CHAPTER 6 - Stay Focus on my study

2268 Words
Isinubsob ko ang sarili ko sa pag-aaral. Kahit vacant period eh nag-aaral pa din ako. Gumagawa na ko ng reviewer para sa palapit naming final exam. Tumabi na naman siya, "Anong ginagawa mo?" tanong ni Ian. "Naggagawa ng reviewer para pagdating sa bahay, magrereview na lang para sa exam natin. " sagot ko "Huh? May weekend pa naman ah. Next week pa ang exam natin" na-amaze ata siya na ako lang daw ang nag-aaral samantalang ang lahat ay busy sa pagkukuwentuhan. Tumingin ako sa paligid at sa paglinga ko, totoo nga na magulo ang lahat. Parang may sarili akong mundo na ako lang ang hindi naalis sa upuan ko. "Ayoko kasi ng nagrarush, kung kailan malapit na ang exam" tatango-tango pero hindi ko inaasahan ang sumunod niyang sinabi. "Kaya idol kita eh. Sige, dun na ko para hindi kita maistorbo." sabay tayo na niya at pumunta sa upuan niya sa likod. Inangat ko ang mukha ko para sundan siya ng tingin pero hindi ko na nilingon. Nalungkot ako. Pero hindi ko naman siya kayang pigilan sa pag-alis niya. Kahit gisto ko pa siyang kausap. Ano kayang ibig sabihin niya ng idol, gusto niyang maging katulad ko o gusto niya ng katulad ko? Pero hindi ako, nakakasad talaga. Kailan kaya magiging maganda uli ang pag-uusap namin. Yung hindi nauuwi sa pag-alis niya na parang may nagawa akong mali. Nagulat ako nang minsang lumapit sa 'kin si Anchies. Pumuwesto siya sa bandang unahan ng upuan ķo. Nakatagilid siya sa upuan para nakaharap sa 'kin. "Joni, alam mo kung hindi ko alam na si Ian ang gusto mo, liligawan kita eh." sabi niya. Nagulat akong napatingin sa kanya. Seryoso kasi siya kaya hindi ko nagawang magdeny. "Pano mo nalaman?" nasabi ko na lang. "Nakita kasi kita minsan sa corridor. Nakatingin ka sa may gawi ng canteen. Andun ako katabi ko si Ian. Akala ko nga sa akin ka nakatingin eh. Titig na titig ka na parang ang lalim ng iniisip mo. Yung parang nababasa ko sa mga mata mo na inlove na inlove ka kung kanino ka man nakatingin. Kaya lumipat ako ng upo para malaman ko kung kanino ka sa aming dalawa nakatingin. "At?" curious kong tanong sa kanya. "Hindi ka nagbago ng tinitingnan. Hindi lumipat ang tingin mo. Andun pa rin sa puwestong 'yun kaya nalaman kong si Ian ang tinintingnan mo, mahal mo siya noh? O crush lang ba?" Napakabait ni Anchies na parang hindi ko kayang magsinngaling sa kanya. Kung sana, natuturuan ang puso. Sana, siya na lang. Kasi hindi siya playboy. Mas siya pa nga ang naloko ng babae nung isama lang siya sa listahan ng collection nito tapos binreak agad. Kung sana, puedeng ilipat ang pagmamahal kung hindi napapansin nung isa. Na piedeng ibaling sa nanaisin mo. Siguro, walang taong nasasaktan. "Ang ipinagtataka ko, bakit hindi naging kayo?" seryoso pa din si Anchies na napapaisip. "Ang alam ko kasi nanligaw siya sa'yo" dugtong pa niya. Sinabi niya yun na parang hinihingi ang confirmation sa 'kin. "Hindi siya nanligaw sa 'kin. Wala naman siyang snasabi kahit na ba natabi siya sa 'kin. Eh d kung nanligaw siya, dapat alam ko. "sabi ko na lang sa kanya. Naguguluhan man si Anchies pero nagpaalam na siya at bumalik na sa kanyang upuan. Laging siya ang katabi ni Ian sa seating arrangement. Kasi ang apelyido niya ay Valle, at si Ian ay Ventura naman. Nabalitaan ko na lang na niligawan niya si Malen. At natuwa naman ako, kasi kaibigan ko din si Malen at mabait din siya kaya alam kong bagay sila. Recognition Day. Nakakatuwa kasi ang dami kong natanggap na award. Pareho pa din ang ranking namin sa klase. First honor si Bella at second honor naman si Karla. Muntik na nga ako mapalitan ni Imee, kasi nagthird siya sa ranking nung first quarter buti nakahabol ako Nagbunga din ang effort ko sa pagrereview. Lamang kasi sa akin si Imee sa extracurricular activities dahil nga officer siya sa CAT, si Karla at Bella din. Ako lang ang private sa CAT sa mga honors dahil ayoko ng ganung training. Ate ko nga hindi rin nakatagal, nagquit agad ng ilang araw pa lang kasi ayaw din ng pinapahiya at inuutusan. Kaya bumawi na lang talaga ko sa exam kaya ako pa din ang third honor. At fourth honor naman si Imee. Sa academics man lang, mahigitan ko si Imee. Inggit na inggit kasi ako sa kanya kasi niligawan siya ni Ian. Kaya nagsumikap ako para hindi niya ko maungusan sa honor roll, para baka dun mapansin ako ni Ian. Sa bahay, nakikipagkompetensya ako kay Ate para sa atensyon ni Papa. Pati ba naman sa school, ganun pa din ang sitwasyon. Kailangan kong makipagkompetisyon para makuha ang atensyon ng mahal ko. Na maimpress siya sa 'kin. Sinabi niyang idol niya ko. Ano yun? Gusto niya bang maging katulad ko? O gusto niya ng babaeng katulad ko? Pero hindi ako? Bakit hindi na lang ako? Ang saklap ng feeling ko. Parang puzzle na ang hirap isolve. Teka! Masaya nga pala ko. Kasi ang dami kong medal. Tig-apat ata kami kasi bikod sa third honor, ako din ang best in Moral Guidance at Values Education na parehong teacher namin dun si Bro. Romy, favorite nga niya ko di ba? Sa tatlong taon namin siyang teacher, alam niya ang problema ko. Ang hinanakit ko sa buhay. At feeling ko, siya ang no. 1 kung kakampi sa kasalukuyan. Saka best on Home Economics. Hindi ko akalain, kasi inaway pa ko ng teacher namin na si Ms. Belo kasi hindi raw ako na-attend ng klase niya. Kasi nanonood ako sa canteen ng "Young Love, Sweet Love" sa ganung oras. Napansin pala niya. kaya pinagawa pa niya ko ng make-up project at make-up exam. If I know, pinepersonal niya ko. Kasi may gisto rin siya kay Ian ha.. At alam niyang wala siyang pag-asa, hindi siya type nun eh. Eh ako kaya type niya? Bakit ang hirap sagutin? Hindi ko masabi. Hindi ko masabing "hindi" at hindi ko din masabing "oo".Mixed signal kasi ang ipinaparamdam niya kaya hindi ko talaga alam. Hindi ko alam kung siya ba ang confuse o ako. Ang g**o noh? Sana malaman din natin ang Ian's POV para malaman natin ang sagot sa mga katanungan ko. Nasa corridor ako ng araw na yun habang inaantay ang simula ng practice para sa recognition. Nagbabasa muna ko ng pocketbook para hindi mainip. Yan ang hobby namin na walang lovelife, magbasa ng love story ng iba at maki-emote sa bida. Nang mapansin ko na umuga ang mahabang mesa. Maiinis na sana ko kung hindi ko lang nakita na si Ian yun. Umupo siya sa lamesa sa tabi ko. At nakita ko na katabi niya si Topher. Pero nagpatuloy pa xin ako za pagbabasa. Nang marinig ko na may sinabi siya. "Puede ka daw bang dalawin sa inyo?" Si Ian ang nagtatanong pero nakita kong nakangisi so Topher. Kaya naalibadbaran ako. "Sino bang nagpapatatanong? tanong ko "Basta." .maikli niyang sagot. "Ang sagot ko kasi depende kung sinong dadalaw." pataray kong sagot. Kung ikaw, puwede. Gusto ko sanang idugtong pero nakakahiya naman. Alam kong may gusto sa 'kin si Topher dahil may natanggap akong bookmark na may nakaprint na kanta entitled "May gusto ako sa'yo". Kaya biglang ayoko na. "Wala naman akong sakit para dalawin" pamimilosopp ko habang nakatingin pa din sa pocketbook na binabasa ko. "Yung dalaw na sinasabi ko, eh yung pagdalaw na ginagawa ng isang binatang lalaki sa isang babeng dalaga na tulad mo" pagpapaliwanag pa niya. Iexplain pa talaga na parang hindi ko alam. "Sino ba ang dadalaw kasi? "naiinis na ko, pinapalivoy ligoy pa kasi. "Basta nga" mukhang walang balak sabihin kaya nabiwisit na ko. "Kung ayaw mong sabihin, ayaw ko ding magpadalaw. Umaalis ako ng bahay namin pag weekend. " tuluyan na kong nainis. Napikon na ko, kasi pareho pa silang nagngingitian. Na freling ko, para akong pinagkakatuwaan. "Hindi nga?" kulitan ang gusto mo ah. "Ay, basta wala ako sa bahay." banat ko. "Eh di kung kailan ka andun ng weekend." "Pati ang bahay namin umaalis pag weekend. " Nagkakalokohan na naman eh, patulan ko na. Natakot akong bigla baka si Topher ang tinutukoy ni Ian na pupunta. Ayoko talaga. Kung sigurado na si Iain yi6n, kanina pa ko umoo. Eh, ayaw naman njyang sabihin. "Pag weekend, pati bahay namin umaalis din kaya hindi puwede. Sabihin mo dun sa dadalaw, sa iba na lang kamo dumalaw. Busy ako pag nasa bahay." Naalibadbaran na talaga ko sa pagngisi ni Topher. Sana kasi hindi na siya kasama, baka kinilig pa ko sa pinag-uusapan namin. Kaya pinagsabihan ko ang sarili ko. Wag ka na kasing umasa, Joni. Masasaktan ka lang. Hindi naman siya makatagal sa iisa. Bago magpalit ang isang school year, bago na din ang gusto niya. At magagaya ka sa mga naging girlfriend niya na umiyak. Kaya embrace yourself, wag kang magpapadala sa mga sinasabi niya. Pinagsabihan ko ang sarili ko. Huwag mong isipin na may gusto sa'yo si Ian kasi never ka naman niya isinayaw nung Acquaintance Party o ning JS Prom. Sa mga event na yan, hindi mo siya naramdaman. Kasi busy siya sa ibang babae Ang sakit lang. Pero kailangan kong iuntog ang sarili ko para matauhan. Naalala ko yung pinagawa kami ng tula ng teacher namin sa Filipino. Imptomptu yun, yung time na yun na sakit na sakit ang kalooban ko na malamang si Imee pala ang gusto niya na inakala kong ako. Kaya naibuhos ko sa tulang yun ang lahat ng aking saloobin. Tinawag pa nga ako ng teacher para basahin ko sa harapan ang gawa ko Hiyang hiya man ako, wala akong magawa tinawag ako eh. 6 stanza yun. Puno ang isang intermediate pad eh. Tahimik ang lahat na nakikinig. Nung ikaw ay makilala Ang lahat sa akin ay nag-iba Inaasam na ikaw ay laging makita Isang ngiti mo lang, ako ay sumasaya Napakasaya ko pag ikaw ay kasama Kahit makita ka lang ay sapat na Alam kong wagas ang aking pagsinta Na tanging alam kong sa'yo lamang madarama Kapag nasa malapit ka Ay hindi ko mapigilan ang kaba Lalo na kapag ikaw ay tumabi na Ako ay walang masabi at natataranta Ang saya ko sa tuwing ikaw ay kausap Pakiramdam ko ay para akong nasa ulap Akala ko ikaw din ay may paglingap Ngunit isang pagkakamali pagkat iba ang iyong hanap Nabasa ko sa'yong mga mata Na ikaw ay may minamahal na Ngunit bigo dahil akala ko ay ako na Pero mali, dahil kaibigan ko pala Masakit! Pero kailangan kong tanggapin Na ikaw ay hindi magiging akin Dahil wala ka sa aking pagtingin At tanging kaibigan lang kung yong ituring Matapos kong basahin sa klase. Nagpalakpakan sila. Parang nafeel nila, at yung nadaanan ko ay narinig ko pang sinabi sa 'kin na. "Ang ganda." Parang si Eva ang nagsalita pero nakita ko sa mga kaklase kong babae na parang nadala sila. Kaya hindi na ko nagulat na lumapit sa kin ang isang classmate kong si Winnie kinabukasan at nagpapagawa ng love letter. "Gawan mo naman ako ng love letter" ani Winnie sa 'kin "Ha? " Nagulat ako. "Aanhin mo? Para saan? Babae ako, hindi ako nagkakagusto sa kapwa ko babae. Straight ako" inemphasize ko talaga na hindi ko siya type. "Kunwari lang naman, may papagselosin lang ako. Ang slow kasi niya." nayayamot na sabi niya. " Okay. Kilala ko ba? "tanong ko pa "Hindi mo kilala. Taga sa amin. Ipapakita ko lang sa kanya, na may ibang nagkakagusto sa 'kin para magtapat na. " pagmamaktol pa niya. Naawa naman ako. Kasi ganyan din ang nararamdaman ko. Ang hirap kayang mag-antay. Ang hirap para sa mga babae ang wala kang magawa kundi mag-antay na mapansin ka. Kanya-kanya ng da moves kaming mga babae talaga. Simula dun, dami ko ng fans na na-amaze sa tulang kinocompose ko. Sumali na nga rin ako sa Poem Writing Contest about kay Mama Mary. Ang codename kong ginamit ay Colorful Mystical Rose. Hindi mo kasi puwedeng gamitin ang name mo, para fair ang grading ng judge na mga teacher din namin. Di nila kilala ang gumawa. Igegrade nila base lang sa ginawa mo regardless kung sino ang sumulat. And I won! Proud and thankful ako kay Lord sa nadiscover kong talent in writing. Dito kasi naeexpress ko ang totoong ako, without pretentions at limitless. May english version pa nga akong ginawa na poem, inspiration ko siyempre si Mr. Priority. Na nung nabasa ni Imee, hiningi niya rin para kopyahin, ang ganda daw kasi. Hindi naman ako madamot kaya pumayag ako. Mapagbigay ako, basta kaya ko. Binibigay ko, minsan nga kahit nasasaktan na 'ko sige pa din sa pagbibigay. Yun nga ang nangyari. Nang makausap ko si Ian. At proud pa siyang ipakita na may ginawa si Imee na poem na ang ganda daw, nakaka-in love, natouch daw siya. Gusto kong magdamdam, kasi ako ang gumawa nun pero hinayaan ko na. Hindi ko sinabi. What for? Umoo nanlang ako. Pinapabasa nga sa 'kin. Sabi ko na lang "Nabasa ko na din yan, ipinakita niya rin sa 'kin". Saulo ko nga yan, kaya kong sabihin na hindi ko binabasa. Kasi lahat ng nakasulat dyan, galing sa puso ko. Walq na nga akong itinira para sa sarili ko. Nasa isip ko nga, lahat ba sila gagamitin na lang ako for their own merit. Paano naman yung damdamin ko? Parang ayoko ng maging vulnerable sa iba. I gave them my trust, pero sinisira lang nila. Kaya from now on, I will keep my life in private. Hindi na ko mag-oopen up sa iba. Siyempre exempted si bff ko sa rules. Pipiliin ko na ang pagkakatiwalaan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD