubukan nyang manlaban pero bigo sya.
"Jeremy!" anang boses.
Nagising sya ng hawakan sya ni Zarah. Inangat nya ang ulo nya.
"Jeremy, ayos ka lang?" tanong ni Zarah na nabahala.
"Panaginip," bulong ni Jeremy sa sarili.
"Nananaginip ka. Ayos ka lang ba?" usisa ni Zarah na bakas sa mukha ang pag-aalala.
"Wala ito," wika ni Jeremy na kinuha sa gilid ng bag nya ang lagayan nya ng tubig nya.
Binigyan ni Zarah ng pagkakataong makarecover si Jeremy. Makaraan ang ilang saglit ay ipinasok nya ang tablet nya sa bag nya.
"Kamusta ka na?" tanong ni Zarah.
"Maayos na ang pakiramdam ko. Salamat," wika ni Jeremy na ngumiti.
"Tayo na para hindi tayo mahuli sa klase natin," yaya ni Zarah.
Sumilip si Jeremy sa relo nya. Tumango sya at inayos ang sarili. Tahimik na naglakad ang dalawa patungo sa gusali ni Zarah.
Halatang malalim ang iniisip ni Jeremy
"Sigurado ka bang ayos ka lang?" tanong ni Zarah.
Hindi narinig ni Jeremy ang tanong.
"Jeremy!" tawag muli ni Zarah.
"Pasensya na. Inaalala ko lang kung anong napanaginipan ko pero hindi ko matandaan," wika ni Jeremy.
"Marahil ay dahil sa sobrang pagod na iyan. Dapat kasi ay nagpapahinga ka rin," nag-aalalang wika ni Zarah.
"Kalma ka lang. Huwag mo akong alalahanin. Pagkatapos ng klase natin ay diretso ako sa apartment," sagot ni Jeremy.
"Alam kong marami tayong kailangang gawin pero hinay-hinay ka rin," pangaral ni Zarah.
"Dapat mo ring sundin ang payo mo. Baka naman atakehin ka sa ginagawa mo lalo lang akong hindi makakapagpahinga," wika ni
Jeremy.
Nakarating ang dalawa sa silid ni Zarah.
"Magpahinga ka na lang mamaya. Mag-iiwan na lang ako ng mensahe kapag tapos na ang mga klase ko," wika ni Zarah.
"Sige. Magkita tayo mamaya," paalam ni Jeremy.
Humalik si Jeremy sa noo ng kasintahan bago lumayo.
Nagulat si Zarah ng makita ang kasintahan na naghihintay sa kanya sa hindi kalayuan sa gusali nila.
"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ay magtutulog ka?" tanong ni Zarah.
"Natulog na ako kanina. Naisip ko na mamasyal tayo sa mall kung wala kang gagawin," wika ni Jeremy.
"Wala naman pero nariyan na si Mang Mon," sabi ni Zarah.
"Kinausap ko na sya. Gusto ko lang makasama pa ng kaunti pang oras bago ako lumabas," wika ni Jeremy.
"Sige. Wala namang problema. Magpapaalam lang ako at iiwan ko lang ang ibang gamit ko sa kanya," wika ni Zarah.
Habang namamasyal sila ay hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Zarah. Ramdam ng dalaga ang pagod ng binata.
"Jeremy," wika ni Zarah.
"Hmmm," taas ng kilay ni Jeremy na lumingon sa kasintahan.
"Mabuti pa siguro ay sa apartment nyo na lang tayo tumambay para makatulog ka pa. Alam kong napakadami mong iniisip," wika ni
Zarah.
Umiling si Jeremy.
"Basta kasama kita ayos na ako. Anong gusto mong gawin?" tanong ni Jeremy.
"Maganda ang pelikula ngayon kaso maraming tao ang nanonood," wika ni Zarah.
"Panoorin natin. Gusto ko lang magrelax ng kaunti kasama ka. Medyo lumulugaw na utak ko sa pag-aaral," payag ni Jeremy.
"Sigurado ka?" gulat na wika ni Zarah.
Inakbayan ni Jeremy ang kasintahan.
Sa kalagitnaan ng pelikula ay nagpaalam si Jeremy.
"Magbabanyo lang ako," paalam nya.
Napalingon si Zarah sa kasintahan na tumayo. Namumutla ito kaya nag-alala sya. Nabasa naman ni Jeremy ang tingin na iyon ni
Zarah.
"Huwag mo akong alalahanin. Babalik kaagad ako," mahinang wika nito na tumayo.
Sa banyo ay nagkulong si Jeremy sa isang stall. Sumuka sya sa inidoro at pilit na pinakakalma ang sarili sa nasasakal na
pakiramdam.
Makaraan ang ilang saglit ay lumabas sya. Nagulat si Jeremy nang makita si Zarah sa gilid ng pintuan ng banyo ng lalaki.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Zarah sa kanya.
Kaagad kinuha ni Zarah ang kamay ng binata at hinatak palayo sa sinehan. Nagtungo sila sa labas ng mall at umupo sa bangko
malayo sa maraming tao.
"Umupo na muna tayo," utos ni Zarah.
Inabutan ni Zarah ng bote ng tubig si Jeremy na hindi nakakibo.
Tumukod si Jeremy sa dalawang tuhod nya at yumuko. Lumipas ang ilang minuto at lumuwag na ang pakiramdam ni Jeremy.
"Keinisha," wika ni Jeremy sa kasintahan.
"Sa susunod ay huwag mo nang ipilit," sermon ni Zarah.
"Akala ko ay kaya ko. Gusto ko lang mapasaya ka," depensa ni Jeremy na humagod sa batok.
"Jeremy, masaya na ako na kasama ka kaya huwag mo na munang pilitin ang sarili mong gawin ang mga ganoong bagay," pangaral
ni Zarah na niyakap ang kasintahan.
"Salamat," wika ni Jeremy.
Nang bumuti ang lagay ni Jeremy ay nagpasya ang dalawa na kumain sa isang restaurant bago umuwi.
Pagdating nya sa apartment nila ay dumiretso sya sa kwarto. Matapos maglinis ng katawan ay sinimulan nya ang mga outputs nya sa
mga aralin nya. Nag-iwan sya ng mensahe kay Zarah bago tuluyang isinubsob ang sarili sa mga gawain nya. Madaling-araw na ng mamalayan nya ang oras. Bahagya syang nag-inat bago tumayo sa kinauupuan nya. Dumiretso sya sa kama para matulog.
Nagising sya sa tunog ng alarm clock nya. Mabagal syang bumangon at nag-inat. Ihinanda nya ang gamit nya bago pumasok sa banyo.
Sa REU HQ ay muli nyang siniguro ang mga gamit nya sa bag nya bago sya umupo at pumikit. Hindi mawala sa isip nya ang kabang
naramdaman nya dahil sa napanaginipan nya.
"Cowboy, naghihintay na sila," tawag ni Echo.
Iminulat nya ang mga mata nya.
"Ok," sagot ni Jeremy.
Inilagay nya ang kanyang transceiver sa kaliwang tainga nya.
"Dispatch, accessing Comm lines. Username: Cowboy. Commence ID Scan," pakilala ni Jeremy na sinuot ang salamin nya.
"Scanning ID's," anang computer, "You are now online, Cowboy," matapos ang ilang saglit.
Dumating si Jeremy sa Transportation Terminal ng base. Naroon ang ilang kasapi ng Phoenix Squad na kasama nya at si Jude na
naghihintay sa kanya.
"Makikipagtagpo tayo sa Fighter at sa Sphinx sa REU Esme base para sa briefing bago tayo umalis," paalala ni Jude.
Tumango si Jeremy.
Dumating sila sa base at tinagpo ang mga kasama.
Nakaramdam ng bigat ng pakiramdam si Jeremy habang papalapit sa lugar ng Berdad. Napansin ito ni Jude.
"Ayos ka lang?" tanong ni Jude.
"Medyo mabigat na po ang negatibong enerhiya dito. May nararamdaman po akong mga kakaibang nilalang sa paligid kaya
kailangan na nating mag-ingat," ani Jeremy na lumagok ng tubig mula sa lagayan na inilabas nya mula sa gilid ng backpack nya.
Ilang oras na nilang binabagtas ang kasukalan ng kagubatan. Kasama ni Jeremy ang Fighter Group na grupo nya at si Ken mula sa Sphinx nagsisilbing guide nila. Naroon din sina Echo, Jude at Lira.
"Malapit na po tayo sa lugar na tinitukoy nyo, Kamahalan," wika ni Ken.
Tumango si Jeremy.
Lumingon sya sa paligid. Nakaramdam sya ng papalapit na panganib kaya lalong naging listo ang pandama nya.
"May sumusunod sa atin. Mag-ingat kayo," babala ni Jeremy sa radyo ng mga kasama.