Pahakbang na si Lira ng hatakin sya ni Jeremy paatras. Isang pana ang tumama sa lupa kung saan sana naroon ang dalaga. Biglang lumabas ang isang malaking pulutong ng mga katutubo na pumaligid sa kanila. Bumunot ng mga sandata ang grupo ni Jeremy.
"Sieme asu ganggamasi kesu (Naliligaw yata kayo)," anang pinuno ng mga mandirigma.
"Gia Morda (Magandang gabi)!" magalang na bati ni Jeremy.
Sumenyas si Jude sa mga kasama na ibaba ang mga sandata nila.
"Pero..." katwiran ni Echo.
Sumulyap si Jeremy sa kanya at tumango. Ibinaba ng grupo ang sandata nila.
"Anong kailangan ninyo sa lugar na ito?" tanong ng isang katutubo.
"Hinahanap lang namin ang aming mga nawawalang kasama," sagot ni Jude.
"Mga tampalasan kayo na pumasok sa aming nasasakupan!" galit na wika ng isang mandirigma.
"Maaari ko bang malaman kung sino ang aming kausap?" tanong ni Jude.
"Hindi maaari," pasikmat na sagot ng mandirigma.
"Nais kong makausap ang inyong pinuno!" mahinahong giit ni Jeremy.
"Hindi maaari! Hangal kayong mangahas pumasok sa lugar na ito! Lumayas na kayo kung mahal nyo ang buhay nyo!" banta ng
mandirigma.
"Sabihin nyong ang Prinsipe ng Esmeralda ang nais makipag-usap sa kanya," utos ni Jeremy na ihinagis sa harap nya ang isang metal na crest na dinukot nya sa bulsa nya.
Nagulat ang lalaki na hindi pa rin naniwala. Dinampot ng isa nitong kasama ang crest at sumenyas ang mandirigma na dalhin iyon sa pinuno.
Makaraan ang ilang minuto ay dumating ang pinuno ni grupo at hinarap sila.
"Anong kailangan nyo sa lugar na ito?" maingat na tanong nito.
"Nais naming makausap ang pinuno ng pamayanan," pakiusap ni Jude.
"Tampalasan! Hangal kayo para mangarap!" sigaw ng naunang mandirigma.
Akmang susugurin na sana nito si Jude nang pigilan ito ng pinuno ng isang senyas.
"Sino ang may-ari ng simbolong ito?" mahinahong tanong ng pinuno.
Humakbang paharap si Jeremy. Kaagad nagbago ang ekspresyon ng pinunong mandirigma ng makita si Jeremy.
"Ako si Meshina, ang pinuno ng pulutong na ito. Ano ang maipaglilingkod namin sa Dugo ng Dyosa?" tanong ni Meshina.
"Meshina, nais lamang naming hanapin ang mga kasama namin sa paligid. Wala kaming balak gambalain kayo," sagot ni Jeremy.
"Ang mga dayo ba ang tinutukoy nyo? Mga lalaking nakasuot ng pulang damit?" tanong ng isa sa mga kasama ni Meshina.
Lumingon si Jeremy kay Jude.
"Suot nila ang REU vest nila," kumpirma ni Jude kay Jeremy.
"Sila nga," kumpirma ni Jeremy.
"Nakita namin sila malapit sa kakaibang butas na lumabas sa bandang dulo ng kakahuyan. Nasa nayon sila at nagpapagaling pero may kakaibang nangyari sa kanila," banggit ni Meshina.
"Maaari po ba namin silang makita?" tanong ni Jeremy.
Saglit na natahimik ang dalawang grupo bago tumango si Meshina. Sumenyas si Meshina sa mga kasama na naglaho
"Sumunod kayo," ani Meshina.
Matapos ang halos dalawang oras na paglalakad ay nakarating sila sa nayon. Kaagad nagbigay-galang ang grupo ni Jeremy sa pinuno
ng nayon at pinaliwanag ang layon nila. Pinayagan naman sila ng pinuno na makita ang mga kasama. Nagulat sila ng makita nila ang mga ito na may balot ang mga sugat at tumutuloy sa isang kubo. Tulala itong nakaupo sa kama nya.
"Kilo! Mabuti at ligtas kayo," bati ni Jude.
Lumingon lang si Kilo sa kanya.
"Ano pong nangyari?" tanong ni Jeremy kay Kilo.
"Hindi ko matandaan," sagot ni Kilo.
"Si Slapshock po?" tanong ni Jeremy.
"Hindi ko matandaan," wika ni Kilo na natulala.
"Ganyang kalagayan na po ng matagpuan namin sila. Wala na po silang maalala ng matagpuan namin," wika ni Meshina.
Kaagad nilapitan nina Lira at Echo ang iba pang mga miyembro ng Silver group at sinuri.
"Kailangan po natin silang maibalik. Nabigyan na po ng pangunang lunas ang mga sugat nila pero kailangan na po silang madala sa ospital," ulat ni Lira.
Kinausap ni Jeremy sa Meralan ang pinuno na pumayag naman na dalhin ang mga kasama.
"Lira, Echo, Ken ibalik nyo sa Levin ang Silver. Hahanapin namin si Slapshock," wika ni Jude.
"Mapanganib ang balak nyo. Nakakasindak ang mga kapangyarihan sa paligid," ani Meshina.
"Wala po kaming iiwan," giit ni Jeremy kay Meshina.
"Mag-ingat po kayo," wika ni Ken.
"Bumalik na kayo, Fighter," utos ni Jeremy.
"Pero..." angal ni Rey.
"Hindi namin kayo kayang pangalagaan lahat sa negatibong enerhiyang iyon. Masyadong mapanganib ang enerhiya sa lahat," paliwanag ni Jude.
"Tama si Sir Helix. Magiging pabigat lang tayo kung marami tayong pangangalagaan nila," sang-ayon ni Obet.
Tumango lang sina Rey at iba pang miyembro ng grupo.
"Kailangang ipaalam kina Sir Tonton at Renegade ang sitwasyon dito," wika ni Jeremy.
"Kami na ang bahala. Mag-ingat kayo," ani Obet.
Naglaho ang grupo kasama ang mga miyembro ng Silver group.
"Masyado ng malalim ang gabi at mapanganib ang lugar na ito sa ganitong oras. Magpalipas na muna kayo ng dilim dito at sa
pagputok ng araw na kayo lumakad," mungkahi ng pinuno.
"Pero..." magsasalita pa sana si Jeremy ng sumabat si Jude.
"Tama si Meshina. Maraming salamat sa kabutihang loob," ani Jude.
Kinabukasan, Pakagat pa lamang ng liwanag ay naghanda na ang dalawang umalis.
"Samahan ko na po kayong hanapin ang kasama nyo. Mapanganib po ang bahaging iyon ng gubat. Magpahinga muna kayo at maghahanda po kami bago umalis," wika ni Meshina.
"Cien," ani Jude.
Matapos ang ilang sandali ay umalis din sina Jeremy, Jude, Meshina at ilang kalalakihan na sinamahan sila. Hinanap nila sa paligid si Slapshock sa paligid pero hindi nila ito natagpuan. Nakaramdam ng panganib si Jude kaya huminto sya.
"Saglit lang," pigil ni Jude sa grupo.
"May problema po ba?" tanong ni Meshina.
"Hindi nyo ba nararamdaman?" tanong ni Jude na lumingon sa paligid.
"Ang alin po?" tanong ni Meshina na nagtataka.
"Mabuti pa ay magpahinga na muna tayo," wika ni Jeremy na lumingon sa paligid.
Nakaramdam si Jeremy na para syang lumulutang kaya nabuwal sya. Biglang lumabas si Akira na kaagad hinawakan si Jeremy.
"Master!" wika ni Akira na iniupo si Jeremy.
Huminga ng malalim si Jeremy at pinalawak ang kanyang defense field kahit parang pinupukpok ang ulo nya. Inabutan sya ni Jude ng tubig na iniinom kaagad nya.
"Malapit na po tayo sa butas," wika ni Meshina matapos makausap ang scout nila.
"Kailangan po nating makita si Slapshock. Nararamdaman kong malapit lang sya dito," sabi ni Jeremy na dahan-dahang kumilos.
"May kweba po sa bandang iyon. Ayon po sa scout natin may posibilidad na may tao sa loob," balita ni Meshina.
"Puntahan na po natin," ani Jeremy na tumayo.
"Sigurado ka, Master Jeremy?" tanong ni Akira.
Tumango si Jeremy.
"Pahintulutan nyo po akong sumama sa inyo. Masyado na pong malakas ang negative energy na kahit si Master Keith ay nararamdaman na ang epekto habang lumalapit pa tayo," mungkahi ni Akira.
"Sige," ani Jeremy.
Nakalapit sila sa kweba pero naramdaman na naman ni Jeremy ang pakiramdam ng Pandora sa katawan nya kaya napatigil sya. Una na noong pumasok sa kweba si Meshina kasunod si Jude.
"Maayos ka lang ba Master?" tanong ni Akira sa isip ni Jeremy.
"Ano itong nararamdaman ko? Nararamdaman ko ang Pandora," wika ni Jeremy sa sarili na humawak sa dibdib nya.
Napalingon sa likod si Akira.
"Master may panganib na palapit!" babala ni Akira na naghanda.
Binitawan ni Jeremy ang dibdib. Kaagad silang nilusob ng ilang halimaw. Automatic namang lumabas sa kaliwang kamay ni Jeremy ang Dragon Dagger na sinangga ang sunggab ng isa sa mga halimaw. Napaatras si Jeremy sa bilis ng kalaban nya.
Sinugod muli silang dalawa ng mga halimaw. Umilag si Jeremy pero inabot sya ng kuko sa braso kaya nasugatan.
"Ano ang mga iyan?" tanong ni Jeremy na napahawak sa dibdib muli nya.
"Mga halimaw ng Hades. Tawagin nyo si Sasha at Aereia!" nabahalang wika ni Akira.
"Aereia, Sasha!" tawag ni Jeremy.
Kaagad naman lumabas ang dalawa sa harapan ni Jeremy.
"Hindi namin mapapalampas ang p*******t mo sa Master namin," galit na wika ni Sasha na inilabas ang kanyang sandatang kalawit.
"Ipahiram mo sa akin ang bilis mo, Aereia," utos ni Jeremy.
"Masusunod, Master," tugon ni Aereia na binasbasan si Jeremy.
Muli syang inatake ng dalawang halimaw na kaagad nyang nadepensahan. Hinabol nya ang isa at sinaksak ng punyal. Inabutan nya naman ito at napaslang. Sinangga nya ang sunod na atake ng isa pa bago sya bumagsak sa lupa. Katatapos lang ng huling ulos ni Sasha sa kanyang kaharap at ni Aereia sa kanyang kalaban ng muli syang inatake ng kaharap nyang halimaw ngunit hindi na ito nakalapit dahil pinugutan na ito ni Akira ng ulo. Isang malakas na pintig sa puso ang naramdaman ni Jeremy na halos hindi sya makahinga. Nabuwal si Jeremy na sinalo ni Akira.
Naglaho sina Sasha at Aereia.
"Ayos lang ako. May mga parating pa!" wika ni Jeremy na pilit tumayo.