5

1508 Words
Makaraan ang ilang saglit ay lumabas ang dalawa akbay si Slapshock. Wala itong malay. "Kailangan na po nating umalis, Master Jude! Hindi na po kakayanin ng Prinsipe!" nababahalang wika ni Akira na pinatay ang nakalapit na kalaban sa kanila. "Sige!" sang-ayon ni Jude. "Rem, tayo na!" tawag ni Jude. "Aereia! Ibalik mo kami sa base!" utos ni Jeremy. Naglaho ang grupo at lumitaw sa REU HQ sa transport terminal. Namimilipit sa sakit ng ulo si Jeremy na noo'y hawak na ni Jude. Habol na rin ng hinga si Jude. "Tumawag kayo ng tulong!" sigaw ng isa sa portal operator. Kaagad inilipat ng ospital ang dalawa at nang matiyak na ligtas na ay kaagad namang hinarap ni Jude si Meshina. "Pasensya na at ngayon lang kita naharap," wika ni Jude. "Kamusta po kayo?" tanong ni Meshima. "Maayos na ang pakiramdam ko. Maraming salamat sa tulong mo," sagot ni Jude. "Karangalan pong matulungan kayo. Kamusta po ang Prinsipe?" tanong ni Meshina. "Nagpapahinga na sya. Inilipat na sya sa kwarto nya para maobserbahan. Ipapahatid na kita sa Guardian ko pabalik ng inyong pamayanan. Maraming salamat muli," ani Jude. "Angel!" tawag ni Jude. Lumabas si Angel. "Pakihatid si Meshina sa Berdad. Tiyakin na makakarating sya ng ligtas sa pamayanan nila," wika ni Jude. "Masusunod po!" ani Angel na hinawakan si Meshira bago sila naglaho. Pakiramdam ni Jeremy na tila sinusunog sya mula sa loob. May nakita syang isang babaeng sumisigaw habang unti-unting itong tinutupok ng apoy. Nagmamakaawa ang babae habang unti-unting lumulubog sa isang butas na nasa loob ng isang sisidlang kahon. Nakita nya si Esme na hawak ang isang sisidlan na malungkot na pinapanood ang babaeng maglaho. Napabalikwas si Jeremy sa pagkakahiga nya. Pawis na pawis ito at hinihingal. "Bangungot!" anya sa sarili na hinagod ng kamay ang mukha. Bumalik sya sa pagkakahiga at huminga ng malalim. Pumikit sya para pakalmahin ang sarilin. Tumutunog ang mga monitor nya kaya pumasok ang mga nurse at Healer para suriin sya. Nang matiyak ang kalagayan nya ay iniwan muli sya para magpahinga. Pumasok si Jude sa kwarto may dalang isang paperbag ng sumunod na gabi. "Mabuti at gising ka na!" bati ni Jude na ngumiti. "Ano pong nangyari?" tanong ni Jeremy. "Inatake ka na naman. Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Jude. "Maayos na po. Ang Silver?" tanong ni Jeremy. "Maayos na sina Kilo, Roll at Mex. Magpapagaling lang sila nang sugat. Si Slapshock hindi pa nagkakamalay. Physically wala syang gaanong pinsala pero hindi pa rin malaman ang lala ng pinsala nya habang hindi pa nagkakamalay," sagot ni Jude. Umupo muli si Jeremy sa kama nya at tiningnan ang sugat sa braso nya. "Anong nangyari kahapon na wala kami?" tanong ni Jude kay Jeremy. "Kahapon po?" gulat na tanong ni Jeremy. "Oo. Halos isang buong araw ka na tulog," sagot ni Jude. "May isang tili akong narinig mula roon. Nakakapangilabot ang boses na iyon. May mga halimaw na biglang lumitaw mula sa butas na umatake sa amin. Naramdaman ko kanina ang kapangyarihan ng Pandora," salaysay ni Jeremy. "Mukhang tama ang hinala nila. Nagbukas na ulit ang Hell's Gate," wika ni Jude na seryoso. Saglit na natahimik ang dalawa. "Maaari na po ba akong lumabas?" tanong ni Jeremy na muling nakaramdam ng bigat sa balikat nya. "May mga pagsusuri ka pang kailangang gawin. Ayos ka lang ba?" tanong ni Jude. Hinagod ni Jeremy ang batok. "Medyo mabigat pa rin ang pakiramdam ko marahil po ay sa pagod," sagot ni Jeremy. "Hintayin mo lang ang clearance ni Doc para makauwi ka na," wika ni Jude. Pinayagan na si Jeremy na umuwi makaraan ang ilan pang oras matapos ang ilan pang pagsusuri. "Kung may mararamdaman kang kakaiba, huwag kang mag-aatubiling bumalik dito o magpasabi," bilin ni Rina matapos nya itong suriin. "Opo. Salamat po," ani Jeremy. Lumabas ang mga Healer sa kwarto at masayang nagtungo si Jeremy sa banyo para ayusin ang sarili nya. Inabutan sya ni Jude na nag-aayos ng bag nya na dadalhin pauwi. "Mabuti pa ay sa condo ka na lang magpalipas ng gabi. Sumabay ka na sa akin pabalik ng Ark bukas ng umaga," wika ni Jude na binuksan ang kotse nya. "Pasensya na Kuya pero pupunta po ako sa palasyo. Ipinatatawag po ako ni Tito Ethan. May ipadadala 'ata kay kuya sa Esme," banggit ni Jeremy. "Ihahatid na kita," sambit ni Jude. Habang naglalakbay. "Kuya pagamit ng Net mo," paalam ni Jeremy. "Sige," payag ni Jude na pinindot ang activation code ng internet ng compubox nya. Inilabas ni Jeremy ang tablet nya at kinabit sa screen ng kotse ni Jeremy. Nag-iwan kaagad sya ng mensahe sa email ni Zarah bago binuksan ang mga mensahe nya. Ilang saglit pa ay nagring ang cellphone ni Jeremy kaya sinagot nya ito. "Ok lang po ako. Sige na po, magpahinga ka lang. Gia morda. Sweet dreams," ani Jeremy bago binaba ang cellphone nya. "Checking in," pabirong wika ni Jude na napangiti. Ngumiti lang si Jeremy na humawak sa pagitan ng dalawang kilay nya. "Pahinga ka muna," wika ni Jude na sumilip sa kanya. "Ayos na po ako. Kailangan ko lang pong habulin ito," sagot ni Jeremy na nagsimulang magbasa ng email nya. "Ano ba iyan?" tanong ni Jude na lumingon sa pinsan. "Aralin po namin ng nakaraang araw. May pagsusulit po ako pagbalik ko sa subject na ito," sagot ni Jeremy. "Kaya pa?" tanong ni Jude. "Opo naman," ani Jeremy na ngumiti. "Ilang units pa?" tanong ni Jude. "Labingdalawa pa po. Depende po kung ike-credit nila ang OJT. Ikaw kuya?" usisa ni Jeremy. "Tatapusin ko na lang OJT ko. Medyo nahihirapan kasi sa schedule ko. Pero matatapos na rin. Limang araw na lang at maghihintay na lang ako ng martsa," balita ni Jude. "Matutuwa nyan sina Tito at Tita," wika ni Jeremy. Nakaramdam ng kirot sa ulo si Jeremy kaya napahawak sya sa noo nya. Napansin sya ni Jude. "Chillax ka muna. Umidlip ka muna," wika ni Jude. "Finals na po kaya tambak na po ang gawaing kailangan kong ipasa. Medyo naipon po kasi," ani Jeremy. "Ire-request ko kay Maya na alisin ka sa on-call. Mukhang activated ka na naman. Kailangan mo pang magpahinga," wika ni Jude. "Salamat po," ani Jeremy. Pagdating sa palasyo ay kaagad ding umalis si Jude pagkahatid kay Jeremy. Pinuntahan ni Jeremy si Ethan sa opisina nya. Nakaramdam ng kakaibang kilabot si Jeremy sa pagpasok nya sa silid. Naroon sa loob sina Ivan at Niño na napalingon sa direksyon nya pagpasok nya. "Gia morde po, mga Kamahalan," magalang na bati ni Jeremy. Sa hindi maipaliwanag na dahilan nakaramdam sya ng matinding kaba at pagkabalisa. "Hanggang dyan ka lang!" babala ni Ivan kay Jeremy. "Po?" tanong ni Jeremy na nagulat. Hahakbang sana sya para magtanong ng magsalita si Ethan. "Huwag kang kikilos sa kinatatayuan mo!" utos ni Ethan na tumayo. Matalim ang tingin nito sa kanya. Nakapangingilabot ang utos na iyon, "Ano pong ibig nyong sabihin?" tanong ni Jeremy na nalito. "Yuri!" utos nya. Lumabas si Yuri kaya lalong nakaramdam ng kilabot si Jeremy. Saka sya nakaramdam ng kirot muli sa dibdib. "Lumabas ka kung ayaw mong masunog!" banta ni Yuri na seryoso. "Hindi ako aalis!" anang boses na narinig ni Jeremy. Napahawak si Jeremy sa noo nya. Naramdaman na naman nya ang kakila-kilabot na pakiramdam na hindi nya maunawaan. Nagpadaplis ng apoy si Yuri kay Jeremy. "Hindi ako nagbibiro," hamon ni Yuri. Isang itim usok ang biglang lumabas kay Jeremy. "Anong..?" tanong ni Jeremy na nagulat. "Huwag ka nang magtangkang tumakas dahil hindi ka na makakalabas dito," wika ni Ivan. "Tampalasan ka para gamitin ang aking biari," ani Ethan na galit. "Patawarin nyo ko! Hindi ko po alam!" anang boses mula sa usok. "Hindi ka tumupad sa kasunduan na wala kayong sasalangin na dugo ni Esme o nang Phoenix," akusa ni Ivan. Sinubukang tumakas ng kaluluwa na pinigilan ni Yuri. Sinubukan muli nyang bumalik kay Jeremy pero napigilan sya ng sapot ng kapangyarihan. Napadikit ang usok sa sapot at hindi na makagalaw. Nilapitan ni Ivan si Jeremy na nararamdam ng kirot sa ulo nya at bigat sa balikat. "Humihingi po ako ng pahintulot, Kamahalan," mahinahong wika ni Ivan kay Ethan. Tumango si Ethan. "Esheru shania, esheru shania. Casillis endjo, endjo remoris!" usal ni Ivan na hinawakan si Jeremy. Napasigaw sa sakit si Jeremy bago gumaan ang pakiramdam nya. "Yuri ikaw na ang bahala sa korseng iyan!" utos ni Ethan. Naglitanya ng sumpa si Yuri. Sinunog ng apoy nito ang kaluluwang ligaw. Nilapitan din ni Niño si Jeremy. "Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Niño sa biari na inalalayan ang pamangkin sa upuan. "Ano po iyon?" tanong ni Jeremy na naguguluhan. "Kaluluwa mula sa Hell's Gate. Sila ang bantay ng Hell's Gate at mukhang nabuksan na ito para iwanan nya at sumama sa'yo," ani Ethan. Nag-usal ng mahika si Niño at guminhawa ang pakiramdam ni Jeremy. "Inaasahan kong mangyayari ito pero hindi sa puntong mangangahas syang sumapi sa'yo," wika ni Niño. "Keinisha, Tito Ethan, Tito Niño. Hindi ako naging maingat," hingi ng dispensa ni Jeremy. "Wala kang dapat ihingi ng tawad. Hindi mo iyon kasalanan," iling ni Ethan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD